Smuggled cigarettes nakumpiska ng PNP sa Parang, MagNorte
NAKUMPISKA ng Parang PNP sa Barnagay Sarmiento, Parang, Maguindanao del Norte ang isang wing van cargo truck may kargang smuggled cigarettes kaninang umaga.
Ang 10-wheeler truck at Bongo truck ay nasa custody na ngayon ng Parang MPS habang isinasagawa ang imbestigastion at accounting ng mga kontrabando, ayon kay Parang police chief Lt. Colonel Erwin Tabora.
Nasa P9.7 million ang halaga ng naharang na smuggled cigarettes.
Ang higit sa 500 mga kahon ng sigarilyo ay ikinarga sa dalawang malalaking truck, ayon kay Parang town police chief Lt.Col. Erwin Tabora.
Naaresto maman ang tatlong mga suspek na sina alyas Edwin, Roger at Julius na lahat taga Parang.
Katwiran ng nahuling dalawang driver at isang pahinante, ipinadala lamang umano sa kanila ang mga kontrabando.
Sinabi ni Tabora na ang mga sigarilyo ay mula sa Parang at Zamboanga at nakatakdang ipuslit sa Libungan, North Cotabato.
Ang mga ito ay nakatakdang i-turn over ng PNP sa Bureau of Customs.