Monday Jul, 01 2024 02:02:05 AM

MOH-BARMM intensifies drive vs. smoking, e-cigar & partners with NDU

BANGSAMORO NEWS UPDATES • 16:45 PM Fri Jun 28, 2024
154
By: 
Ruffa Mokalid/DXMS

COTABATO CITY - Ang Ministry of Health sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (MOH-BARMM), patuloy ang paghikayat sa mamamayan na makipagtulungan sa pagpapalaganap ng educational campaign kasabay ng No-Smoking Awareness Month.

Yan ang sinabi ni BARMM Ministry of Health o MOH Minister Dr. Kadil 'Jojo' Sinolinding, Jr. sa seminar na ginawa patungkol sa No-Smoking Awareness Month ngayong Hunyo.

Ginanap ito sa Notre Dame University (NDU) na dinaluhan ng mga expert at mga estudyante.

Sinabi ni Sinolinding na nagpasa siya ng resolusyon sa BTA kung saan inaatasan ang Ministry of Health at Ministry of Trade, Investments and Tourism o MTIT na ma-regulate ang pagbebenta ng mga tobacco products kabilang na ang vape sa mga kabataang may edad 18 pababa.

Sa pamamagitan nito ayon kay Sinolinding, hindi makakabili ng sigarilyo at vape ang mga kabataan.

Hindi aniya ito bago sa Pilipinas, sapagkat may mga lugar sa bansa na mahigpit ang monitoring at parusa pagdating sa paninigarilyo.

Kabilang aniya sa mga lugar na ito ay ang Davao City, Baguio City at Marikina City.

Kaugnay niyan, nangako ang NDU administration na susuportahan nila ang kampanya ng MOH.

Upang mapigilan ang pagdami ng mga kabataang naninigarilyo, nais rin ng Notre Dame University o NDU na mamonitor ang mga estudyanteng lulong sa nasabing bisyo.

Ayon kay NDU Office of Student Affairs and Servises o Osas Dr. Ma Theresa Llano, matagal nang nakapaloob sa handbook ng paaralan ang pagbabawal ng paninigarilyo para sa mga estudyante ngunit dahil nabanggit na rin ang trending na e-cigarettes ay posibleng maidagdag na ito sa kanilang polisiya.

Sa paraang ito, hihigpitan na ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagcheck ng kanilang bag upang masiguro na walang makalulusot na magdadala ng vape sa loob ng campus.

Sinabi naman ni Dr. Adlyn Bea Bernaldez ng Department of Family and Community Medicine ng Cotabato Regional and Medical Center na dumarami ang mga nagpapasuri sa hospital dahil sa sakit na dulot ng paggamit ng sigarilyo at vape.

Aniya, isa sa pitong mga kabataang may edad 13 hanggang 15 ang gumagamit ng electronic cigarettes o vape.

Ang vape ayon kay Bernaldez ay lubos na mapanganib kaya hindi aniya ito dapat gawing alternatibo sa paggamit mula sa conventional cigarette.

Hinikayat nito ang publiko lalo na ng kabataan na tumigil sa paninigarilyo upang makaiwas sa sakit at komplikasyon.

May be an image of 8 people

Candidate #16 Michaela Reen Egay representing F’lomlok Festival of Polomolok

Candidate #16 Michaela Reen Egay representing F’lomlok Festival of Polomolok, South Cotabato The F’lomlok Festival is one of the largest...

Upi's Meguyaya festival 3rd runner up in Aliwan Fiesta dance competition; 3rd place Tugtog ng Aliwan

Congratulations to the Aliwan Fiesta 2024 Street Dance Competition Champion, Iloilo Dinagyang Festival. 2nd place- Tultugan Festival from Iloilo...

Guinakit of Cotabato City champion, 3 groups from Maguindanao del Norte runners up in Festival float competition

Congratulations to the Aliwan Fiesta Float competition champion, Guinakit from Cotabato City, Maguindanao del Norte! 1st Runner Up - Bahay...

Smuggled cigarettes nakumpiska ng PNP sa Parang, MagNorte

NAKUMPISKA ng Parang PNP sa Barnagay Sarmiento, Parang, Maguindanao del Norte ang isang wing van cargo truck may kargang smuggled cigarettes kaninang...

UBJP: Alegasyon ni Mayor Maglangit isang propaganda

COTABATO CITY - Pinabulaanan ni MILG-BARMM Minister Atty. Sha Elijah Dumama-Alba ang mga sinabi ni Kapatagan Lanao del Sur Mayor Raida Bansil...