Saturday Apr, 20 2024 06:24:56 AM

3 drug suspect, naaresto, P300K na halaga ng shabu nakumpiska

Local News • 15:30 PM Thu Mar 16, 2023
469
By: 
DXOM Radyo Bida Koronadal

KORONADAL CITY - Kulong ang 3 katao matapos makumpiskahan ng mga otoridad ng mahigit P377,000 na halaga ng iligal na droga sa Polomolok, South Cotabato.

Kabilang sa mga naaresto ang target sa anti-illegal drug operation na si Ramil Ramos alyas “Mil”, 42 anyos, photocopying machine technician at supplier.

Ayon kay Polomolok Chief of Police Lt.Col. Joseph Forro III, arestado rin ang mga kasabwat nitong sina Fernando Amper Jr., alias “Tata” 47 anyos, isa ring photo copying machine technician at Peter Babael alyas “Pit” 56 anyos,garbage collector.

Ang nasabing mga drug suspect na pawang mga nakatira sa Davao City ay nakorner ng mga pulis at PDEA agent sa Barangay Silway 8, Polomolok.

Ito ay matapos magbenta ng iligal na droga sa kanilang asset.

Nakumpiska ng mga ito sa mga suspek ang isang malaking sachet ng suspected shabu; dalawang P1,000 marked money at 120 na piraso ng pekeng P100-peso bill na ginamit nilang boodle money.

Ang arestadong mga drug suspek ay kinasuhan na ng Polomolok PNP ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

PBBM to PNPA grads: Maximize technology to fight crime, serve

SILANG, CAVITE – President Ferdinand R. Marcos Jr. on Friday called on the new graduates of the Philippine National Police Academy (PNPA) to...

Picong ambush suspect falls during hot pursuit operation

PICONG, Lanao del Sur - After a thorough investigation and follow-up operation, operatives were able to identify the seven individuals involved in...

NDBC BIDA BALITA (April 19, 2024)

  HEADLINES 1   BABAE patay sa ambush sa Maguindanao del Sur; Pulis naman sugatan sa ambush sa Lanao del Sur 2  ...

3 dead in South Cotabato highway accident

COTABATO CITY - Three individuals died instantly in a gruesome highway mishap involving two vehicles in Barangay Polonuling in Tupi town in South...