Private hospitals of Cotabato united against COVID-19
KIDAPAWAN CITY - Dinaluhan ng mga may-ari, CEO, doktor at admin staff ng 58 private hospitals ng Cotabato Province ang isang meeting na ipinatawag ni Gov. Nancy Alaan Catamco.
Napagkaisahan na:
- Magiging non-COVID facilities ang lahat ng private hospitals sa probinsya. Tatanggapin nila nang walang deposit ang mga pasyenteng hindi naman PUI o COVID-19 suspect.
- Ang magiging COVID-19 faciity ay ang USM Hospital Kabacan. Ang mga tauhan ng Isolation Center nito (doctors, nurses, radtechs, medtechs, utility) ay manggagaling sa Cotabato Provincial Hospital at iba pang public district hospitals. Ang USM Hospital lang ang gagawa ng mga COVID-19 specimen swab test para sa probinsya ng Cotabato.
- Susundin ang DOH guidelines sa referral. Tanging ang mga PUI moderate to severe ang mare-refer sa USM Hospital. May ICU naman sa loob ng USM Hospital para sa tutubuhang pasyente, kung magkakaroon man.
- Magiging available for 24/7 teleconferencing ang mga espesyalista ng mga private hospital kung sakaling kakailanganin sila.
- Nagpapasalamat kami sa mga dagdag pang committed na mechanical ventilators, PPEs at mga kagamitan mula sa mga private hospitals na gagamitin sa COVID Isolation Center.
- Tutulong sa Information Dissemination Campaign ang mga private hospital para mapawi ang mga pangamba at maituwid ang maling kaalaman tungkol sa COVID ng mga pasyente at maging ng mga empleyado nila.
- Bawat private hospital ay magkakaroon ng COVID-19 hotline. Ito ay para sa information campaign, pag-verify ng mga kasali sa listahan ng PUM at PUI, at mabilisang referral ng mga pasyente.
Kayang-kaya kung sama-sama laban sa COVID-19.
Maraming salamat po, Philippine Hospitals Association-Cotabato at Naorth Cotabato Medical Society!