NDBC COVID 19 WATCH: 29 new infections, 28 patients healed in R-12
COTABATO CITY - Nadagdagan pa ng 29 na panibagong kaso ng Coronavirus Infection ang Region 12 hanggang ngayong kagabi.
Ayon sa Department of Health, tig-syam sa mga bagong kaso ay taga North Cotabato at South Cotabato, 5 Cotabato City, 3 General Santos City, 2 Sarangani at 1 Sultan Kudarat.
Kung kaya't abot na ngayun sa 4,249 ang total Covid 19 Positive sa Rehiyon.
Iniulat din ng DOH ang 28 bagong pasyenteng gumaling na mula sa sakit.
Sa naturang bilang, 12 ang taga General Santos City, 7 North Cotabato, 4 Cotabato City, tig-dalawa sa Sarangani at Sultan Kudarat at isa South Cotabato.
Dahil dito meron na ngayung 3,779 recoveries ang Soccsksargen. Wala namang napaulat na nasawi kahapon kayat nanatili sa 150 ang total related deaths ng nakakahawang sakit sa rehiyon.
Habang bahagyang tumaas ng hanggang sa 319 ang active cases o nagpapagaling pa.