Friday May, 17 2024 05:21:06 PM

1 patay sa pagsabog sa Datu Salibo, Maguindanao Sur; 5 MILF sugatan sa Aleosan explosion

Mindanao Armed Conflict • 20:30 PM Thu Nov 23, 2023
517
By: 
DXMS NDBC
Detachment ng MILF sa Barangay Bagolibas, Aleosan kung saan naganap ang pagsabog.

DATU SALIBO, Maguindanao Sur - Patay ang isang kasapi ng MILF matapos na sumabog ang isang hinihilang improvised bomb na itinanim ng kanyang ka-rido.

Nagpapatrolya ang mga kasapi ng MILF nang pasabugin ng mga kasapi naman ng BIFF ang isang improvised bomb sa Barangay Pindetin alas 6 ng umaga kanina.  

Samantala, RIDO ang sinusundang anggulo ng PNP matapos ang pagsabog sa kampo ng MILF sa Aleosan, North Cotabato. Limang kasapi ng MILF nasugatan sa pangyayari.

Itinanim mismo sa kampo ng 118 base command ng MILF sa Purok 8, Barangay Bagolibas, Aleosan, North Cotabato ang hindi pa matukoy na pampasabog na nagresulta sa pagkasugat ng limang kasapi nito bago magtanghali kanina.

Kinilala ni Aleosan PNP town Chief Major Jennefer Amotan ang mga sugatang biktima na sina Abdul Baser Mamintal, Nor Minandang, Moslimen Diya Usop, Hasan Kalano, at Ronald Arellano na mga kasapi ng MILF 118 base command sa ilalim ni Commander Ansari.

Ayon kay Amotan, kakarating lang ng mga biktima sa kanilang kampo matapos ang nangyaring settlement sa Barangay Hall ng Bagolibas sa pagitan ng 105th Base command ng MILF.

Habang naghahanda ng pananghalian ang mga biktima ay bigla nalang may sumabog dahilan para tamaan ang lima sa ibat-ibang bahagi ng kanilang katawan na agad dinala sa Aleosan District Hospital.

Sa ngayon ay inaalam pa ng EOD team kung anong uri ng pampasog ang itinanim sa kampo habang isa ang RIDO sa mga sinusundang anggulo ng PNP sa pagsabog na ngayon ay patuloy pa nilang iniimbestigahan.

NGCP scheduled power interruption for May 19 cancelled

What: CANCELLED NOTICE OF National Grid Corporation of the Philippines POWER INTERRUPTION When: Sunday, May 19, 2024 | 7:00 - 8:00 AM | 5:00...

Cotabato Light: Increased generation costs lead to a rise in the overall electricity rate

COTABATO CITY - The overall residential rate of Cotabato Light & Power Company (Cotabato Light) increased by P1.90 per kilowatt hour (kWh)...

Lalaking taga Cotabato City patay sa pamamaril sa Sultan Mastura, Maguindanao Norte

PATAY on the spot ang lalaking naka motor nang pagbabarilin ng mga gunmen sa Sitio Amadeo, Brgy. Boliok, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte,...

PNP wants Maguindanao Norte prosecutor out of slain cop's case

MANILA – The Philippine National Police (PNP) has sought the inhibition of a Maguindanao del Norte prosecutor from the case involving the fatal...

2 NPAs die in clash with Army in Lebak

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Nasawi ang dalawang mga kasapi ng teroristang komunista matapos na makipagbakbakan sa mga operating units...