Saturday Jul, 06 2024 08:03:30 PM

Dating purok leader sa Cotabato City, patay sa pamamaril

Local News • 16:00 PM Mon Jul 1, 2024
285
By: 
DXMS
Nasa kaliwang bahagi ng larawan ang lugar kung saan bumagsak si Maria Alona Villar sa Barangay Rosary Heights 8. (DXMS)

COTABATO CITY - Dead on arrival sa ospital ang isang babaeng dating purok leader ng Zenaida Subdivision matapos itong pagbabarilin sa Moonlight street, Barangay Rosary Heights 8 Cotabato City pasado alas-9 kaninang umaga.

Kinilala ang biktima na si Maria Alona Villar, nasa 50 anyos at residente ng nasabing barangay. Sa report ng PNP, lumalabas na siya ay maybahay ni Police Lt. Colonel Henry Villar. 

Sa ulat ng Cotabato City Police Station 2, naglalakad ang biktima sa nasabing lugar nang bigla siyang lapitan ng hindi pa tukoy na mga suspek at pinagbabaril ng ilang beses.

Mabilis ring nakatakas ang mga suspek na umano’y sakay ng motorsiklo patungo sa hindi matukoy na direksyon matapos maisagawa ang krimen.

Tinamaan sa ulo ang biktima na kung saan naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay ayon sa mga doktor.

Narekober sa crime scene ang isang basyo ng bala at fired cartridge na pinaniniwalaang mula sa .45 caliber pistol.

Sa ngayon, wala pang lead ang PNP sa kung ano ang motibo ng pamamaril habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.

Hawak ng biktima ang papel na ito nang siya ay mabaril.

May be an image of ticket stub and text

Reclusion Perpetua, multang P10-M hatol ng korte sa pumatay kay Dr. Marivic Tello

Suspek na pumatay kay Dr. Tello sa Cotabato City, hinatulan na ng reclusion perpetua at pinagmumulta ng sampung milyon piso RECLUSION perpetua o...

2 alleged MILF `gunrunners’ arrested in MagSur

COTABATO CITY - Policemen intercepted on Thursday two members of the Moro Islamic Liberation Front while out to deliver two pistols to a buyer in...

Floods submerge Datu Salibo villages

DATU SALIBO, Maguindanao Sur - Barangay Poblacion workers reached out to Purok Salvo, Purok Tahimik and Market Site B for crucial data gathering...

Spinner dolphins, dwarf sperm whales spotted in SarBay

GEN. SANTOS CITY - The DENR-12 and the Protected Area Management Office of the Sarangani Bay Protected Seascape (PAMO-SBPS) recently sighted spinner...