Wednesday Mar, 22 2023 04:28:04 AM

3 BIFF nagbalik-loob sa Maguindanao del Sur

Mindanao Peace Process • 05:30 AM Sat Feb 4, 2023
326
By: 
6th ID news release
40th Infantry Battaion Commander Lt. Col. Edwin Alburo receives the rilfe of one of the former BIFF during surrender rites. (Army photo)

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Tumalikod na sa armadong pakikibaka ang tatlong mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF at tinanggap ang inaalok na kapayapaan ng pamahalaan makaraang sumuko ang mga ito sa kampo ng 40th Infantry (Magiting) Battalion sa Brgy Kabengi, Datu Saudi, Ampatuan, Maguindanao Del Sur.

Ayon kay 40th Infantry Battaion Commander Lt. Col. Edwin Alburo, ang mga sumuko ay mga kasapi ng Karialan at Bungos Faction ng BIFF na may mga edad 31, 23 at 27-anyos ang dalawa ay residente ng Datu Hoffer at ang isa ay nakatira sa Mamasapano, lahat sa Maguindanao.

“Gutom, hirap at pagod ang idinadahilan nila sa kanilang pagbalik-loob sa pamahalaan. Nangangamba na kasi sila sa kanilang buhay sapagkat di na nila makaya ang pwersa ng ating mga kasundaluhan na patuloy na tumutugis sa kanila,” pahayag ni Lt. Col. Alburo.

Bukod dito, isinuko din ng tatlo ang kanilang mga bitbit na armas na isang Sniper Rifle, 7.62mm, isang Sniper Rifle, Cal .50 at isang GL, 40mm.

Samantala, iginiit naman ni 601st Brigade Commander Brigadier General Oriel Pangcog na inaasahan pa ang dagdag na pagsuko ng mga ekstremistang grupo dahil sa walang humpay na operasyon ng militar laban sa mga ito.

“Extremists in  South and Central Mindanao are now crumbling and are nearing their total destruction, as more of their members realize the deceptions and manipulative ploys of their leaders who recruited them and used them do further their personal agenda,” giit ni Brig. Gen. Pangcog.

Agad namang pinuri ni Major General Alex Rillera ang naging hakbang ng tatlo at ang mga pagsisikap ng 40IB sa pagsupil sa mga kalaban ng estado. Gayundin, di naman nito isinasantabi ang malaking papel na gingampanan ng mga local government units sa pagsasaayos sa maling landas na tinahak ng mga nabiktima ng panlilinlang at maling ideolohiya.

“This only proves that the security landscape in the area is changing and we are able to sustain the momentum. Our unit is always open to welcome you once you decide to live peacefully. The government will provide you with services, including financial and livelihood assistance to start your new life,” ayon kay Maj. Gen. Rillera.

BARMM Darul Ifta declares Ramadhan to commence March 23

COTABATO CITY  – A Muslim religious leader today announced that the Holy Month of Ramadhan will official commence on Thursday, May 23, Thursday...

34 loose firearms handed over to military in Basilan

ZAMBOANGA CITY - Lantawan Mayor Nursiya Ismael handed over 34 loose firearms to the military in a ceremonial turn-over held at the 19th Special...

Man with P1,7-M shabu nabbed in Polomolok sting

KORONADAL CITY – Collaborative effort of PRO 12 in intensified campaign against illegal-drugs resulted in the arrest of notorious drug peddler...

Priest mistaken for transporting a "salvaged man"

KIDAPAWAN CITY  – A Catholic priest has claimed that a police officer suspected him of transporting a salvage victim while driving from Digos...

P510K shabu seized in Carmen, North Cotabato, dealer nabbed

KIDAPAWAN CITY – About P510,000 worth of shabu were seized from a High Value Individual (HVI) in Purok 14, Brgy. Poblacion A, Carmen, Cotabato...