Friday May, 10 2024 07:40:43 AM

NDBC BIDA BALITA (Sept. 6, 2016)

Local News • 16:21 PM Tue Sep 6, 2016
1,166
By: 
NDBC NCA
Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, DCC, DD (Mindanao Cross photo)

NEWSCAST

SEPTEMBER 06,
2016 (TUE)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Vice Mayor Sayadi, nanawagan sa Cotabatenio na maging alert at mapagbantay kontra terorismo2. BANGKAY ng lalaking umano ay biktima
ng ‘summary execution’ natagpuan sa Makilala, North Cotabato

3. Barangay Chairman at driverng Columbio Sultan
Kudarat, naaresto sa Koronadal dahil may dalang baril.4. Installation ng bagong obispo ng Kidapawan, ngayong umaga na.

ALL IS set para sa installation ng bagong obispo ng Kidapawan ngayong umaga sa Our Lady Mediatric of All Graces cathedral.Alas 9 ng umaga, pasisimulan ang programa na pangungunahan ni Cardinal Orlando Quevedo, OMI, DD para sa pagtatalaga kay Bishop Jose Colin Bagaforo bilang ika-anim na obispo ng Kidapawan.Si dating Kidapawan Bishop at ngayon ay Zamboanga Archbishop Romulo dela Cruz ang homilist sa misa na isasahimpapawid ng NDBC. NANAWAGAN si Cotabato city vice mayor
Atty. Cynthia Guiani-Sayadi sa mga mamamayan ng lungsod na mag-ingat at
manatiling alerto.

Ito ay kasunod ng pambobomba sa Davao
city nitong nakaraang linggo na kumitil ng 15 katao at nag iwan ng 70 iba pang
sugatan.

Sinabi ni Sayadi na ang nangyari
pag-atake ng mga terorista sa Davao city ay maaari ring mangyari sa Cotabato
city kaya’t mas naghigpit na seguridad ang mga pulis at sundalo na nagbabantay
sa lungsod.

Gayunman, iginiit ni Sayadi na ang
pagpapanatili ng seguridad ay hindi lamang responsibilidad ng mga alagad ng
batas.

Aniya, malaki rin ang papel na dapat
gampanan ng mga residente ng lungsod sa pamamagitan ng kooperasyon sa mga
otoridad at pagpapatupad ng sariling pag-iingat.

Samantala, sinabi ni Sayadi na
magpapa-abot sila ng tulong para sa mga taga-Cotabato city na nadamay sa Davao
city blast at ngayon ay patuloy na ginagamot sa mga ospital sa Davao.

Nabatid na apat na mga residente ng
lungsod ang kabilang sa mga biktima ng Davao blast na sina

Dr. Junaeb Usman, magkapatid na Princess
at Steven Tagadaya at si Perlita Saiyon.

Patay naman sa naturang pag-atake si Dr.
Pipalawan Macacua ng Commission on Higher Education o CHED-ARMM.

Samantala,
sa pinakahuling ulat hinggil sa Davao blast, naglaan na ng dalawang milyong
pisong cash reward ang lokal na pamahalaan ng lungsod para sa ikadarakip ng mga
responsable sa naturang pambobomba.

Sinabi
ni Davao City Mayor Sara Duterte na isang milyong piso ang reward sa makapagtuturo
at isang milyong piso din para sa makakadakip sa suspek ng Roxas night market
bombing.

Samantala,
kasabay ng nasabing anunsyo ay ipinaalam ni Mayor Sara na papalitan na sa
kanilang pwesto sina Task Force Davao Commander Henry Robinson at Davao City
Police Chief Sr. Supt. Michael John Dubria.

Kasalukuyang
wala pang mga pangalan na ibinigay ang alkalde na ipapalit sa kanila.

Nabatid na tutulong na rin sa
pagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay ng insidente ang military.

Nais malaman ng AFP kung bakit hindi
napigil ng ground troops ang iilang miembro ng Abu Sayyaf Group na makapasok at
makapaghasik ng karahasan sa Davao City. DUMULOG sa
Cotabato City PNP ang isang barangay employee matapos masalisihan ng mga
kawatan ng kahapon ng hapon.

Kinilala ang
biktima na si Husniah Radjak Pipatuan, 19 years old, staff ng Baranggay
Poblacion Singko at taga SPDA, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Ayon sa
kanya, magsasara na sana sila ng Barangay hall mag-aalas singko ng hapon
kahapon n ang may tatlong mga lalaki na biglang pumasok para magpacheck up.

Di namalayan nina
Dipatuan at mga kasamahan nito na sinalisihan na pala sila ng isa sa mga
suspek.

Matapos
makunan ng BP ay agad ding umalis ang mga suspek ngunit natuklasan ng biktima
na tinangay na pala ng mga ito ang isang unit ng gateway laptop ng barangay na
nagkakahalaga ng 20 thousand pesos.

Samantala, nabiktima
din ng mga kawatan si Desiderio Ruslawa Cabel, 41 years old, at taga General
Santos city, kamakalawa.

Ayon sa
biktima, habang papasok siya sa supermarket area para bumili ng prutas ay bigla
siyang hinarang ng isang armadong suspek at tinutukan ng baril sabay deklara ng
hold up.

Hindi na
pumalag ang biktima kaya natangay ng suspek ang kanyang cellphone na
nagkakahalaga ng dalawang libong piso at kanyang wallet na naglalaman ng
kanyang mahahalagang id's at pera na abot naman sa three thousand pesos. KINUMPIRMA
ni PNP chief Director General Ronald dela Rosa na nasa 77 mga pulis na
nakatalaga sa Police Regional Office 3 ang idi-destino sa Autonomous Region in
Muslim Mindanao o ARMM.

Sinabi
ni Dela Rosa na ang 77 mga pulis na ito ay napatunayang sangkot sa transaksyon
ng iligal na droga sa Region 3 kaya agad na ipinatapon sa ARMM para hindi na ma-ipagpatuloy
pa ang kanilang iligal na gawain.

Hindi
naman sinabi ng PNP chief kung saan partikular na lugar sa ARMM ipapadala ang
naturang mga pulis.

Samantala,
kasabay nito ay pinayuhan ni Dela Rosa ang lahat ng mga pulis sa Region 3 na
iwasang masangkot ang kanilang mga pangalan sa iligal na droga o maging
protektor man dahil wala itong magandang maidudulot sa kanilang trabaho at
buhay. NAGMATIGAS
ang Zamboanga city LGU at ayaw bumitiw sa no to plea bargaining
agreement para sa mga akusadong miyembro ng Moro National Liberation
Front o MNLF na nasa likod ng ng Zamboanga siege.

Muling
iginiit ng Zamboanga City Mayor Mraia Isabelle Climaco na ipaglalaban nila
hanggang sa kanilang makakaya ang hustisya laban sa mga akusadong MNLF at hindi
tatanggap ang hinihinging plea bargaining agreement.

Sinabi
ni City Legal Officer Jesus Carbon sa pinakahuling hearing para sa mga MNLF detainee
kamakailan, na muling humihingi ngayon ng plea bargaining para sa pangatlong
batch na umaabot sa humigit 80 mga akusadong MNLF member upang mapagaan ang
kanilang kinakaharap na kasong rebelyon at paglabag sa international
humanitarian law.

Una na
ring nag-presinta ng plea bargaining para sa dalawang batches na bumubuo ng 138
MNLF detainees na hindi rin pinagbigyan ng lokal na pamahalaan ng Zamboanga
City. HINIMOK
ng isang mambabatas sa Kongreso ang Moro National Liberation Front o MNLF at
Moro Islamic Liberation Front o MILF na tulungan ang gobyerno sa kampanya nito
laban sa Abu Sayyaf Group o ASG.

Iminungkahi
ito ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat sa halip na kunin pa ang serbisyo ng mga mersenaryo
para pulbusin ang Abu Sayyaf kasunod ng mga terorismong ginagawa nito sa bansa.

Ayon
kay Baguilat, higit sa pagresponde ng mga militar, kailangan ng pamahalaan ng
mabilis at maaasahang intelligence, na maaring maibigay ng MNLF at MILF.

Sa
ngayon, mahigit siyam na libong mga sundalo na ng Armed Forces of the
Philippines ang ipinadala sa Sulu para tapusin ang Abu Sayyaf.

Ganunpaman,
una ng iginiit ng Malacañang na hindi na kailangang humingi ng tulong ang
gobyerno sa MNLF at MILF upang tugisin ang Abu Sayyaf.

Sinabi
ni Presidential Communications Office Sec. Martin Andanar na sa ngayon ay may
kapasidad naman ang PNP at AFP na labanan ang mga teroristang grupo.

Ayon
kay Andanar, inaasahang mas magiging maigting pa ang pagtutulungan ng mga pulis
at sundalo kasunod ng pagdeklara ni Pangulong Duterte ng state of lawlessness
sa buong bansa.

NDBC News AM Sept 6
Headline and Mga Cultural Peformers ng Luzon, dadalo sa Ugnayan sa Sining ng CCP sa Koronadal City
Dumating na sa Koronadal City ang ilang mga cultural performers mula Luzon.
Ito ay upang makilahok sa Ugnayan sa Sining 2016 na gaganapin ngayong araw at bukas.
Ayon kay City Information Officr Judith Labial-Amido, ang dalawang araw na aktibidad ay isang Community Performance and Exchange Tour.
Ito ay inorganisa ng Cultural Center of the Philippines o CCP.
Kabilang sa nakatakdang magtanghal sa Ugnayan sa Sining ang Baao Children and Youth Choir ng Camarines Sur, Lahing Batangan Dance Troupe ng Batangas City at Barasoain Kalinangan Foundation, Inc. ng Bulacan.
Ang mga ito ay magkakaroon ng alas tres ng hapon na matinees show at alas syete ng gabi na gala show sa Koronadal National Comprehensive High School o KNCHS Gym.
Ang grupo ay magkakaroon din ng demonstration at teaching lesson sa mga estudyante at guro ng Saravia National High School, sa Barangay Saravia, Koronadal.
Ayon kay Aminado ang mga pagtatanghal ng grupo ay libreng mapapanood ng mga mamamayan ng Koronadal at karatig lugar.
Ipatatayo sa Barangay Klubi, bayan ng Lake Sebu, South Cotabato ang abaca processing center.
Ayon kay Provincial Agriculture Officer Justina Navarete ang proyekto ay aprubado na ng SOCCSKSARGEN Area Development Project.
Sinabi ni Naverete na hinihintay na lamang ngayon ang P2.5 million na pondo para masimulan na ang kontruksyon ng proyekto.
Ayon kay Navarete ang unang palabag ng abaca processing center ay gagamitin para sa proseso ng abaca para gawing Fiber.
Ang ikalawang palapag nito ay gagamitin naman bilang lugar kung saan maaring makapaghabi ng T’nalak Cloth mula sa Abaca fiber ang mga mamamayang T’boli sa lugar.
Naniniwala si Navarete na kapag umunlad ang industriya ng abaca, kasunod naman nito ang pagunlad din ng produksyon ng de kalalidad na T’nalak Cloth.
Sinabi ni Navarete na sinisikap din ng Provicial Agriculture Office na palawakin pa ang Abaca plantation sa South Cotabato.
Ayon kay Navarete , ngayong 2016 ang South Cotabato ay mayroon lamang mahigit 50 ektaryang pataniman ng Abaca.
Ang mga ito ay matatagpuan sa mga bayan ng T’boli,Lake Sebu, at Tampakan.
Ilulunsad ng Provincial Environment and Management Office o PEMO South Cotabato ang Search for Cleanest and Greenest Household at Search for Best Maintained Lake Easement Area sa bayan ng Lake Sebu sa September 16.
Ayon kay PEMO Senior Environment and Management Specialist and Point Person ng taunang patimpalak na si Loida Villa, ang Cleanest and Greenest Household Category ay lalahukan ng 28 household.
Habang ang mga nasa top 15 noong nakaraang taon ay lalahok naman sa Best Maintained Easement Area.
Ayon kay Villa ang mga kalahok ay dadaan sa serye ng evaluation at elimination process ngayong Setyembre at Oktobre.
Tiniyak ni Villa na may matatnaggap na cash prize ang mga magwawagi at consolation prize naman ang hindi papalaring manalo.
Ang awarding ceremony ay gagawin naman November 28 sa Lake Sebu.
Layon ng patimpalak na lalo pang pagandahin ang kapaligiran ng Lake Sebu upang lalong maging kaaya-aya sa mga turistang dumadayo sa lugar.
Nabuko ng mga pulis ang dalang armas ng naaresto nilang barangay Chairman sa tulong ng isang concerned citizen.
Ayon kay Koronadal City Chief of Police, Superintendent Barney Condes,matapos makatanggap ng tip mula sa isang indibidwal agad na naghigpit nag checkpoint ang mga pulis sa Crossing Sitio Supon, Barangay San Jose, Koronadal City.
Ito ayon kay Condes ay nagresulta sa pagaresto ng mga pulis kay Robert Layal, 32 anyos at Barangay Chairman ng Bantangan, Columbio, Sultan Kudarat.
Arestado din ang kasama ni Layal na si Mohammad Sandialen, 28 anyos at residente ng Barangay Blingkong, Lutayan, Sultan Kudarat.
Natuklasan ng mga pulis sa sling bag ng nakamotorsiklong mga suspek ang dalawang 45 pistol.
Ayon kay Condes ang naarestong Barangay Chairman ay nakalaya lamang matapos makapagpyansa sa kasong grave coercion.
Sina Layal at Sandialen ay nakakulong na ngayon sa Koronadal City PNP lock up cell.
Nagluluksa ngayon ng labis ang pamily Larida sa Barangay Guinsang-an bayan ng Sto. Nino, South Cotabato.
Ito ay matapos mamatayan ng dalawang kaanak sa naganap na pagsabog sa Davao City.
Ayon kay Samuel Larida, hindi nito inaasahan na madamay sa pagsabog ang pamangkin nitong si Dennis at pamilya nito dahil ang mga ito ay nakatira sa Kalinan Davao District at malayo sa sentro ng lungsod.
Nagkataon lamang ayon kay Larida na kumain sa Roxas Boulevard ang pamangkin at pamilya nito ng maganap ang pagsabog.
Ito ang dahilan kung bakit ayon kay Larida hirap ngayon ang kanilang pamilya na tanggapin ang nangyari sa mga biktima.
Bagama’t nakaligtas sa pagsabog ang ama ng tahanan na si Dennis Larida, hindi naman pinalad ang 14 anyos nitong anak na si Deniel Josh at misis na si Melanie Faith.
Nanawagan din si Samuel sa gobyerno na para di maulit pa ang pagsabog, dapat ay ipagbawal na ang mga night market at higpitan pang lalo ang seguridad sa mga pampublikong lugar.
Hiniling din nito sa mga may kagagawan sa pagsabog na sana ay itigil na ang karahasan para hindi na madamay pa ang mga inosenteng sibilyan. Nakabalot ng masking tape at nakagapos pa ang kamay at paa nang matagpuan ang isang bangkay ng lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution sa gilid ng Highway ng barangay Concepcion, Makilala North Cotabato.
Sinabi ni Barangay Concepcion Chairperson Edward Lamay, pasado alas sais ng umaga kahapon nang ireport ang pangyayari.Isang concerned citizen ang humingi ng tulong matapos makita ang bangkay ng biktima malapit sa isang imburnal.Agad namang tinungo ng PNP an area at doon na tumambad sa kanila ang bangkay ng biktima na may apat na tama ng bala sa kanyang ulo.Posible ding sa lugar na binaril ang lalaki base na rin sa apat na basyo ng 45 caliber pistol na narekober sa lugar.

Ilang putok ng baril rin ang narinig ng ilang mga residente linggo ng gabi.Sa ngayon ay hindi pa tukoy ng PNP ang pagkakailanlan ng biktima.

Inilarawan lamang ni Lamay ito na may taas na 5'5, kayumanggi ang kulay, naka maong na pantalon at naka jersey shirt na kulay berde at may tatak na Bravo.Nanawagan din ang opisyal sa publiko na agad makipag-ugnayan sa kanila at sa Makilala PNP kaugnay sa pagkakakilanlan sa biktima.
Matapos matagpuan at mahukay ang bangkay ni PO1 Romeo Solana Jr. nitong nakaraang may panawagan rin si Brgy. Sto. Niño Chairperson Wilbert Zamora sa New People’s Army o NPA na nag-ooperate sa kanilang lugar.
Inamin ni Zamora ang presensya ng NPA sa kanyang barangay na responsable sa pagtangay at pagpatay kay Solana.

Hamon ngayon ni Zamora sa kaliwang grupo na magpalabas ng official Statement kaugnay sa pangyayari.
Nais kasing linawin ng opisyal na wala siyang kinalaman sa pagkawala ng naturang pulis sa kanyang barangay.Bagaman at di itinanggi ni Zamora na personal niyang kilala si Kumander Idoy siyang lider ng NPA sa lugar, tiniyak naman nitong hindi siya sumusuporta rito o sa kanilang grupo.Simula raw kasi nang mawala si Solana ay wala na rin si Kumander Idoy sa kanyang barangay.

Hindi rin niya alam na malapit lang pala sa kanyang barangay inilibing ang bangkay ni Solana.Una nang lumabas ang report na sangkot si Zamora sa pagkawala ni Solana.

Nandoon raw kasi si Zamora at Kagawad Albert Espina nang magsagawa nang pagpupulong ang NPA kung saan nanduon rin ang presensya ni Solana.

Dito na siya kinuyog at dinala sa masukal na bahagi ng barangay Sto. Niño kung saan matapos ang araw na iyon ay ideneklara na siyang missing.
Nagsimula nang gumulong ang imbestigasyon ng Sangguniang Panglungsod ng Kidapawan kaugnay sa pagkamatay ng isang menor de edad na si Alex Villafranca na taga Makilala, North Cotabato dahil sa gang war sa Kidapawan City.Ito ay sa pamamagitan ng committee hearing ng Committee ng Peace and Order at Public Safety na pinangunahan mismo ni City Councilor Francis Palmones siyang chair ng Peace and order committee ng SP Kidapawan.Inimbitahan rin kahapon sa naturang hearing ang Supervisor ng Barangay Peace Keeping action team na si Ceasar Cartoneros at head ng Investigating section ng City PNP na si Spo1 Richard Lagutang.Sa lebel ng PNP, sinabi ni Lagutang, isa sa naging dahilan ng mabagal ng pag-usad ng kaso ay dahil na rin sa kakulangan ng mga witnesses sa pangyayari.Bagaman may mga nahuli silang suspek sa naturang pambubugbog sa biktima, wala naman silang sapat na ebidensya at menor de edad rin ang mga ito kaya agad ding napakawalan.Nilinaw rin Cartoneros ng BPAT, na hindi na saklaw ng BPAT ang Highway kung saan nangyari ang komosyon sa mga oras na iyon dahil sa City Pavilion at harap ng City Hall lamang sila idineploy ng PNP.Dirty finger rin umano ang simula ng away nang grupo at hindi riot ang nangyari.Naniniwala naman si Councilor Peter Salac, member ng Committee on Peace and Order na makakatulong ang kuha ng CCTV camera sa mga establisyemneto sa lugar para alamin ang buong pangyayari.Dahil dito, binigyan ng isang linggo ng konseho ang PNP para kompletuhin ang kanilang report kaugnay rito.

Sa susunod na committee hearing, aasahan ang iba pang rekomendasyon ng naturang komite at aasahan rin ang presensiya ng City Social Welfare and Development Office para ipaliwanag kaugnay sa mga menor de edad na nahuli na umano sangkot sa nasabing gang war.Si Alex Villanfranca ay binawian ng buhay sa Davao City Hospital mula sa pasa at sugat na kanyang tinamo nang pagtulungan itong bugbugin ng miembro ng Gang sa Kidapawan kung saan hindi naman sana siya kasama rito at nataon lang na bumisita siya sa lungsod kasabay ng pagbubukas ng Kasadya sa Timpupo kasama ang mga kaibigan.
LALO pang paiigtingin ng mga tauhan ng Cotabato Police Provincial Office o CPPO ang pagsasagawa ng checkpoints” sa North Cotabato.
Ito ang sinabi ni CPPO Director Sr. Supt. Emmanuel Peralta kahapon kasabay ng press conference kasama ang Armed Forces of the Philippines at Local Media sa Kidapawan City.Dahil dito, inutusan na ni Peralta ang lahat ng mga Chief of Police sa lalawigan na tanggalin sa Highway ang lahat ng mga checkpoints na walang akwtal na PNP personnel na nagsisiyasat.Pinatatangal rin niya ang lahat ng mga checkpoints na walang ilaw sa gabi kung saan nagdudulot lang ng aksidente.Ayon kay Peralta, asahan na ang mas mahigpit na highway checkpoint simula ngayong araw. Samantala, makikipag usap rin si Peralta sa lahat ng security agency sa lalawigan para turuan ang lahat ng security guards kung paano ang tamang pag-inspeksyon sa mga gamit at tao na papasok sa mga establisyemento, malalaking tindahan at iba pa.
Iginiit rin ng opisyal na hindi lamang problema ng mga pulis at militar ang pamboboma kundi problema nang lahat.Kaya naman hiling nito ngayon sa publiko na maging ma-ingat sa lahat ng panahon at agad na makipag-ugnayan sa mga otoridad sakaling may mapansing kaduda-dudang bagay o tao sa kanilang mga paligid.Ang pahayag na ito ni Peralta ay kasunod rin ng pagdeklara ng State of Lawlessness ni Pangulong Duterte matapos ang Davao Blast.
Nilinaw ni Police Chief Ins. Julius Malcontento, hepe ng Carmen PNP na walang nangyaring pagsabog sa tore ng NGCP sa Purok 1, Barangay Kitulaan sa bayan ng Carmen nitong nakaraang sabado.Base sa isinagawang post blast investigation ng EOD Team ng 6th ID posibleng isang buwan na ang nakaraan nang pasabugan ang tower #103 ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa nabanggit na luigar.

Ito ay base na rin sa mga nakitang ebidensya sa lugar kung saan kinalawang na ang mga ito.Ayon kay Malcontento kaya raw ay hindi nila kaagad napansin ang nangyring pagsabog noong nakaraang buwan dahil tatlo lamang sa steel post nito ang nasira kungsaan di naman natumba ang tore bagay rin na hindi naapektuhan ang daloy ng kuryente.Sa report din ng 7th IB, gulong ang pumutok noong nakaraang biyernes at hindi bomba.Hindi pa tukoy ngayon ng EOD team kung anung klase ng IED ang sumabog sa nasabing transmission line.Ang naturang impormasyon at pahayag ay kinumpirma din ni Cotabato Police Provincial Director Sr. Supt. Emmanuel Peralta.

Sa ngayon blanko pa ang PNP kaugnay sa responsable ng naturang pagpapasabog.

CSC releases results of March 3 Career Service exams

MANILA – The Civil Service Commission (CSC) has released the results of the Career Service Examination - Pen and Paper Test (CSE-PPT) held...

CSC releases results of March 3 Career Service exams

MANILA – The Civil Service Commission (CSC) has released the results of the Career Service Examination - Pen and Paper Test (CSE-PPT) held...

NDBC BIDA BALITA (May 9, 2024)

  HEADLINES 1   LAMAY ng mga labi ni Police Capt. Roland Moralde sa PNP Mortuary sa Camp Crame, binista ni DILG Sec. Abalos 2...

Drug den shut, shabu dealer nabbed in 2 Mindanao PDEA operations

COTABATO CITY - Anti-narcotics agents shut a drug den in Pagadian City and entrapped a long-wanted shabu peddler in Datu Piang, Maguindanao del Sur...

MOH-BARMM welcomes Bangsamoro medical scholars for passing the Midwifery licensure examination.

The Ministry of Health - BARMM extends its warmest congratulations to the Bangsamoro medical scholars for passing the Midwifery Licensure Examination...