Friday Jul, 05 2024 01:53:30 AM

NDBC BIDA BALITA (Nov. 12, 2016)

 • 00:43 AM Sun Nov 13, 2016
1,213
By: 
NDBC

NEWSCAST

November 12,2016
(SAT)
7and00 AM

HEADLINESand

1. LIMA patay sa magkahiwalay na shooting incident sa North Cotabato.2. Prosecutors office sa Koronadal, nasunog.Mga kaso di raw apektado.3. Mimebro ng Philippine Marines, patay sa pananaksak sa Kidapawan, 2 kasamahan nasa ospital.4. Major bridge sa Koroandal City, pasisinayaan ni DPWH Sec. Mark Villar. Patay sa nangyaring shootout ng mga
raiding policemen ang suspected shabu dealer sa Libungan, North Cotabato.

Kinilala ito na si Arlan Tagle Pulido
Alyas Bimbo, na taga Barangay Nicaan, Libungan.

Ayon sa report ng Cotabato Police
Provincial Office o CPPO, pinasok ng mga operatiba ng PNP ang bahay ni Pulido
base na rin sa search warrant na inisyu ng regional trial court na nakabase sa
Midsayap.

Pero tumanggi umano si Pulido sa
gagawing search operation at nakipagbarilan ito sa raiding team.

Dahil dito, tinamaan si Pulido sa
kanyang katawan na agad namang isinugod sa pagamutan sa Midsayap pero
indeneklara na itong dead on arrival ng mga attending physician.

Samantala narekober naman sa bahay ni
Pulido ang isang bala Caliber 45 pistol, 12 bala ng caliber 22, isang fired
cartridge ng caliber 22, apat na sachet ng pinaniniwalaang shabu, isang yunit
ng Motorstar motorcycle, at isang jungle bolo. Personal na
dumulog sa Police Station 2 ang isang lalake matapos looban ng mga magnanakaw ang bahay nito p sa Purok
Kalilintad RH7 Cotabato City, pasado 4:10 ng madaling araw kahapon

Kinilala ang
biktima na si Joemedy Dimapalao, 26 anyos, may asawa, at residente ng nasabing
lugar.

Ayon kay
Dimapalao nasa kahimbingan raw sila ng tulog ng kanyang asawa nang pasukin ng
mga magnanakaw ang kanilang bahay.

Nang magising
nagulat nalang si Dimapalao nang makitang nakabukas na ang kanilang entrance
door at nawawala narin ang sling bag na naglalaman ng mga mahahalagang
dokumento at pera na nagkakahalaga ng 3,500 pesos

Samantala,
Isa namang estudyante ang biktima rin ng pagnanakaw ng mga di pa kilalang
suspek pasado alas 12:30 kamakalawa ng tanghali sa kahabaan ng Jose Lim Street,
Cotabato City.

Kinilala ang
biktima na si Jhaira A. Deking, 19 anyos, na taga Supermarket Mother Barangay
Poblacion ng lungsod.

Ayon kay
Deking nilapitan sya ng isang lalake at isang babae at nagtanong kung may alam
ba daw ito na cargo truck na pwedeng kargahan ng kanilang mga produkto.

Nang sabihin
ni Deking na wala, ay di parin tumigil ang dalawang suspek at tuloy2x parin
itong nakipagkwentohan sa kanya.

Hanggang sa
umabot na sa punto na hiniram na ng mga suspek ang kanyang cellphon at kwentas
kapalit ng plastik cellophane na naglalaman daw umano ng maraming pera.

Nagpaalam pa
umano sa kanya ang mga suspek na aalis saglit at nangakong ibabalik ang kanyang
mga gamit at para balikan din ang plastic cellophane na iniwan sa kanya.

Ngunit
makalipas ang ilang oras na paghihintay ay di na muling nagpakita ang mga
suspek.

Huli na ng
malaman ni Deking na wala palang lamang pera ang plastic cellophane na iniwan
sa kanya. Anim
na tripulanteng Vietnamese ang dinukot ng mga armadong lalaki habang sakay ng
kanilang barko.

Inakyat
ng sampung armadong kalalakihan ang MV Royale 16 at saka dinukot ang mga
dayuhan sa bahagi ng Coco Island, sa bayan ng Mohammed Adjul, sa Basilan.

Ayon
kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command
spokesperson, Maj. Filemon Tan, alas 5and00 ng umaga kanina nang maganap ang
pagdukot.

Kabilang
sa dinukot ang ang kapitan, Chief Mate, 2nd at 3rd Officer, Buson at isa pang
crew ng nasabing barko.

Nasugatan
naman ang 4th engineer ng barko na nakaligtas mula sa pagkakadukot. Pinuri
ng TV host at ex-presidential sister na si Kris Aquino ang mabilis na trabaho
ni Agriculture Sec. Manny Piñol sa kaniyang kagawaran.

Ayon
pa kay Aquino, mas mabilis pang kumilos si Piñol kaysa kay dating Agriculture
Sec. Proceso Alcala na itinalagang kalihim ng kaniyang kapatid na si dating
Pangulong Benigno Aquino III.

Sa
ginanap kasi na National Micro, Small and Medium Enterprises Summit sa Davao
City, tinalakay ni Piñol ang kalagayan ng produksyon ng abaca dito sa bansa.

Ipinaliwanag
niya na may malaking potensyal ito kung pagtutuunan lamang ng pansin, dahil
dito lang naman sa Pilipinas makakakita ng abaca na sinasabing pinakamatibay na
fiber sa buong mundo.

Pero
ayon kay Piñol, napabayaan talaga ang produksyon ng abaca dito sa bansa kaya
kailangan itong pagtuunan ng pansin.

Tinanong
naman siya ni Kris na nagho-host ng nasabing summit kung si Alcala ang
nagpabaya.

Iginiit
naman ni Piñol na hindi naman niya tinutukoy si Alcala dahil matagal naman na
ang problemang ito dahil minsan, hindi pinapansin ng mga Pilipino ang sariling
yaman ng bansa.

Isinusulong
ngayon sa Kamara ang isang panukalang batas na magbibigay ng pagkilala sa mga
Pilipinong atleta na naninilbihan rin sa bansa bilang sundalo.

Inihain
ni PACMAN Party List Rep. Michael Romero ang House Bill 4220 na nagpapanukalang
bigyan ng rank promorion ang mga atletang nagwagi ng medalya habang
nagse-serbisyo sa Armed Forces of the Philippines.

Sa
nasabing panukala, iminungkahing taasan ng isang ranggo ang mga makakakuha ng
bronze medal, dalawang ranggo para sa silver medalists, at tatlong ranggo naman
sa gold medalists.

Posible
ring makinabang si Pambansang Kamao at Sen. Manny Pacquiao ngayong nanalo siya
sa laban kay Jessie Vargas, dahil isa siyang reservist lieutenant colonel sa
ilalim ng Philippine Army.

Problema sa linya ng kuryente ang tinitingnang sanhi ng sunog sa South Cotabato Provincial Prosecutors Office na matatagpuan sa Hall of Justice sa Koronadal City.Gayunpaman ayon kay Koronadal City Executive Judge Renato Tampac, ito ay patuloy pang iniimbistigahan.
Naniniwala naman si Tampac na aksidente at hindi sinadya ang sunog.
Ayon kay Tampac ipinagkatiwala na lamang nila sa Bureau of Fire Protection o BFP ang imbistigasyon sa insidente.
Apektado naman ang trabaho ng mga kawani ng Hall of justice matapos ipagbawal muna ng mga bombero ang pagpasok sa loob para na rin sa kanilang kaligtasan.
Ayon kay Tampac, inaasahan na babalik sa normal ang trabaho ng mga kawani ng city prosecutors office sa Lunes.
Ipinahayag ni Tampac na ipinagpaalam na nito sa korte suprema ang insidente.
Kabilang sa mga tinupok ng apoy ang aircondition at computer sets ng tanggapan.
Sumiklab ang apoy sa prosecutors office pasado alas syete ng umaga kahapon ngunit agad naman itong naapula sa tulong ng mga karpintero na nagtatrabaho sa likod ng gusali.
Nilinaw naman ni Provincial Prosecutors Office Fiscal Boyd Atensor na dahil nakalagay sa kabilang kwarto ang mga dokomento, walang epekto sa mga naka file na kaso sa korte ang sunog.
Mangunguna sa pagbubukas ng ginagawa pa ngayong Namnama Bridge sa Koronadal City si Department of Public Works and Highways o DPWH Secretary Mark Villar.
Ito ay kinumpirma mismo ni DPWH 12 Regional Director Reynaldo Tamayo Sr.Ayon kay Tamayo, ang tulay na naguugnay sa Koronadal City sa karatig bayan ng Lutayan, sa lalawigan ng Sultan Kudarat ay matatapos na sa Disyembre.
Ito ay pinondohan ng pamahalaang nasyonal ng mahigit P70 million.
Matatandaan na humiling ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Koronadal sa national government matapos sirain ng malawakang pagbaha sa South Cotabato ang Namnama bridge noong June 24,2015.

Nagtapos sa ikalawang batch ng incident command system o ICS training ng lokal na pamahalaan ng Koronadal ang ang na mga kawani nito.
Ang pagsasanay ay pinangunahan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRMO.
Ayon kay CDRRM Officer, Cyrus Ubano, layon nito na maipaliwanag sa kanilang mga myembro ang kahalagaan ng ICS sa pagresponde sa kalamidad.
Sinabi ni Urbano na dahil sa pagsasanay ay nahasa pang lalo ang kasanayan ng mga kawani ng LGU na harapin ang anumang kalamidad.
Ipinahayag naman ni dating Koronadal Chief of Police, Superintendent Nestor Salcedo na isa rin sa mga participant na mahalaga ang pagsasanay upang maiwasan ang overlapping ng mga desisyon sa oras ng emergency.
Ayon kay Salcedo dahil sa ICS nakalatag na ang mga dapat gawin ng bawat myembro nito may kalamidad man o wala.
Ang ICS ay binubuo ng Command Staff , General Staff , Operation Section Officer, Planning Section Officer, Logistics Section Officer at Finance Section Officer.
Matatandaan na unang nasubukan ang kahalagahan ng ICS nang isinawa sa Koronadal ang Pyesta Kolondatal na nilahukan ng 9 na bansa noong 2014.
Isinusulong ng ICS ang zero casualty sa mga reponders at mamamayan na kanilang tutulungan sa panahon ng kalamidad.
Ospital ang bagsak ng isang magsasaka matapos sipain ng kabayo at matanggalan ng ngipin sa Polomolok, South Cotabato.
Kinilala ang biktima na si Elpedio Obedencio, 28 anyos, at nakatira sa Barangay Landan, Polomolok.Ayon sa kaanak ng biktima na tumangging magpakilala sa Radyo Bida, dahil sa biglaang pagbuhos ng ulan nagtakip sila ng trapal habang nasa sakahan.Eksakto namang dumaan ang isang lalaki habang tangay ang kabayo nito na ginagamit sa paghahakot ng mais.
Ayon sa kaanak ng biktima, habang nakatakip ng trapal tumawa ng malakas ang kanilang mga kasama na marahil ay ikinagulat ng kabayo kaya nito nasipa ang biktima.
Ang biktimang si Obedencio na tumilapon dahil sa lakas ng sipa ng kabayo ay nagising na lamang sa ospital.
Maliban sa tatlong ngipin na natanggal ang biktima ay nagtamo rin ng mga pasa sa mata, dibdib at bibig.
Si Obedencio ay nagpapagaling pa ngayon sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City.
Mapagaaralan pang lalo ng mga magsasaka sa Koronadal City ang sustainable o organikong pamamaraan ng pagsasaka.
Ito ay kasunod ng paglunsad ng lugar para dito ng lokal na pamahalaa, Agricultural Training Institute o ATI .Ang learning center ay matatagpuan sa may limang ektaryang lupain ng magasawang sin Daniel at Rema Apostol sa Barangay Concepcin Koronadal.
Ang lupain ay magiging learning site ng mga magsasakang nais matuto ng sustainable agriculture o organic farming.
Nanguna sa paglunsad sa lugar bilang learning center si ATI Regional Director Datu Dayaan at ATI National Director Luz Tapasok.
Nabatid na ang may limang ektaryang lupain ng magasawang Apostol na parehong nagtapos ng agriculture ay tinamnan ng mahigit 100 iba’t ibang produkto tulad ng fruit bearing trees at high value crops.
Ayon sa magasawang Apostol , sisingil lamang sila ng konting entrance fee sa mga magsasaka na nais bumisita o magkaroon ng on the job training sa kanilang sakahan. Kritikal ngayon ang kondisyon ang isang lola matapos pagtatagain habang natutulog sa loob ng kanyang bahay sa brgy. New Cebu, Makilala, North Cotabato alas dos ng madaling araw kahapon.
Kinilala ang biktima na si Luzviminda Uyangguren, 57 anyos.

Sa salaysay ng mismong anak nito , madaling araw nang pasukin umano ng di pa kilalang lalaki ang bahay ng kanyang ina at doon na walang habas na pinagtataga.

Putol ang mga daliri sa kamay at paa ng biktima.
Nagawa pang humingi nang saklolo ang biktima na agad namang narinig ng anak at pinuntahan ito.

Dito na bumulagta sa anak ang puno nang taga na katawan ng ina at naliligo na sa sariling dugo.

Mabilis nila itong isinugod sa pagamutan.
Mabuti na lamang ay hindi rin nadamay ang 13 anyos na apo na kasama ni Lola Luzviminda sa kanyang bahay.

Wala namang matandaan na nakaaway o nakaalitan ang anak ng kanyang ina na inilarawan pang mabait sa kanilang mga kapitbahay.
Blanko pa ngayon ang pamilya ng biktima sa motibo sa insidente habang patuloy ding iniimbestigahan ng PNP ang panyayari.

Patay ang dating brgy. Chairman ng Katipunan, Kidapawan at kapatid nito matapos silang pagbabarilin ng di pa kilalang suspek malapit mismo sa kanilang rubber plantation ng Barangay Katanayanan, Carmen North Cotabato alas syete ng umaga kahapon.
Kinilala ni Chief Inspector Julius Malcontento, hepe ng Carmen PNP ang mga biktima na sina Jackson Maslog Enad, 52, at Jicky Maslog Enad, 44, na taga Purok 12, Poblacion, bayan ng Carmen.
Ayon sa report sakay ang mga biktima sa kanilang multicab na may license plate na (MFF 747) nang paulanan sila ng mga suspek ganmit ang 45 caliber pistol base sa mga basyo ng bala na narekober sa crime scene.
Nagtamo ng tama ng bala ang dalawang biktima sa ibat ibang bahagi ng kanilang katawan dahilan ng kanilang agarang kamatayan.

Agad namang dinala sa Provincial Crime Laboratory Office in Kidapawan City ang 5 cartridges and 2 slugs ng caliber .45 pistol para sa ballistic examination.
Tinutugis na ngayon ng mga otoridad ang responsdable sa krimen habang patuloy na iniimbestigahan ang motibo sa insidente. Binawian na ng buhay ang isang marine officer habang patuloy namang ginagamot sa ospital ang dalawa pang kasama nito matapos masaksak sa loob ng Kidapawan city Sports Complex alas 2 ng madaling araw kahapon.

Kinilala ang nasawing biktima na si Gilbert Gonzales, 23 anyos na taga barangay Palma Perez, Mlang North Cotabato habang kinilala naman ang dalawa nitong mga kasamahan na sina Ronnie Proponga, 40-anyos at Randy Pajarillio na mga residente rin ng nabanggit na lugar.

Sa naging imbestigasyon ng Kidapawan City PNP, nagkaroon umano ng di pagkakaunawaan ang mga ito sa isang guest related officer na agad namang sinita ng mga nasa loob ng bar.

Nang papalabas na ang mga biktima ay pinagtulongan na silang bugbugin ng mga di pa kilalang grupo ng mga kalalakihan. Di pa nakontento ay pinagsasaksak pa ng mga ito ang tatlong biktima.

Dahil dito nagtamo ng sugat na karamihan ay sa dibdib, likod at braso ang mga biktima na agad namang isinugod sa pagamutan.Ilang oras naman ang lumipas ay binawian na ng buhay si Gonzales dala narin ng tama ng saksak sa kanyang dibdib at likod habang patuloy pang ginagamot ang dalawa nitong mga kasama.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng Kidapawan city PNP sa pagkakakilanlan ng mga suspek.
Patay ang isang miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit o Cafgu nang pagbabarilin ng maraming beses ng di pa kilalang mga suspek sa Sitio Valencia, Barangay Bualan, Pikit, North Cotabato kahapon.Kinilala ni Inps. Arvin John Cambang, deputy chief ng Pikit PNP ang biktima na si Rodolfo Malagia, taga Aleosan, na nakabase sa 38th IB, 6th ID, Philippine Army.Ayon sa report, galing ng duty ang biktima at papunta ito sa kanyang sakahan nang tambangan ng mga suspek at pinagbabaril pasado alas otso ng umaga.Tadtad ng maraming tama ng bala ang buong katawan ng biktima na naging sanhi naman ng kanyang agarang kamatayan.

Samantala patay naman ang isang magsasaka na kinilalang si Utin AbdulKadi Kadang nang pagbabarilin din sa National Highway ng Pikit alas dos ng hapon kahapon.Ayon kay Kambang sakay sa kanyang kulay asul na motorsiklo ang biktima patungong Poblacion area at pagdating nito sa pinagyarihan ng krimen ay dito na siya pinagbabaril ng dalawang riding tandem na mga suspek.

Nagtamo ng maraming tama ng bala ang biktima kung saan mabilis ding tumakas ang mga suspek.Limang basyo ng bala mula sa 45 caliber pistol ang narekober sa crimescene.Iginiit ni Cambang na parehong personal grudge ang kanilang sinusundang anggulo sa dalawang insidnete ng pamamaril.
Para makakuha ng dagdag na ebidensya ang mga otoridad, hinalughog muli ang dalawang sasakyan ni Mayor Dimaukom na nasa kustodiya ng Makilala PN kahapon ng hapon.
Unang inispeksyon ang gulong ng dalawang sasakyan at pati na rin sa loob nito.

Nag negatibo naman sa iligal na droga ang dalawang sasakyan na agad namang inilipat sa Cotabato Police Provincial Office.Inaasahan pa ang muling inspeksyun sa mga sasakyan kung saan ibibigay naman ang resulta nito sa Camp Krame.

Ang nasabing hakbang ay pinangunahan ng Special Investigating Task Group kung saan kabilang rito ang PNP Crime Laboratory, Makilala PNP at CPPO.

Matatandaan na matapos ang operasyon noong October 28, hinalughog ang sasakyan ng alkalde na galing Davao City kung saan base sa report nakuhanan ito ng 13 sachet ng shabu at mga baril.Samantala, handa naman raw ang lahat ng dokumento ng pamilya Dimaukom para ibigay sa tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte.Ayon kay Atty Ronald Torres, ipapadala nila ito sa pangulo at sa lahat ng mga concerned agencies para paiimbestigahan ang kaso ni Datu Saudi Amputuan Mayor Samsudin Dimaukom.

Nakapaloob sa kanilang dokumento ang mga larawan ng mga nasawing kasama ng alkalde nang isagawa ng mga otoridad ang operasyon sa brgy. Old Bulatukan, Makilala noong 28 nang madaling araw.

Nakalagay rin doon ang mga ginawang hakbang ni Mayor Dimaukom para linisin ang pangalan nito matapos pangalanan na kabilang sa Narco Politician.

Kabilang na rito ang pagsurender nito sa kanyang mga baril, pag comply sa mga kinakailangan sa CIDG at marami pang iba.
Mismong sa mga taga Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao nanggaling ang naturang apela na ngayon ay patuloy na nagluluksa sa pagkawala sa itinuturing na Ama ng bayan. Nasa Kostodiya na ngayon ng Explosive Ordnance Division Team ang dalawang mga Rifle Grenade Projectile na nahukay sa isang construction site sa Plaridel Street barangay Poblacion Kidapawan city kamakalawa.Isa sa mga ito ay nahukay ng isang construction worker na kinilalang si Eladio Labella.

Naghuhukay sa nasabing construction site si labella nang mapansin nito ang isang matigas na bagay na kaagad naman nitong inireport sa mga otoridad.Sinubukan pa umanong lagariin ni Labella ang nasabing bala ngunit napigilan ito ng kanyang mga kasamahan.

Kaagad namang tinungo ng K9 unit ng Kidapawan city, at joint EOD team ng Phil army ang lugar at kinordon.Sa patuloy na paghuhukay ay nakita pa ang isa pa nito.

Sa ngayon nasa kostodiya na EOD ang dalawang mga bala.

Cotabato Light announces power service interruption in Datu Odin

COTABATO CITY - To all our valued customers, please be informed of the scheduled power interruption affecting Lower Capiton, L&L Heritage Farm,...

OND Synodal Gathering: Journeying together, coming home

The Oblates Notre Dame (OND) convened for their OND Synodal Gathering at St. Joseph Retreat House Convention Hall, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del...

Cotabato Light inks MOA for Brigada Eskwela, school supplies dispersal for PC Hill school

COTABATO CITY – The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) has successfully signed a Memorandum of Agreement (MOA) to support Brigada...

PDEA, Cotabato mayor, prosecutor fuse ranks versus narcotics dealers

COTABATO CITY - A regional director of the Philippine Drug Enforcement Agency, the mayor here and a state prosecutor together assured on...

Halaga ng smuggled cigarettes na nasabat sa Zamboanga Peninsula abot na P62-M

Umabot na sa higit P62 milyong ang halaga ng nasabat na smuggled items sa magkakahiwalay na anti-smuggling operations ng Police Regional Office 9 (...