Saturday May, 18 2024 12:34:38 AM

P1.7-M na halaga ng shabu nakumpiska, 2 suspect naaresto sa Datu Odin Sinsuat

Local News • 19:45 PM Mon Mar 11, 2024
400
By: 
DXMS NDBC

COTABATO CITY - HULI sa ikinasang drug buy-bust operation ng Philippime Drug Enforcement Agency o PDEA-BARMM ang dalawang kalalakihan sa bahagi ng City proper Makir, Barangay Makir, Datu Odin Sinsuat Maguindanao del Norte kaninang hapon.

Kinilala ng mga operatiba ang dalawang nahuli na sina Nunnga Abtila alias longhair at Amir Usman alias Amier na pawang mga taga Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Base sa ulat ng PDEA-BARMM nakuha mula sa kanila ang 5 medium size na pakete ng pinaghihinalaang shabu na may bigat na 250 grams at may kabuuang halaga na P1,700,000.

Nabawi rin ang perang ginamit sa operasyon bilang buy-bust money habang nakuha rin ang ilang pang mga non drug evidence tulad ng isang cellphone at isang XRM motorcycle.

Patuloy pang inaalam ng PDEA-BARMM ang background ng mga drug suspek.

May be an image of text

Sa ngayon, kulong na ang dalawa at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Deugs Act of 2002.

NGCP scheduled power interruption for May 19 cancelled

What: CANCELLED NOTICE OF National Grid Corporation of the Philippines POWER INTERRUPTION When: Sunday, May 19, 2024 | 7:00 - 8:00 AM | 5:00...

Cotabato Light: Increased generation costs lead to a rise in the overall electricity rate

COTABATO CITY - The overall residential rate of Cotabato Light & Power Company (Cotabato Light) increased by P1.90 per kilowatt hour (kWh)...

Lalaking taga Cotabato City patay sa pamamaril sa Sultan Mastura, Maguindanao Norte

PATAY on the spot ang lalaking naka motor nang pagbabarilin ng mga gunmen sa Sitio Amadeo, Brgy. Boliok, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte,...

PNP wants Maguindanao Norte prosecutor out of slain cop's case

MANILA – The Philippine National Police (PNP) has sought the inhibition of a Maguindanao del Norte prosecutor from the case involving the fatal...

2 NPAs die in clash with Army in Lebak

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Nasawi ang dalawang mga kasapi ng teroristang komunista matapos na makipagbakbakan sa mga operating units...