Friday Jun, 21 2024 02:02:10 PM

NDBC BIDA BALITA (May 31, 2024)

NDBC BALITA • 08:30 AM Fri May 31, 2024
760
By: 
NDBC NCA

HEADLINES

1   SIMBAHANG KATOLIKO sa Cotabato, humiling na mapakinggan ang kanilang panig bago tuluyang ipasa ang divorce bill

2   DIBORSYO hindi solusyon, sisirain lang nito ang kinabukasan ng mga Kabataan, ayon kay Bishop Bagaforo

3   SUPORTA ng Kidapawan LGU sa inland fisherfolks, tiniyak ni Mayor Evangelista sa ginawang Sugbang Hito og Tilapia festival.

4   Drug den nabuwag sa Pikit, North Cotabato; tatlong suspek arestado

5   PDEA 12 nananawagan sa mga sangkot sa illegal drugs na sumuko na para matulungang magbago

6   Chief Minister Ebrahim, kasama ni P. Marcos sa pagbisita nito sa Brunei, mga negosyante doon inimbita na magnegosyo sa BARMM

SA ATING PAMBUNGAD NA BALITA…

KABILANG si BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim at iba pang mga cabinet members sa isinama ni P. Bongbong Marcos, Jr. sa kanyang dalawang araw na byaheng sa Brunei Darussalam.

Ang foreign trip ng pangulo ay para sa partnership ng Pilipinas at bansang Brunei kung saan ibinida rin ni Chief Minister Ebrahim ang mga potential business opportunities sa Bangsamoro Region.

Sinabi ni Ebrahim na ang BARMM ay nasa proseso ng pag-unlad, pagpapanatili ng kapayapaan, at pag-usbong ng pagbabago sa ilalim ng Marcos administration.

Ang Bangsamoro Region ay sagana sa natural resources, mayaman sa kultura at mataas ang potensyal sa eco-tourism, ayon pa sa chief minister.

Binanggit din ni Ebrahim ang iba’t-ibang napagtagumpayan ng Bangsamoro Regional Government kasabay ang paghikayat na tuklasin at mamuhunan sa BARMM.

-0-

ITINALAGA KAHAPON NI Soccsksargen Police Regional Director Brig. Gen. Percival Placer si Colonel Bernard Lao bilang bagong hepe ng Sultan Kudarat police provincial office.

Pinalitan ni Lao si acting provincial director at kasalukuyang Deputy Regional Director for Operation Colonel Arnold Santiago.

Ang turnover ceremonies ay ginanap sa SKPPO headquarters sa Camp Amado Dumlao sa Isulan, Sultan Kudarat na sinaksihan ni provincial administrator Jimmy Andang

Nangako si Lao na prioridad niya na mabawasan ang krimen at ang paglaganap ng illegal drugs sa Sultan Kudarat.

-0-

SA KABILA nang inilabas na Order for the Stay of Execution ng BARMM office of the Chief Minister at Certificate of Recognition mula MILG na nagaatas kay Datu Salibo town Mayor Solaiman Sandigan na muling umupo bilang alkalde ng bayan, hindi pa rin umaalis sa puwesto ang acting mayor na si Councilor Omar Ali at acting vice nayor Councilor Jehan Sangki.

Ayon kay Atty. Nasiff Brian Meditar, legal counsel ni Sandigan, hindi umano kinikilala ng kabilang kampo ang inilabas na kautusan ni Chief Minister Ahod Ebrahin at ng MILG dahil peke daw ito.

Noong nakaraang Pebrero, babalik na sana sa pwesto sina Mayor Sandigan at vice mayor Sandigan matapos ang 60-day suspension na ipinataw ng Sangguniang Panglalawigan.

-0-

Magkatuwang na inilunsad kahapon ng Japanese government, International Labour Organization at ng Department of Information and Communications Technology ang Digital Transformation Center sa Bangsamoro region bilang suporta sa pagbangon ng mga probinsya nito sa epekto ng COVID 19 pandemic.

Pinangunahan nila Khalid Hassan ng ILO, isang ahensya ng United Nations, ni Chichiro Kanno mula sa Japanese Embassy sa Pilipinas at ni DICT Assistant Secretary Wilroy Ticzon ang paglunsad ng proyekto sa compound ng Bangsamoro Telecommunications Office sa Cotabato City.

Layun ng pagtatag ng DCT sa autonomous region ang ganap na digitalization ng komersyo at kalakaran sa BARMM

Aktibong Mindanao peace partner ng pamahalaan ang Japan at ILO.

-0-

BAGAMAT wala pang kongkretong datos, patuloy ang monitoring ng Ministry of Health ng BARMM sa HIV cases sa ilang parte ng Bangsamoro Region.

Ito ay ayon kay MOH Minister Dr. Kadil “Jojo” Sinolinding, Jr. sa Press Conference kahapon na tinawag na Ulat sa Kalusugan.

Ayon kay Sinolinding, ang mga lugar na may kaso ng nasabing sakit ay Tawi-Tawi, Marawi City kabilang ang Cotabato City.

Upang makaiwas sa pagkakaroon ng nasabing virus, sundin lamang ang ilan sa mga paraang ibinahagi ng MOH-BARMM tulad ng pag apply ng “A,B,C at D”.

A-abstinence o huwag makipag-talik

B-be faithful to your partner

C-condom

D-drugs o uminom ng gamot depende sa iniriseta ng doctor.

Kung sakali mang lumalala ang HIV, maaari itong maging AIDS at humantong sa kamatayan.

-0-

NANINDIGAN ang simbahan na may dapat pang gawin sa pagpapatatag ng relasyon at pundasyon ng mga mag-asawa bago ito tuluyang humantong sa deborsyo.

Pahayag ito ni Immaculate Conception Cathedral Rector Fr. Benjamin Torreto DCC hinggil sa mainit na usapin ng deborsyo na pumasa na sa House of Representative.

Bilang katoliko, nanindigan si Fr. Torreto na isang banal na sakramento at basbas mula sa panginoon ang kasal kung saan nangako ang mag-asawa na tanging ang kamatayan lang ang makakapaghiwalay sa kanilang dalawa.

Ito dapat aniya ang panindigan ng mga katoliko at hindi ang deborsyo ang sagot sa mga hamong kinakaharap ng isang married couple.

Aminado si Torreto na may pagkukulang ang simbahan sa mga programa na naka sentro sa pagpapatatag ng married life ng mag-asawa at ito aniya ang kanilang sinisikap na tugunan.

Sa Archdiocese of Cotabato, wala aniyang konsultasyon ang mga mambabatas sa BARMM na pumabor sa divorce bill para marinig din sana ang simbahan bago magdesisyon.

Nananawagan din siya sa mga katoliko na makiisa sa mga hakbang ng simbahan para tutulan na tuluyang maipasa ang deborsyo sa bansa.

-0-

Diborsyo hindi solusyon, sisirain lang ang kinabukasan ng mga kabataan - ayon kay Bishop Bagaforo

"ITO ba ang ipapamana natin sa ating mga kabataan?" ang tanong ni Caritas Philippines President at Diocese of Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo D.D sa pagusad sa Senado ng House Bill No. 9349 o Absolute Divorce Bill matapos maaprubahan sa lower house.

Aniya, nakita na ang epekto ng deborsyo sa ibang bansang nagpatupad nito at hindi niya masasabing nakatulong ito.

Isa aniya itong western ideology na isinusulong dulot ng misundertsanding at miseducation.

Bagkos, sisirain lang aniya nito ang kinabukasan ng mga kabataan na silang lubhang maapektuhan sa batas, ang mga kabataang magiging susunod lider at mangangalaga sa bansa.

Isa ang Pilipinas sa dalawang bansa sa buong daigdig kung saan hindi pa legal ang diborsyo. Isa rito ang Vatican City.

-0-

Inaasahan na ng National Irrigation Administration o NIA ang pagdating ng La Niña Phenomenon.

Kaya ayon kay NIA 12 Regional Manager Diosdado Rosales ito ay pinaghandaan na nila noong pang nakaraang taon.

Ito ay sa pamamagitan aniya ng pagsagawa ng flood protection structure sa mga pangunahing dam sa rehiyon.

Kabilang dito ayon kay Rosales ang tinututukan nila ngayong pag-construct ng river bank protection sa  Allah River.

Sinabi ni Rosales na pinasisemento na rin ng NIA ang mga kanal sa tabing daan para maiwasan ang mga pagbaha.

Dagdag pa ni Rosales, mayroon din silang mga protection works sa mga irrigation canal, drainage at pampang ng mga sapa at ilog para hindi masira ng La Niña.

-0-

PDEA 12 nananawagan sa mga sangkot sa illegal drugs na sumuko na para matulungan na magbago

Handa ang PDEA na tanggapin ang mga persons who use drugs o PWUD o sinumang sangkot sa iligal na droga na sumuko sa kanila.

Ito ay ayon kay PDEA 12 Information Officer Kath Abad.

Tiniyak din ni Abad na magiging confidential ang identiy ng sinumang lalapit sa kanila.

Sinabi ni Abad na na tutulungan ng PDEA ang mga susukong PWUD na magbagong buhay.

Ito ay sa pamamagitan ng pag-refer sa kanila sa mga programa ng gobyerno.

Pero nilinaw din nito na kung ang isang surrenderee ay may nakapending na warrat of arrest kailangan muna nitong ma-serve ang kanyang sentensya bago matulungan na marefer para sa tamang intervention.

-0-

Kahandaan sa tagulan, tiniyak ng DPWH 2nd Engineering District

Nakapag-construct na ng 14 na mga flood control projects ang DPWH sa South Cotabato.

Ayon kay DPWH 2nd Engineering District Office District  Eng. Aly Khan Ali, ang mga ito ang pipigil sa mga pagbabaha at poprotekta sa mga palayan lalo na sa upper valley area ng lalawigan.

Dagdag pa ni Ali nakapagsagawa rin sila ng pitong mga slope protection projects na pipigil naman ng landslide sa bulubunduking bahagi ng Lake Sebu.

Bukod sa mga ito ayon kay Ali nalinis na rin ang mga debris sa mga drainage para matiyak ang tuloy-tuloy na daloy ng tubig ulan.

Dagdag pa nito bilang paghahanda sa tag-ulan, naka-preposition na rin ang mga equipment ng DPWH sa mga landslide at flood prone areas ng lalawigan.

Tiniyak din nito na handa ang mga maintenance workers ng DPWH na tumulong sa mga lugar na maaring salantain ng kalamidad kasabay ng pagdating ng tagulan.

-0-

Grade 6 pupil gumradweyt kahit na naka-wheel chair sa Norala, South Cotabato

Pinatunayan ng batang si Alliah na hindi hadlang ang bigat ng mga pagsubok para magtagumbay sa buhay.

Siya ay kabilang sa mga estudyante ng Lower Tinago Elementary School sa Norala, South Cotabato nagtapos ng elementarya.

Nagmartsa ito at umakyat ng stage habang naka-wheel chair.

Ayon sa gurong si Richard Padernal dinapuan ng sakit ang nasabing estudyante kaya hindi na ito nakalakad.

Doble dagok pa ayon pa kay Alliah ang pagkamatay ng kanyang ina dahil din sa sakit noong nakaraang taon.

Sa bayan naman ng Tantangan, emosyonal na umakyat ng stage si Reynal Billones para sa pamangkit nitong si Khurt Lowie na nasawi maapos mabiktima ng hit and run.

Dala nito ang larawan ng pamangkin na na sinabitan ng mga  pang medalya.

Ang suspek naman na nakabangga sa biktima ay kakasuhan ng PNP ng reckless imprudence resulting to homicide.

Ito ay matapos tumangging makipaga-areglo sa pamilya ng biktima.

-0-

Philippine Rice Research Institute ng DA namahagi ng inbred rice seeds sa mga magsasaka ng Tacurong City

Nakinabang sa higit 1,350 bags ng inbred rice seeds ng Philippine Rice Research Institute o PhilRice ang mga magsasaka sa barangay Rajaj Muda,Tacurong City, Sultan Kudarat.

Ito ay nasa ilalim ng Rice Competitiveness Enchancement Fund o RCEF ng DA.

Ang mga benepisyaryo ay pinili sa pamamagitan ng digital Binhi e-padala System.

Ang mga tumanggap ng ayuda ay sumailalim muna sa pre-registration kung saan hiniling ang kanilang mga personal at farm details.

Ang bagong inobasyon na ito ay ipatutupad din ng lokal na pabahalaan sa lahat na barangay ng Tacurong.

Layon nito na maibsan ang trabaho ng mga partner local government units o LGUs sa pagsagawa ng seeds at extension programs.

Sa pamamagitan nito ay napapalakas din ang Rural-Based Organizations o RBOs bilang partner sa seed distribution para mabawasan ang financial transactions sa pagitan ng DA-PhilRice and Seed Growers o Cooperatives  na incharge sa delivery at distribution ng mga seeds.

-0-

MATUTURING man na expression of love ang pagbibigay ng money bouquet at money garland kasabay ng graduation at moving up ceremony, hinikayat ng DepEd Kidapawan na simplehan lang ang seremonya.

Ayon kay DepEd Kidapawan Schools Division Superintendent Dr. Miguel Fillalan mas importante aniya ang natutunan ng mga kabataan kaysa matatanggap nilang rewards o regalo kaya hindi na kailangang magarbo.

Hindi naman ipinagbabawal ang ganitong paandar o paraan ng pagbibigay pugay sa pagsisikap ng mga estudyante ay hindi nila ito hinihikayat na gawin.

Payo niya, kahit casual na attire at uniform sa graduation ay pwede na upang makatulong din sa pagtitipid ng mga magulang ngayong mahal halos lahat ng bilihin at dahil ito rin ang iniutos ng DepEd na simplehan lang ang okasyon.

-0-

Suporta sa lokal na industriya at produkto ipinanawagan ni Kidapawan Mayor Evangelista kasabay ng kulminasyon ng Farmers and Fisherfolks month

MAS pinapalakas pa ng liderato ni Kidapawan Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang kanilang kampanya na palakasin pa ang sektor ng agrikultura sa lungsod.

Layon nito na maging independent at self-reliant ang mga magsasaka pagdating ng panahon.

Kaya naman kahit sa preperasyon at pagkuha ng mga libreng agricultural inputs ay nakakatutok na sa pagtulong ang lokal na pamahalaan hanggang sa maka harvest at maibenta ng mga ito ang produkto ay tumutulong sila.

Sa tulong ng City Agriculture Office ay maging sa technical assistance at pag market sa mga produkto sa labas ng lungsod ay ginagawa ng City LGU.

Sa ilang taon pa lang ng panunungkulan ng alkalde ay nakitaan na ng kaunlaran sa sektor kahit papano dahil mula sa local fisherfolks ang mga binebentang tilapiya sa lungsod at ibang bayan sa lalawigan labas ng rehiyon.

Tulad ng Mati City sa Davao Oriental at Calinan District, Davao City.

Sa katunayan sa Sugba sa Dalan kahapon ay abot sa 2 to 3 thousand na kilo ng isda at hito ang libreng inihanda nila na nangangahulugang may surplus ng tilapya sa lungsod.

Panawagan nito sa mamamayan na tangkilikan ang produktong lokal hindi lang sa buwan ng mga magsasaka at mangingisda kundi sa buong taon, upang mas mapalakas pa ang kanilang industriya na makatutulong sa kanilang pag-ahon sa kahirapan.

-0-

KAHIT hindi naman nawala sa uso ang Kaliwaan scheme ng mga drug suspect sa kanilang mga transaksyon, tila nag evolve na rin ito mula sa conventional to digital.

Ito ang kinumpirma ni PDEA 12 Information Officer Kath Abad kung saan inilahad nito ang ilang mga bagong modus sa bentahan.

Ang nauuso sa ngayon ay ang "dead drop" isa itong online transaction kung saan matapos makapagbayad sa pamamagitan ng online remittance ay ida-drop lang ng suspect sa isang lugar tulad ng basurahan, simbahan o damuhan ay kukunan ito ng larawan at deskripsyon para makuha ng drug user.

Habang patuloy din ang rent a car vehicle sa pagbebenta ng droga, texting transactions at paggamit ng mga drug peddlers ng runners at couriers.

Aminado si Abad na malaking hamon ang pag evolve ng mga bagong transaksyon sa bentahan ng droga sa hirap imonitor ngayong digital ang paraan.

Posible namang maging vulnerable target ang mga kabataan sa bentahan nito dahil sila madalas ang sanay sa paggamit ng teknolohiya.

-0-

Drug den, nabuwag sa Pikit, Cotabato; tatlong suspek arestado

Matagumpay na operasyon kontra iligal na droga ang isinagawa ng PDEA-12 katuwang ang iba pang unit ng PNP na nagresulta sa pagkabuwag ng isang drug den sa implementasyon ng search warrant bandang alas 12:00 ng tanghali kahapon sa Vidal Cabanog St. Brgy. Poblacion, Pikit, Cotabato.

Kinilala ang mga suspek na sina:

1. Alyas Leo, 51 anyos, may asawa, High Value Target, drug den maintainer at Heavy Equipment driver;

2. Alyas Carl, 30 anyos, hiwalay sa asawa, walang trabaho, na pawang residente ng Vidal Cabanog Street, Barangay Poblacion, Pikit, Cotabato at

3. Isang alyas Brix, 25 anyos, binata, estudyante, na residente ng Poblacion 1, Pigcawayan, Cotabato.

Sa pagsuyod ng raiding team ay mahigit sa 60K ang nasamsam na halaga ng pinaghihinalaang Shabu, maliban pa sa mga drug paraphernalia na narecover mula sa drug den.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong may kinalaman sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Cops seize smuggled cigarettes in Jolo and Tawi-Tawi

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte - About 1500 reams of smuggled cigarettes were recovered by troops from Jolo MPS together with augmented...

350 pamilya, apektado ng bakbakan ng 2 MILF groups sa MagSur

BATAY YAN sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO ng Datu Unsay na isinumete sa Provincial Disaster Office....

Hundreds displaced as 2 MILF groups clash in Maguindanao del Sur

COTABATO CITY - Some 200 villagers have fled to neutral grounds as two rival groups in the Moro Islamic Liberation Front clashed and reportedly...

Dinna Harbi, NDU nursing student, is Mutya ng Kutawato 2024

Itinanghal na Mutya ng Kutawato 2024 si Dinna Harbi. Ito beauty and brain contest ay pinakatampok sa 65th Araw ng Kutawato celebration 2024....

Marcos accepts Sara's resignation as DepEd secretary

MANILA – Vice President Sara Duterte stepped down as education secretary and vice chairperson of the government’s anti-communist task force,...