2 die, 1 hurt in Koronadal shootout
KORONADAL CITY - Dead on arrival sa ospital ang isang land owner matapos pagbabarilin sa kanila mismong lugar sa Purok Camia, Barangay New Pangasinan,Koronadal City pasado alas dos kahapon.
Kinilala ng Koronadal PNP na pinamumunuan ni Police Lt. Col. Joedy Lito Guisinga ang nasawing biktima na si Vicente Sumigcay, 38 anyos.
Patay din ang isa sa mga suspek na si Elves Castillo alias Boyet habang sugatan naman ang suspek ding si Renel Guyunan, 41 anyos , businessman at nakatira sa barangay San Miguel Norala, South Cotabato.
Si Guyunan na nagtamo ng mga tama ng bala ng baril ay nagpapagaling pa sa ospital.
Hindi pa malinaw sa pulisiya kung sino ang nakabaril sa dalawang mga suspek.
Ayawan sa lupa ang motibo na tinukoy ng PNP sa krimen.
Ayon sa Koronadal PNP umatras kasi sa pakikpag transakyon ang may-ari ng lupa na si Sumigcay dahil sa kabiguan ng buyer at suspect na si Fuyunan na sumunod sa kanilang kasunduan.
Gayunpaman nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Koronadal PNP sa insidente.