Wednesday May, 08 2024 08:21:45 AM

Lalaki, pinatay sa boundary ng Kabacan at Matalam, North Cotabato

Peace and Order • 10:00 AM Tue Sep 1, 2020
2
By: 
DXND radyo Bida

KIDAPAWAN CITY - Dead on the spot ang isang magbobote makaraang pagbabarilin at gilitan pa sa leeg ng dalawang di kilalang suspek sa boundary ng Barangay Bangilan, Kabacan, Cotabato at Barangay Natutungan, Matalam, Cotabato alas 11:30 ng umaga kahapon.

Sa report ng PNP, nakilala ang biktima na si Kenny Garcia Labasan, 25 years old isang laborer at mangangakal na taga Purok Kadina de amor, Barangay Malanduage, Kabacan, Cotabato habang maswerte namang nakaligtas ang isang pang lalaking kasama nito.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, pinagbabaril ng mga suspek ang nasabing biktima habang binabaybay ang kahabaan ng daan patungong Barangay Natutungan, Matalam lulan ng kanilang motorsiklo na kinabitan ng cart para sa kanilang mga kinakalakal na bote at bakal.

Bigla na lamang silang hinarang ng dalawang mga armadong lalaki saka pinagbabaril ng maraming beses.

Nagtamo ng sugat sa kanyang kikod si Labasan sanhi para mahulog ito sa motorsiklo at masubsob sa lupa.

Narekober ng mga otoridad sa crime scene ang isang basyo ng bala mula sa isang caliber 45 pistol na ginamit sa krimen.

Sa ngayon patuloy ang imbestigasyon ng Kabacan PNP hinggil sa insidente upang matukoy kung sino at ano ang motibo sa nasabing pamamaril.

Soccsksargen niyanig ng Magnitude 4.8 na lindol

NIYANIG NG Magnitude 4.8 ang Saranggani, South Cotabato at Sultan Kudarat kanina. Ayon sa Phivolcs, ang lindol ay tectonic in origin at...

Energy Conservation Tips - Air Conditioner for Cotabato Light

Kuryentalks: Energy Conservation Tips - Air Conditioner 1. Set a comfortable temperature on your thermostat. When using an air conditioner, set...

Thousands displaced as rival Moro groups clash in Maguindanao del Sur

COTABATO CITY --- Local officials are struggling to disengage two feuding Moro factions in Mamasapano town Maguindanao del Sur that clashed again...

USM professor, nag-public apology sa pag-angkin ng thesis ng isang USM student

Public Apology ng dating university professor sa kanyang estudyante dahil sa pangongopya nito sa kanyang thesis. Naglabas ng kanyang public...

Imbestigasyon sa pagkasangkot ng 3 pulis sa pagpatay kay Capt Moralde sa MagNorte, nagsimula na

INIIMBESTIGAHAN na ngayon ng PNP ang tatlong mga pulis na kasama ni Police Captain Roland Moralde nang ito'y paslangin ng limang mga gunmen sa public...