Friday May, 17 2024 04:11:44 PM

NoCot exec joins anti-polio drive

HEALTH • 06:30 AM Tue Jan 21, 2020
2
By: 
Ester Roque
North Cotabato Gov. Nancy Catamco administers vaccination on a child in Makilala, North Cotabato on Monday, Jan. 20, 2020.

KIDAPAWAN CITY - "Kaya nating labanan ang sakit na polio sa pamamagitan ng kalinisan at bakuna."

Ito ang naging pahayag ni Cotabato Governor Nancy Catamco sa ginanap na send off ng “Sabayang Patak Kontra Polio” kahapon ng umaga sa Amas Provincial Capitol.

Kasama sa ginanap na seremonya si IPHO Chief Dra. Eva Rabaya at Board Member Philbert Malaluan.

Layon ng aktibidad na mapag ibayo ang kampanya kontra polio sa pamamagitan ng pagbibigay ng tatlong ulit na patak sa mga batang 0 hanga't 59 buwan.

Bilang imahe ng liderato, hinimok ng Gobernadora ang mga empelyado ng probinsya na maging responsable sa pagpapalakas ng kampanya patungkol sa kalinisan para sa kalusugan. Dahil naniniwala sya na ang polio ay kayang labanan sa pamamagitan nang tamang pangangalaga at bakuna.

Kanya ring hinimok ang mga opisyales ng lokal na pamahalaan, mga magulang at mga nagbabantay ng mga bata na protektahan ang kanilang mga kabataan sa pamamagitan ng pakikiisa at pagbigay daan upang silay mabakunahan.

Kasabay ng ginawang pagdalaw ng Gobernadora sa Sto Nino evacuation camp, sa Barangay Sto Nino, Makilala, North Cotabato. Nagsawaga rin ng pagpatak ang mga BHW ng barangay kasama ang mga kawani ng Municipal Health Office. Nakapag bakuna sila ng 104 na kabataan kanina.

Ayon kay Barangay Chairman Glen Romero masigasig nilang isinusulong ang partisipasyon sa bakuna dahil mahalaga ito sa pag iwas ng mga sakit.

Lahat nga mga pamilyang may kabataan ay tinatawagan ngayon na magpabakuna. Ipinaalala ng IPHO na walang over dosage sa bakuna ng polio kaya di dapat katakutan ang paulit ulit na patak. Mas mabuti diumano na ito ay maulit ng maraming beses upang maging mas epektibo.

Maging ang mga temporaryong naninirahan sa probinsya ay maari na rin magpapatak ng kanilang anak upang masiguro na nakibahagi sila sa bakuna.

NGCP scheduled power interruption for May 19 cancelled

What: CANCELLED NOTICE OF National Grid Corporation of the Philippines POWER INTERRUPTION When: Sunday, May 19, 2024 | 7:00 - 8:00 AM | 5:00...

Cotabato Light: Increased generation costs lead to a rise in the overall electricity rate

COTABATO CITY - The overall residential rate of Cotabato Light & Power Company (Cotabato Light) increased by P1.90 per kilowatt hour (kWh)...

Lalaking taga Cotabato City patay sa pamamaril sa Sultan Mastura, Maguindanao Norte

PATAY on the spot ang lalaking naka motor nang pagbabarilin ng mga gunmen sa Sitio Amadeo, Brgy. Boliok, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte,...

PNP wants Maguindanao Norte prosecutor out of slain cop's case

MANILA – The Philippine National Police (PNP) has sought the inhibition of a Maguindanao del Norte prosecutor from the case involving the fatal...

2 NPAs die in clash with Army in Lebak

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Nasawi ang dalawang mga kasapi ng teroristang komunista matapos na makipagbakbakan sa mga operating units...