Monday Jun, 17 2024 05:59:05 PM

Magkapatid na drug peddlers, huli sa anti-drug ops sa MagNorte, P3.4-M shabu nakumpiska

Local News • 09:15 AM Sun May 26, 2024
282
By: 
DXMS
Ang mga suspect ay nakapiit na sa DOS police detention facility. (PNP Photo)

NAARESTO NG MGA TAUHAN NG PNP ang magkapatid na drug peddler sa ikinasang anti-drug operation sa Barangay Dalican, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte kahapon.

Kinilala ni Datu Odin Sinsuat municipal police station commander Lt. Colonel Sahibon Mamantal ang mga suspect na sina Monzor Talusan, 34 na taong gulang at 19 na taong gulang na katid nito na si Wuji, parehong taga Barangay Tambak, Sultan Kudarat.

Nagbenta ang dalawa ng shabu sa isang police undercover agent sa public market ng bayan kayat agad silang inaresto ng mga tauhan ng municipal at provincial drug enforcement units alas 5 nitong sabado.

Nakuha sa kanila ang anim na malalaking sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 million.

Inihahanda na ng PNP ang kaso laban sa dalawa na ngayon ay nakapiit sa DOS municipal police station detention facility.

Noong Biernes, naaresto naman ng PDEA BARMM ang apat na suspected drug peddlers at nabuwag ang drug den sa Barangay Tamontaka Mother, Cotabato City.

Nakuha naman sa apat ang 28 sachets ng suspected shabu na nagkakahalaga ng P102,000, mobile phones at ibat ibang identification cards.

 

6 dead, four hurt in General Santos City highway accident

COTABATO CITY - Five commuters, among them a 12-month-old child, and a tricycle driver died when the three-wheeled vehicle carrying them...

NDBC BIDA BALITA (June 17, 2024)

HEADLINES 1   P2.2 million na halaga ng shabu, nakumpiska ng PNP sa simultaneous operation nito sa Region 12 2   Sa North...

63 guns seized, confiscated during PRO-12 Sacleo

GEN. SANTOS CITY - A total of 62 operations were conducted that resulted in the arrest of 2 individuals and the confiscation of 63 assorted...

P2.2-M shabu seized during PRO-12 SACLEO

GEN. SANTOS CITY - The Police Regional Office 12, under the leadership of Regional Director Brig. Gen. Percival Augustus Placer has successfully...

Kagi Murad: Reflect on Eid al-Adha for stronger, unified Bangsamoro

COTABATO CITY – As Muslims celebrated Eid al-Adha on Sunday, Chief Minister Ahod Ebrahim called on the Bangsamoro community to reflect on the...