Saturday Jun, 29 2024 09:14:57 AM

NDBC BIDA BALITA (Oct 27, 2016)

 • 16:36 PM Thu Oct 27, 2016
1,240
By: 
NDBC

NEWSCAST

OCTOBER 27,
2016 (THU)
7and00 AM

HEADLINESand

1. TATLONG MGA TAGA-COTABATO CITY na
suspek sa Davao city blast, pinakakasuhan na ng DoJ.

2. Kabacan LGU employees, isinailalim
sa mandatory drug test isang empleyado, nagpositibo.

3. IP Exhibit ng Department of Tourism 12,
magsisimula na ngayong araw.

INIREKUMENDA NA ng Department of
Justice o DOJ ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa tatlong mga suspek sa
Davao city bombing noong September 2, 2016 na ikinamatay ng 15 katao.

Sa 11-pahinang resolusyon na
inaprubahan nina Senior Deputy State Prosecutor Richard Anthony Fadullon at
Prosecutor General Claro Arellano, sasampahan ng

kasong paglabag sa Republic Act 9516 o
Illegal Possession of Explosives Law at paglabag sa Republic Act 10591 o
Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang isasampa laban sa mga
akusado.

Kinilala ang mga suspek na sina TJ
Tagadaya Macabalang alyas Abu Tufael, Wendell Apostol Facturan alyas Muraimin
at Musali Mustafa alyas Mus o Abu Hurayra.

Ang mga suspek ay nahulihan ng mga
baril at bala na kinabibilangan ng isang semi auto pistol, isang semi auto
sub-machine gun, caliber .45 colt combat commander, tatlong magazine at 34 na
mga bala.

Nasamsam din sa mga suspek ang mga
kagamitan sa paggawa ng improvised explosive device.

Sinasabing ang tatlong mga suspek ay miembro
ng Maute Group na naaresto sa isang operasyon ng mga otoridad sa Gov. Gutierrez
Avenue, Cotabato City nitong October 4, 2016.Ang rekumendasyon ng DoJ ay batay sa
bigat ng testimonya ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group o CIDG na
tumatayong complainant sa kaso alinsunod na rin sa prinsipyo ng presumption of
regularity nang maaresto nila ang mga suspek.

Ayon sa DOJ, sapat na ring patunay ang
pagkasamsam ng mga baril, bala at gamit sa paggawa ng pampasabog mula sa mga
respondent para sabihing mayroong tinatawag na animus possidendi o
intensyon talaga sila na magdala ng mga nasabing kontrabando.

Ang resolusyon ay base rin sa
rekumendasyon ng panel of prosecutors na pinangunahan ni Senior Assistant State
Prosecutor Peter Ong na duminig ng reklamo. MAGPAPATUPAD
ng temporary traffic rerouting ang Traffic Management Unit o TMU sa Cotabato
city sa darating na undas.

Sinabi ni TMU
Chief, Police Insp. Joseph Paulo Villanueva na magpapatupad sila ng rerouting
para maiwasang magkabuhol-buhol ang trapiko sa mga sementeryo sa lungsod.

Ayon kay
Villanueva, magiging epektibo ang traffic rerouting sa November 1 hanggang
November 2.

Aniya pa, may
mga TMU staff din na gagabay sa mga magdaraang motorista.

Samantala, sinabi
ni Villanueva na may mga ipatutupad din silang regulasyon kaugnay ng
pagpaparada sa mga lansangan sa lungsod sa naturang panahon.

NAGKASUNDO
NA ang dalawang magkakalabang angkan sa Sumisip, Basilan sa tulong ng mga pulis
at lokal na lider sa lugar.

Sinabi
ni Basilan PNP director, police Sr. Supt. Shepard Reyes na ang pamilya ni
Maraji Mallani at Ahmad Nasalin ay ilang taon na ring may rido na nauuwi sa
madugong engkwentro.

Nabatid
na ang dalawang nagkasundong angkan ay mula sa tatlong mga barangay ng Bacung,
Basak at Buli-Buli sa Sumisip.

Ang
dalawang pamilya ay pawang mga armado kaya habang may alitan ang mga ito noon
ay hindi rin mapalagay ang kanilang mga kapit-bahay sa lugar.

Ang
rido settlement ay pinangunahan mimso ni Reyes kasama si provincial board
member Marwan Hataman at ilang kinatawan ng religious sector sa pangunguna ni
Ustadz Muadz Amlul.

Naging
saksi sa nasabing kasunduhan sina Basilan Governor Jim Hataman Salliman at Sumisip
Mayor Ismael Umpar.

Sa
harap ng mga naturang opisyal ay nangako ang dalawang dating magkakalabang
pamilya na hindi na nila guguluhin ang isa’t isa at makikipagtulungan para sa
kapayapaan ng kanilang lugar.

Nangako
rin ang mga ito na gagamitin ang kanilang pwersa sa makikipagtulungan sa mga
otoridad para labanan ang mga masasamang loob, partikular na ang Abu Sayyaf
Group.

Samantala,
kampante naman si Reyes at ang mga local government official na tutuparin ng
dalawang pamilya ang kanilang kasunduan. MULING
MAGTITIPON-TIPON ang iba’t bang mga bangsamoro organization ngayong Linggo,
October 30, para sa 2nd Bangsamoro Leaders’ Peace Summit sa Shariff
Kabunsuan Cultural Complex, ARMM Compound, Cotabato City.

Sinabi
ni League of Bangsamoro Organizations o LBO Secretary General HASHIM MANTIKAYAN
na ang naturang buong araw na peace summit ay magsisimula sa ganap na alas otso
ng umaga.
Aniya,
inaasahang mapag-uusapan sa naturang pagtitipon ng mga bangsamoro organizations
kasama ng mga kinatawan ng iba’t ibang sektor, ang mga pangunahing isyung
naka-aapekto sa bangsamoro.

Ilan
dito ay ang mga socio-economic issues at mga isyung politika.

Tatalakayin
din sa naturang aktibidad ang peace roadmap ng pamahalaang Duterte.

Ayon
kay Mantikan, inaasahan naman na makakabuo ng iisang pahayag at opinyon ang
grupo hinggil sa naturang mga isyung kinakaharap ng Bangsamoro. MAGING
ang mga eskuwelahan, opisina, pabrika at iba pang mga ‘labor force’ ay isasailalim
na rin ng PNP sa Oplan Tokhang.

Ito ay
bilang bahagi ng mas pinalawak na anti-drug campaign sa buong bansa at sa ilalargang
Oplan Double Barrel Alpha.

Sinabi
ni PNP Chief Police Director-General Ronald dela Rosa na sa mga kakatuking
eskuwelahan ay planong pasukuin sa batas ang mga estudyante, guro at iba pang
kawani ng mga kolehiyo, unibersidad, paaralan sa elementarya, high school
pribado man o pampubliko na sangkot sa illegal drug trade.

Sinabi
pa ng PNP Chief na ang pagpapalawak pa ng anti-drug campaign ay sa gitna na rin
ng patuloy na pagdami ng mga sumusukong drug personalities na mula sa 600 libo ay
tumaas pa sa 700 libo kung saan ang target ay 1.8 m illion bago matapos ang
taong ito.

Ang
Oplan Tokhang ay ang pagkatok sa bahay ng mga hinihinalang drug personalities
upang kumbinsihin ang mga itong sumuko sa batas. Binigyan lamang ng Office of the Ombudsman ng 15 araw ang lokal na pamahalaan ng Koronadal para ipasara ang open dump site ng lungsod sa Barangay Paraiso.
Ito ayon kay City Vice Mayor Eliordo Ogena na siya ring presideng officer ng Sangguniang Panglungsod.
Si Ogena , kasama ang mga kasalukuyan at dating myembro ng ng Konseho ay ipinagpaliwanag ng Ombudsman sa kabiguan pa rin ng city government na magtatag ng sanitary landfill .
Ito ay sa kabila ng sapat na panahon na ibinigay sa kanila.
Aminado si Ogena na dahil sa kautusan na ito ng Ombudsman problema ngayon ng lokal na pamahalaan kung saan itatapon ang mga basura sa lungsod.
Pinaapektado nito ang mga barangay sa Poblacion area.
Paliwanag ni Ogena, kahit na pinayagan pansamantala ang Koronadal na magtapon ng basura sa cluster sanitary landfill sa katabing bayan ng Surallah,ito ay nilimitahan din ng Surallah LGU
Binigyan diin ng bise alkalde na nagawa ng konseho ang kanilang obligasyon sa pagpasa ng ordinansa para sa sanitary landfill.
Ayon kay Ogena may naglaan na rin ng pondo dito ang lokal na pamahalaan noon pang 2011.
Binigyan din ng Ombuds man ang local na pamahalaan ng animna buwan para makapagpatayo ng sanitary landfill.
Sinabi ni Ogena na paguusapan pa ng konseho kung ipatatawag si City Environment and Natural Resources Officer Agustus Britania, para hingan ng paliwanag sa kabiguan ng city government na magtatag ng sanitary landfill.
Ang mga city officials ng Koronadal ay kabilang sa mga lokal na opisyal sa buong bansa na ipinatawag ng Ombusman para sa Pre-hearing Briefing and Public Clarificatory Hearing.
Ito ay dahil sa sa paglabag umano sa Ecological Solid Waste Management Act of 2000.
Inihahanda na ng lokal na pamahalaan para sa Undas at Todos Los Santos ang public cemetery sa Koronadal City.
Ayon kay General Services Office o GSO Inspector Jose Celiz, maliban sa pagpalit sa mga pundidong ilaw, naglagay din ng dagdag na ilaw ang lokal na pamahalaan sa sementeryo.
Inihayag ni Celiz marami kasing mga mamamayan sa lungsod na mas gugustuhing bisitahin ang puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay sa gabi.
Abala na rin sa paghahakot ng mga basura sa sementeryo ang mga kawani ng city government.
Ayon kay Celiz mariing ipatutupad ang waste segregation o paghihiwalay ng nabubulok sa di nabubulok na basura sa sementeryo.
Inihayag din nito na dahil bawal ang magbenta sa loob, inaayos na rin ang lugar sa labas ng sementeryo na paglalagyan sa mga vendor na inaasahang dadagsa sa Undas at Todos Los Santos.
Kakasuhan ng pulisiya ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isang dating kawani ng local government ng Koronadal.
Ito ay matapos mabisto na nagdadala ng droga sa national highway malapit sa boundary ng barangay Morales at San Filipe, Tantangan, South Cotabato.
Kinilala ni PNP Highway Patrol Group o HPG Chief, Chief Inspector Arnold Carino ang suspek na si Jose Dexter Muega, 45 anyos , nakatira sa Morrow Street, Barangay Zone II, Koronadal.
Ayon kay Carino, agad na naglagay ng check point sa highway ang HPG matapos makatanggap ng impormasyon na may drogang ipupuslit mula Tantangan patungong Koronadal lulan ng motorsiklo.
Nakuha sa suspek ang 53 grams ng shabu granules na nagkakahalaga ng mahigit P150,000 digital na kilohan at tooter.
Ang illegal na droga ay isiniksik ng suspek sa loob ng tail light ng kanyang motorsiklo.
Nakakuha din ng kutsilyo ang mga pulis sa suspek na dating butcher sa slaughter house ng Koronadal LGU.
Ipinahayag naman ni Koronadal Chief of Police Superinendent Barney Condes na si Muega ay wala sa talaan ng mga sumukong drug personalities sa Koronadal City.
Itinaggi naman ng suspek na kanya ang droga na nakuha sa kanyang motorsiklo.
Igagawad ng National Nutrition Council o NNC 12 ang Green Banner Award sa mga lokal na pamahalaan na pinakamaling sa pagpapatupad ng Philippine Plan of Action for Nutrition.Mabibigyan nito ang bayan ng Polomolok sa South Cotabato, Pigcawayan sa North Cotabato at Kiamba sa Sarangani Province.Tatanggap naman ng Outstanding Barangay Nutrition Committee Award ang Barangay Crossing Palkan sa South Cotabato.
Napili naman ng NNC bilang Outstanding Province sa Region 12 ang South Cotabato.Pararangalan naman bilang Outstanding Barangay Nutrition Scholars sa Provincial level sina Marilyn Ediable ng New Igbaras, Pigcawan, Cotabato Junelia Domel ng New Iloilo, Tantangan, South Cotabato Alexis Anton ng Tambilil, Kiambia, Sarangani at Sonia Dominguez ng D’Lotilla sa Isulan, Sultan Kudarat.
Tatanggap naman ng kahalintulad na parangal sa City level sina Violeta Flores ng City Heights sa General Santos City Creamhield Bation ng Linangkob, Kidapawan City at Joy Sobredilla ng San Jose,Koronadal City.Ang unang pwesto sa 2015 Outstanding BNS sa SOCCKSARGEN ay nakuha naman ni Junelia Domel ng Barangay New Iloilo, Tantangan, South Cotabato Second Place si Marilyn Endiable ng New Iqbarao, Pigcawayan, North Cotabatoat Third Place si Cremhield Batioon ng Linangkob, Kidapawan City.Ang Best Gulayan sa Barangay sa Region 12 ay napanalunan naman ng Barangay Upper Klinan sa Polomolok,Second place ang Poblacion sa Arakan, Cotabato at Third Place ang Mapantig sa Isulan, Sultan Kudarat.Nakuna naman ng Tulunan sa North Cotabato ang unang pwesto sa Best Breast Feeding Station, pangalawa ang Upper Katungal sa Tacurong City at Pangatlo ang San Jose sa Koronadal.
Wagi naman sa Nutri Poem Contest para sa mga mamamayan ang ilang on air personnel ng Notre Dame Broadcasting Corporation.Ang ito ay sina Aileen Pedreso ng Happy FM, at Mike Balquin at Roel Osano ng Radyo Bida Koronadal
Ayon kay NNC 12 Regional Director Arceli Latonio ang 2016 Regional Nutrition Awarding Ceremony ay gaganapin ngayon araw sa Koronadal City. Tatanggap ang Department of Tourism o DOT 12 ng mga indigenous people na nais ipakita ang kanilang talento sa pagsasayaw sa TAU SOXandExhibit of the first people.
Ito ay ayon kay Department of Tourism o DOT 12 Regional Director Nelly Nita Dillera.
Ayon kay Dillera kabilang sa inaasahang ibibida sa exhibit ang Dulangan Manobo Dance, T’boli Dance at Sagayan Dance.
Ang pagtatanghal ay gaganapin naman sa Cotabato City.
Ayon kay Dillera kakaiba ang TAU SOX dahil ito ay isang interactive exhibit kung saan aktwal na matutunghayan ang paghabi ng T’nalak cloth, paggawa ng basket, at iba pang produkto ng mga katutubo.
Sinabi ni Dillera na bagamat naka sentro ang exhbit sa General Santos, magkakaroon din ng aktibidad ang DOT sa ibat ibang lugar ng region 12.
Ang TAU SOX, Exhibit of the first people na magtatagal hanggang sa October 30 ay magbubukas naman ngayong araw sa Veranza Mall sa General Santos City.
Layon nito na kilalanin ang mga katutubo bilang unang naninirahan sa rehiyon sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanilang kultura. Naglagay na ng No Parking area ang City LGU sa ilang lugar sa Mega Market.

Kahapon ay sinimulang lagyan ng NO PARKING sign ng mga kagawad ng Traffic Management Unit at City Engineering Office ang perimeter area ng Mega Market na nakaharap sa Quezon Boulevard.Kaugnay nito, bawal nang pumarada sa lugar ang ano mang uri ng pribado at pampublikong sasakyan.

Maliban sa No Parking sign, may nakapintura din na yellow line kung saan ay siyang hangganan naman ng mga barbeque at food stalls na nag-ooperate tuwing gabi.Ayon sa TMU, ipinagbabawal na sa mga tricycle na legal na nagte-terminal at mga barbeque at food stalls sa lugar na pumarada at magbenta lagpas sa yellow line at maging sa NO PARKING sign.Sisistahin ng mga otoridad ang sino mang paparadang sasakyan at mag-ookupang stall sa NO PARKING area.

Maglalagay naman ng designated na parking signs ang City LGU sa loob ng Mega Market.Ito ay isa lamang sa mga hakbang ni City Mayor Joseph Evangelista na maisaayos at gawing malinis ang pasilidad para sa lahat.

Naglagay na rin ng anunsyo ang City LGU sa pagbabawal naman na magbenta sa mga sidewalks ng palengke.
Inaasahan ang padating ni Vice President Ma. Leonor Robredo sa Kidapawan City, bukas ng umaga.

Si Robredo, kasama ang mga opisyal ng City LGU ang siyang mangunguna sa groundbreaking ceremony sa limang ektaryang LGU- Pabahay 4 project sa Barangay Sudapin ng lungsod.

Sa naturang proyekto, abot sa 325 na mga indigent Family at informal settlers sa lungsod ang mabibigyan ng bahay.
Ang bilang na 325 na pamilya ay mababawas naman sa higit dalawang libong pamilya na una nang naitala na walang mga bahay noong 2015.Maliban dito magiging saksi rin si Robredo, na siyang chair ng Housing and Urban Development Coordinating Council sa ibibigay na certificates sa abot isang libong benipisyaryo ng Housing Assistance program for Indigenous Peoples’o (HAPIP) at LGU Pabahay 3 project.

Matatandaang mismong ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang HUDCC position kay Robredo dahil na rin sa kanyang magandang record sa pagtulong sa mga mahihirap sa pamamagitan ng housing programs.
Naniniwala din si City Mayor Joseph Evangelista na ang pagbisita ng bise presidente sa lungsod ay magbubukas ng magandang samahan sa mga susunod pang proyekto ng LGU kagaya ng low coast housing at iba pang mahahalagang programa na makakatuong sa mga residente ng Kidapawan City. Sa ikalawang pagkakataon muli na namang nagturn-over ng sasakyan ang Traffic Management Unit, Highway patrol group at Kidapawan city Public Safety Division sa mismong may ari nito sa Kidapawan City kahapon ng hapon.Ang naturang sasakyan ay isang motorsiklo kung saan halos isang taon ding nawala nang tangayin ito sa Davao City.

Sa salaysay ng may-aring si Mark Anthony Pioquinto, 24-anyos na taga Matina Pangi, Davao city pinarada lamang niya ang kanyang kulay itim na MIO Yamaha sporty motorcycle pero nawala na ito kinabukasan.Tatlong kalalakihan raw ang kanyang napansin na umaaligid sa kanyang pinagtatrabahuan sa araw na iyon na pinaniniwalaang tumangay sa kanyang sasakyan.Pero nitong October 7 lamang, napara ng TMU sa kasagsagan ng kanilang Higway check ang nabanggit na sasakyan na minamaneho ng isang Joe Yusop na taga Pikit, North Cotabato.Bigong maipakita ni Yusop ang dokumento ng sasakyan dahilan para iimpound ito.

Ilang araw pa at napag-alaman ng mga otoridad na nakaw ang nabanggit na sasakyan.Dahil dito agad nilang hinanap ang may-ari at ginawa ang turn over ceremony kahapon sa pangunguna ni TMU head Rey Manar at Public Safety Division Head Psalmer Bernalte. Posible ngayong matanggal sa kanyang trabaho ang isang kawani ng Kabacan LGU matapos itong magpositibo sa isinagawang mandatory drug test.Una rito, abot sa mahigit 300 empleyado ng Pamahalaang Lokal sa bayan ng Kabacan, ang sumailalim sa Drug test nitong nakaraang araw.
Pinangunahan mismo ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. ang nasabing drug test.

Maging ang mga elected officials ay sumailalim din rito.Bagama’t hindi muna pinangalanan ng alkalde ang kawani na nagpositibo, iginiit nitong naka-assign ang nasabing empleyado sa Kabacan Public Market.Layunin ng drug test na ito na malinis ang hanay ng LGU Kabacan at mawala na rin ang mga agam-agam na may ilang kawani ang LGU na gumagamit ng illegal na droga.

Sinabi pa ni Mayor Guzman na bilang public servant ay dapat din na malinis sila sa illegal na droga.

Giit pa ng Alkalde na pagkatapos nito ay isusunod din nila ang mga barangay officials.Agad namang i-terminate ni Mayor Guzman ang mga job orders, casual at mga coterminous na empleyado ng LGU na mag-positibo sa illegal na droga.Habang ang Civil Service naman ang bahala sa mga regular na kawani ng LGU.

Samantala na lumabas na rin ang resulta ng drug test sa hanay ng Kabacan PNP at lahat ng personnel ay nag negatibo.

MOH-BARMM intensifies drive vs. smoking, e-cigar & partners with NDU

COTABATO CITY - Ang Ministry of Health sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (MOH-BARMM), patuloy ang paghikayat sa mamamayan na...

Army's 603rd brigade condemns murder of CAFGU by NPAs in Kalamansig

The 603rd Infantry Brigade strongly condemns the brutal murder of CAFGU Active Auxilliary (CAA) member and former NPA Leader Danilo Englatera by...

Floods, landslides hit Sultan Kudarat upland village, affect 6 families

ISULAN, Sultan Kudarat  – The municipal disaster responders in Bagumbayan, Sultan Kudarat have evacuated six families following flash floods and...

OCD-BAR capacitates BARMM LGUs on emergency response

COTABATO CITY - The Office of Civil Defense-Bangsamoro Autonomous Region has started capacitating emergency responders in cities and provinces under...

Cotelco announces power interruption in Kabacan

  TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO) in Kabacan area: This is to inform you that we will have a SCHEDULED power interruption on...