Friday Apr, 26 2024 08:35:59 PM

20k pamilya sa NoCot, apektado ng pagbaha

Local News • 06:45 AM Sat Oct 24, 2020
1
By: 
DXND Radyo Bida
Ang Bulatukan River at Bulatukan bridge kasunod ng flash floods. (DXND photos)

KIDAPAWAN CITY - Nanatili pa rin ngayon sa mga evacuation center ang nasa 18, 497 na mga pamilya na lubos na naapektuhan ng baha sa Cotabato Province dahil sa patuloy na nararanasang pag-ulan sa ibat-ibang bahagi ng Central Mindanao.

Pinaka-apektado dito ang bayan ng Pikit, Kabacan, Makilala, Matalam at sa bayan ng Antipas batay sa report ng bawat Local Disaster Risk Reduction and Management Office.

Nagbabala naman si Provincial Disaster Risk Reduction Management (PDRRM) Officer Mercy Foronda sa patuloy na pag-ulan hanggang matapos ang taon kung kaya’t pinayuhan ang publiko na maging maingat at mapagmatayag sa lahat ng pagkakataon.

Paliwanag ng PDRRM na ang naranasang mga pagbaha ay bunsod ng low pressure area, localized thunder storms, at pagpasok ng bagyong Ofel at Pepito nitong nakalipas na linggo.

Sa ngayon, nakapaghatid na ng tulong ang bawat LGU sa nasabing mga apektadong pamilya habang patuloy naman ang isinasagawang rapid assessment ng PDRRM personnel sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng mga pagbaha.

Pregnant, companion arrested in DOS drug buy bust

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao del Norte - Kinilala ng PNP ang buntis na drug suspek na si Fatima Bagundang Esmail, 32-anyos at si Hamid Dalama...

Cotabato Light: NGCP sked power interruption for April 28 cancelled

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company today said the NGCP scheduled power service interruption for April 28, 2024 has been cancelled....

Miss U Ph bets visit Tacurong bird sanctuary

DAY 2, SULTAN KUDARAT: Sultan Kudarat is truly a land of wonders, both flora and fauna. As part of their continuing tour of the province’s sights,...

NDBC BIDA BALITA (April 26, 2024)

HEADLINES 1   ISA PATAY, tatlo huli sa firearms buy bust CIDG-BARMM sa Maguindanao del Sur 2   GRADE 7 student, patay na...

Civet cat and PH deer turned over to DENR-12

KORONADAL CITY - A Philippine Palm Civet Cat (Paradoxurus philippensis) locally known as “Milo” and a Philippine deer (Rusa Marianna) were...