Wednesday May, 08 2024 12:21:49 AM

Platoon leader ng NPA na taga North Cotabato, naaresto sa Koronadal City

Local News • 16:15 PM Fri Apr 16, 2021
1
By: 
DXOM Radyo Bida Koroandal
Ang suspect na NPA leader at may kasong murder na si Gemar Genaca alyas Owen, 37.

KORONADAL CITY - Tuluyang nahulog sa kamay ng mga otoridad ang isang platoon leader ng New People's Army sa lalawigan ng South Cotabato.

Ayon kay South Cotabato Provincial Police Office director PCol. Jemuel Siason, kahapon Abril 15 nang nahuli ng pinagsanib na pwersa ng South Cotabato PNP, Koronadal PNP, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) 12 , at Regional Intelligence Unit (RIU) 12 ang suspek na kinilalang si Gemar Genaca alyas Owen, 37 anyos at residente ng Makilala, North Cotabato.

Nahuli si Genaca sa Brgy. Saravia habang sakay ito sa pampasaherong van mula sa bayan ng Polomolok papunta sa lungsod ng Koronadal gamit ang isang pekeng CCTS card.

Positibo namang kinilala ng ilang mga dating NPA rebels si Genaca bilang Platoon Leader of Guerrilla Front 73-DAGUMA ng Far South Mindanao Regional Committee (FSMRC) at dating commanding officer ng Guerrilla Front 72-ALIP FSMRC.

Dagdag ni Siason, wanted si Genaca dahil sa dalawang standing Warrants of Arrests for the Crime of Attempted Murder na inisyu ng Regional Trial Court(RTC) Branch 61 sa Kidapawan City.

Nag-ooperate umano ang grupo nito sa mga bayan ng Palimbang, Lebak, Kalamansig, Senator Ninoy Aquino, Bagumbayan, at Esperanza.

Sa ngayon ay nasa custodial facility na ng mga otoridad si Genaca.

Ikinagalak naman ni Siason ang agarang pagkakahuli sa naturang NPA leader at nagbabala sa paggamit ng pekeng CCTS cards na mananagot ang mga ito sa batas.

May be an image of 1 person and text that says '6 6 88 6 8 80- 1.78 6 -1.78-- 5 5 0- 5 32 30 CIDG PUPC 3 GEMAR GECANA CAGULADA A.K.A' OYEN" ATTEMPTED MURDER CCN -2018 4814-2018 APRIL 15, 2021 3 Rig (Kana Left (Kaliwa)'May be an image of ‎1 person and ‎text that says '‎6 1.88 6 10- 6 .85 6 80 .78 60 5 60 5 GEMAR GECANA ا CAGULADA A.K.A "OYEN" ATTEMPTED MURDER CC NO. 4813-2018 4814-2018 APRIL 15, 2021 Righ (Kan‎'‎‎

Soccsksargen niyanig ng Magnitude 4.8 na lindol

NIYANIG NG Magnitude 4.8 ang Saranggani, South Cotabatoi at Sultan Kudarat kanina. Ayon sa Phivlcs, ang lindol ay tectonic in origin at natunton...

Energy Conservation Tips - Air Conditioner for Cotabato Light

Kuryentalks: Energy Conservation Tips - Air Conditioner 1. Set a comfortable temperature on your thermostat. When using an air conditioner, set...

Thousands displaced as rival Moro groups clash in Maguindanao del Sur

COTABATO CITY --- Local officials are struggling to disengage two feuding Moro factions in Mamasapano town Maguindanao del Sur that clashed again...

USM professor, nag-public apology sa pag-angkin ng thesis ng isang USM student

Public Apology ng dating university professor sa kanyang estudyante dahil sa pangongopya nito sa kanyang thesis. Naglabas ng kanyang public...

Imbestigasyon sa pagkasangkot ng 3 pulis sa pagpatay kay Capt Moralde sa MagNorte, nagsimula na

INIIMBESTIGAHAN na ngayon ng PNP ang tatlong mga pulis na kasama ni Police Captain Roland Moralde nang ito'y paslangin ng limang mga gunmen sa public...