Thursday Jun, 27 2024 10:21:35 PM

350 pamilya, apektado ng bakbakan ng 2 MILF groups sa MagSur

Mindanao Armed Conflict • 06:30 AM Fri Jun 21, 2024
220
By: 
DXMS NDBC
Makikita sa larawan ang sitwasyon ng ilang mga bakwit sa municipal gym ng Datu Unsay matapos ang malakas na ulan. (Photo courtesy of Monera Kangwan Kalid).

BATAY YAN sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO ng Datu Unsay na isinumete sa Provincial Disaster Office.

Sinabi sa DXMS Radyo Bida ni Maguindanao del Sur Provincial Disaster Officer Ameer Jehad “Tim” Ambolodto na hanggang ngayon ay may mga pamilya pa ring nananatili sa municipal gym ng Datu Unsay habang ang iba naman ay nasa kanilang kaanak pa nanunuluyan.

Kahapon ng umaga ay marami na rin ang nabalik sa kanilang mga tahanan.

Ayon sa ulat, dalawa ang sugatan pero sa ulat ng Disaster Office, walang naitalang nasaktan.

Tatlong bahay naman ang nasunog.

Nangyari ang bakbakan nitong June 18 sa Sitio Irrigation, Brgy. Meta sa pagitan ng MILF 118th Base Command sa ilalim ni Commander Panzo at 105th Base Command sa pamumuno naman ni Commander Tunga, ayon sa ulat ng PNP.

Dahil dito ay pumagitna ang tanggapan ng Peace, Security and Reconciliation Office - PSRO at MILF Ceasefire Mechanism o ng MILF-AHJAG at MILF-CCCH.

Sa ngayon ay balik normal na ang sitwasyon sa lugar.

Samantala, binaha naman ang ilang mga bakwet na pansamantalang nanunuluyan sa covered court ng bayan kasunod ng malakas na buhos ng ulan kahapon.

Kahapon, ang LGU Datu Unsay ay namigay ng ayuda sa mga apektadong pamilya na di pa nakauwi. 

 

 

 

Floods, landslides hit Sultan Kudarat upland village, affect 6 families

ISULAN, Sultan Kudarat  – The municipal disaster responders in Bagumbayan, Sultan Kudarat have evacuated six families following flash floods and...

OCD-BAR capacitates BARMM LGUs on emergency response

COTABATO CITY - The Office of Civil Defense-Bangsamoro Autonomous Region has started capacitating emergency responders in cities and provinces under...

Cotelco announces power interruption in Kabacan

  TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO) in Kabacan area: This is to inform you that we will have a SCHEDULED power interruption on...

Cotabato Light announces power service interruption for June 28

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) today announced a scheduled power interruption affecting Datu Udtog Matalam...

Lady drug dealer with P680K shabu nabbed in Wao

WAO, LANAO DEL SUR - A coordinated drug bust led to the apprehension of one high-value female drug dealer and the seizure of 100 grams of Shabu...