Friday May, 17 2024 12:54:26 PM

UPDATE: 6 die, 13 hurt in Maguindanao Norte hiway mishap

Breaking News • 09:00 AM Sun Mar 5, 2023
1
By: 
DXMS Cotabato City
Photos: Xieshsh Yojhie

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao - ANIM ang kumpirmadong patay sa banggaan ng Hilux, Payong Payong at Hi-ace Van sa national highway boundary ng Sitio Gubat, Barangay Makir, at Barangay Kurintem, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Nangyari ang aksidente pasado alas kwatro ng madaling araw kanina, March 5, 2023.

ANG MGA NASAWI on the spot ay ang mismong driver ng van na si Unasan Kaul, taga Guindulungan, Maguindanao del Sur at mga pasahero nitong sina Norhaimin Baladek at Manaut Guialudin, kapuwa mula sa bayan ng General SK Pendatun, Maguindanao del Sur.

Naisugod pa sa pagamutan ngunit binawian din ng buhay ang isang lola na kinilalang si Kaidu Manalasal at Mamakong Salimbao, parehogn sakay ng van.

Dead on arrival din sa pagamutan ang driver ng Hilux na si Bomber Gani. Sa ngayon ay 13 ang nagpapagaling sa ospital, kabilang ang driver ng payong payong na nadamay sa aksidente.

Sinabi sa DXMS Radyo Bida ni Datu Odin Sinsuat PNP Investigator Staff Sergeant Benjamin Bedo na ang HiAce van ay galing GSKP patungong Lanao del Sur upang dumalo sana sa gaganaping reunion.

Galing naman sa Lanao del Sur ang hilux na patungong South Cotabato.

Nang pagsapit sa boundary ng Makir at Barangay Kurintem, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte ay nabangga ng Hilux ang payong payong dahilan kung bakit nagsalpukan ang tatlong mga sasakyan.

Ngunit ito ay patuloy pang iniimbestigahan ayon kay Staff Sergeant Bedo. 

May be an image of 11 people, people sitting, people standing, outdoors and tree

NGCP scheduled power interruption for May 19 cancelled

What: CANCELLED NOTICE OF National Grid Corporation of the Philippines POWER INTERRUPTION When: Sunday, May 19, 2024 | 7:00 - 8:00 AM | 5:00...

Cotabato Light: Increased generation costs lead to a rise in the overall electricity rate

COTABATO CITY - The overall residential rate of Cotabato Light & Power Company (Cotabato Light) increased by P1.90 per kilowatt hour (kWh)...

Lalaking taga Cotabato City patay sa pamamaril sa Sultan Mastura, Maguindanao Norte

PATAY on the spot ang lalaking naka motor nang pagbabarilin ng mga gunmen sa Sitio Amadeo, Brgy. Boliok, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte,...

PNP wants Maguindanao Norte prosecutor out of slain cop's case

MANILA – The Philippine National Police (PNP) has sought the inhibition of a Maguindanao del Norte prosecutor from the case involving the fatal...

2 NPAs die in clash with Army in Lebak

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Nasawi ang dalawang mga kasapi ng teroristang komunista matapos na makipagbakbakan sa mga operating units...