Tuesday May, 28 2024 12:33:39 PM

Imbestigasyon sa pagkasangkot ng 3 pulis sa pagpatay kay Capt Moralde sa MagNorte, nagsimula na

Peace and Order • 12:45 PM Tue May 7, 2024
283
By: 
DXMS

INIIMBESTIGAHAN na ngayon ng PNP ang tatlong mga pulis na kasama ni Police Captain Roland Moralde nang ito'y paslangin ng limang mga gunmen sa public market ng Parang, Maguindanao del Norte nitong May 02.

Ayon kay PNP-BARMM Public Information Officer Captain Airene Mazon, nasa lebel na ngayon ng Regional Internal Affair Service o RIAS ang kaso ng tatlong mga pulis.

Ang tatlo ay may ranggong Lt.Colonel, Police Captain at isang Patrolman, na lahat ay kasapi ng Regional EOD Canine Unit o RECU.

Unang sinabi ng PNP na apat ang kasama ni Moralde pero sa imbestigasyon ng RIAS, tatlo lang ang kasama ni Moralde.

Samantala, sinampahan na ng kasong administratibo ang dalawang mga pulis na sangkot naman sa pagpaslang kay Captain Moralde.

Maliban pa ito sa kasong murder na kakaharapin ng dalawa kasama ang tatlong at-large.

Nabatid na nauwi sa pamamaslang ang dapat sana'y paninita lang ni Moralde sa isang buko juice vendor na si Mohiden Untal dahil sa pagdadala nito ng baril.

Napatay ni Moralde si Untal matapos makipagpalitan ng putok.

Nang makatakbo si Moralde ay sinundan ito ng mga gunmen na mga kaanak ni Untal kung saan dalawa rito ay kapwa rin niya mga pulis.

Babae nahagip at napatay ng Mindanao Star Bus na patungong Cotabato City

DIGOS CITY, Davao Del Sur - Patay ang isang 51 taong gulang na matandang babae makaraang siya ay mahabig ng Mindanao Star Bus sa Purok Mangga,...

4 patay, 1 sugatan sa pamamaril sa Tantangan, South Cotabato

KORONADAL CITY - Patay ang apat na magkakamaganak habang sugatan naman ang isa pa nilang kasama matapos mabiktima ng pamamaril sa barangay Dumadalig...

Veteran director Carlo J. Caparas dies; 80

MANILA – Veteran director and comic strip creator Carlo J. Caparas, who was best known for putting life into iconic Filipino superheroes and...

Indigents, IPs get housing units from MSSD

AMPATUAN, Maguindanao del Sur - Indigenous Peoples and Moro indigents are now enjoying living in the comforts of their own homes provided for them by...

Army neutralizes a BIFF, captures IEDs and firearm in MagSur clash

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Operating troops of the Joint Task Force Central were conducting military operations in Butilen, Datu...