Sultan Kudarat security officer slain in Koronadal gun attack
KORONADAL CITY - Patay ang nakamotorsiklong lalaki nang pagbabaril sa Sueno Village Barangay, Morales, Koronadal City pasado alas syete kagabi.
Kinilala ng Koronadal PNP na pinamumunuan ni Pol. Lt. Col. Joedy Lito Guisinga ang nasawing biktima na si Carl Ian Mangudadatu, 43 anyos at nakatira sa Marvel Homes, sa lungsod.
Ang nasabing biktima ay kawani din ng provincial government ng Sultan Kduarat at miembro ng provincial security unit at nagsilbing security guard ni dating Sujltan Kudarat Gov. Pax Mangudadatu.
Si Mangudadatu ay dead on the spot sanhi ng tinamong multiple gunshot wounds.
Narekober ng mga pulis sa crime scene ang limang basyo ng 9 mm pistol.
Inaalam pa ng Koronadal City PNP kung sino ang riding tandem na mga salarin at ano ang motibo ng mga ito sa pagpatay sa biktima.