Reclusion Perpetua, multang P10-M hatol ng korte sa pumatay kay Dr. Marivic Tello
Suspek na pumatay kay Dr. Tello sa Cotabato City, hinatulan na ng reclusion perpetua at pinagmumulta ng sampung milyon piso
RECLUSION perpetua o 40 taong pagkakabilanggo at multang P10 milyong piso.
Ito ang naging hatol ng RTC Branch 14 sa self-confessed killer na si Nasrudin Mohammad Endaila alyas Nadine dahil sa kasong murder.
Si Endaila ang pumatay kay Dr. Maria Vicenta o Marivic Tello na inilibing nito sa likurang bahagi ng Cotabato City Medical Society Building ng Cotabato Regional and Medical Center, Hulyo noong nakaraang taon.
Matatandaang inamin ng suspek na pinatay niya ang doktora habang nagpapahinga ito sa conference hall at inilibing mag-isa.
Paliwanag pa ng suspek, nagdilim ang paningin niya matapos siyang pagbintangan ng doktora na nawawala ang collection nilang pera na nagkakalahalaga ng P20,000.