Friday Jun, 21 2024 01:54:23 PM

NDBC BIDA BALITA (May 13, 2024)

NDBC BALITA • 11:15 AM Mon May 13, 2024
1
By: 
NDBC NCA

HEADLINES

1   SOCCSKSARGEN athletic meet 2024, simula na ngayong araw sa Gen Santos City; games schedule binago upang iwas heat stroke

2   SPORTSMANSHIP sa BARMM regional athletic meet 2024, dapat mangibabaw, ayon kay Education Minster Mohagher Iqbal

3   SUSPEK sa pagpaslang at rape sa Grade 4 student sa Tupi, South Cotabato, patay matapos manlaban sa otoridad

4   NATIONAL Highway at suplay ng tubig apektado dahil sa malaking landslide sa Banisilan, North Cotabato

5   PERSONAL GRUDGE, tinitingnang anggulo sa pagpatay sa PDEA agent sa Tulunan

6   HALOS P800 libong halaga ng shabu, nakumpiska sa magkahiwalay na anti-drug operation sa Wao at sa Jolo

SA ATING PAMBUNGAD NA BALITA…

JAIL OFFICER AT SUNDALO na parehong mga nanay, nagkwento paano nila ginampanan ang tungkulin bilang law enforcer at nanay kasabay ng Mother’s Day celebration kahapon.

Kasabay ng pagdiriwang ng Mother's Day, ibinahagi ng isang jail officer at sundalong ina ang kanilang mga sakripisyo at mga pinagdaranaan.

HINDI hadlang ang hirap ng trabaho upang hindi magampanan nina JO1 Lovella Jean Bomediano at A1C Rhea Joy Gonzales ang pagiging isang ina.

Anila, kahit mga first time moms sila, ginagawa nila ang lahat upang hindi magkulang sa kanilang mga anak.

Si JO1 Bomediano na taga Butuan City, CARAGA region na may isang anak ay nadestino sa BARMM.

Aniya, bilang isang single mom, inspirasyon niya ang kaniyang anak na 10 taong gulang.

Ngunit kabilang aniya sa pagsubok na dapat kaharapin ay ang mga pagbabago tulad ng biglaang deployment sa ibang lugar.

Sinabi naman ni A1C Gonzales na kailangan lamang i-maximize ang oras na ibinibigay niya sa kaniyang asawa't anak upang maipadama ang kalinga at pangangalaga ng isang ina.

Bilang isang sundalo na may asawang pulis, kailangan aniya ng tibay ng loob at dedikasyon upang hindi mawalan ng pag-asa.

Nagpapasalamat din ito sa kaniyang mga magulang na nasa Batangas City dahil hindi nito pinababayaan ang kaniyang anak.

Paalala ng dalawa sa mga nagbabalak maging ina, kailangang pag-isipan ng mabuti.

Mahalaga anila na maging ready financially at mentally upang maibigay sa anak ang kanilang pangangailangan at magabayan ang kanilang kinabukasan.

-0-

KASABAY ng Mother’s Day ay nadikubre ang isang inabandonang sanggol sa Kidapawan

Kasabay ng araw ng mga ina, sa pang sanggol natagpuang inabandona sa Kidapawan, kasunod ito ng insidente sa Makilala

"Bakit manganak pa, kung iiwan lang naman"

Ito ang pahayag ng karamihan sa social media matapos maiulat ang pagkakatuklas sa inabandonang healthy baby girl sa Talisay Street, Poblacion, Kidapawan City.

Pinaniniwalaang iniwan ito ng nanay kahapon lang, na araw pa naman ng mga nanay o mother's day.

Nanawagan sa ngayon ang City Social Welfare and Development Office sa magulang o kamaganak nito na makipagugnayan sa opisina nila.

Samantala, hindi pa katagalan nang matuklasan din ang isang batang iniwan sa Brgy. Poblacion, Makilala, Cotabato.

Ipinapanawagan din hanggang sa ngayon ng MSWDO ang mga magulang at kaanak nito na makipagugnayan sa kanila.

Sa ngayon ay parehong ligtas ang mga sanggol na nasa pangangalaga ng CSWDO at MSWDO.

-0-

Kaso ng pagpatay sa Grade 4 student sa Tupi, South Cotabato tinututukan ng DepEd

Mariing kinondena ng DepEd South Cotabato ang umano’y panggagahasa at pagpaslang sa 10 taong gulang na batang babae sa Brgy. Kablon, Tupi, South Cotabato.

Sa inilabas na statement ni Deped South Cotabato Schools Division Superintendent Leonardo Balala, sinabi nitong ikinalulungkot nila ang pagpatay sa Grade 4 student ng Balisong Elementary School sa nasabing bayan.

Umaapela rin si Balala sa komunidad na makipagtulungan sa mga otoridad para sa nagpapatuloy na imbestigasyon upang makamit ng biktima ang hustisya.

Dagdag ni Balala na tututukan nila ang development ng kaso upang makagawa ng mga karampatang hakbang.

Nakipag-ugnayan na rin sila sa ibang mga stakeholders upang maiwasang mangyari ang kahalintulad na krimen.

Sa huli ay nagpaabot ang opisyal ng pakikidalamhati sa naulilang pamilya ng biktima.

-0-

Suspek sa pagpaslang at umano’y panghahalay sa Grade 4 student sa Tupi, South Cotabato patay matapos manlaban sa otoridad

Dead on arrival sa ospital matapos umanong manlaban ang suspek sa pagpatay sa sampung taong gulang na batang babae na natagpuang walang saplot pang-ibaba sa Sitio Lemblisong, Brgy. Kablon, Tupi, South Cotabato.

Kinilala ang suspek na si alyas “Ronald”, 44 anyos, may asawa, residente ng naturang lugar at mismong kapitbahay ng biktima.

Sa panayam ng Radyo BIDA, inihayag ni Tupi PNP deputy chief of Police Lieutenant Richard Ho, na hinablot umano ng suspek ang issued firearm ng Desk Officer habang isinasailalim ito sa booking procedure kaya nabaril ng rumespondeng kasamahan nito at tinamaan sa ulo.

Ayon kay PLt. Ho, napag-alaman na bagong laya ang suspek sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga noong nakaraang taon.

Matatandaang si alyas “Ronald” ang itinuturong suspek sa pagpatay at umano’y panghahalay sa grade 4 student na unang naireport na missing matapos hindi na nakauwi ng bahay mula sa paaralan alas 3 ng hapon at natagpuan na lamang na walang buhay pasado alas 7 ng gabi ng May 10.

Nagtamo ito ng malalang head injuries na pinaniniwalaang inginudngod ang mukha sa isang matigas na bagay.

Voiceclip… Si Tupi PNP deputy chief of Police Lieutenant Richard Ho.

-0-

PORMAL nang nagsimula kahapon ang BARMM Regional Athletic Association Meet 2024 sa Cotabato City matapos ang opening program noong sabado ng hapon.

Tinatayang nasa 4,000 student athletes ang kalahok sa torneo na ginaganap sa ibat ibang lugar sa lungsod at kalapit bayan.

Ito ang ikalawang pagkakataon na maging host ng palaro ang Cotabato City makaraang gawing face to face ang competition kasunod ng pagtatapos ng Covid-19 pandemic.

Kasama sa competition ang elementary at high school students na maglalaban sa 23 spots events.

Ito ay sa archery, arnis, athletics, badminton, baseball, boxing, chess, basketball, billiards, football, futsal, para-games, pencak silat, sepak takraw, softball, swimming, table Tennis, Taekwondo, tennis, volleyball, wrestling, and Wushu.

Sa kanyang pagsasalita, hinamon ni BARMM Education Minister Mohaqher Iqbal ang lahat ng mga manlalaro at mga coah na pahalagahan ng sportsmanship sa lahat ng laro.

-0-

SRAA Meet 2024 sa General Santos City, pormal nang magbubukas ngayong araw

Magsisimula na ngayong araw ang Soccsksargen Regional Athletic Association o SRAA Meet 2024 sa General Santos City.

Magtatagal ito ng limang araw mula May 13 hanggang May 17, 2024.

Sa panayam ng DXOM Radyo BIDA kay DepEd 12 Education Program Supervisor Magdaleno Duhilag, sinabi nito na walong schools division offices mula sa apat na lungsod at apat na lalawigan sa rehiyon ang magpapakitang-gilas sa iba’t ibang laro.

Ayon kay Duhilag, mahigit 5,800 na mga atleta, trainers, coaches at delegation officials ang lalahok sa SRAA Meet.

Tiniyak din ni Duhilag na nakahanda ang DepEd sa mainit na panahon kaya may ipapatupad na time adjustments sa mga outdoor games.

Magsisimula aniya ang mga laro alas 6 ng umaga hanggang alas 9 ng umaga; habang ipapatuloy ito alas 3 ng hapon hanggang alas 8 ng gabi.

Kaya nakiusap sila sa LGU ng dagdag na mga ilaw para sa lahat ng mga outdoor playing venues.

Siniguro rin ng DepEd official sa mga magulang na prayoridad nila ang kaligtasan ng mga kabataan na makauwing ligtas.

Mamayang hapon isasagawa ang opening parade na susundan ng opisyal na pagbubukas ng SRAA meet 2024.

-0-

HULI ANG ISANG high value target sa ikinasang anti-drug operation ng PDEA-BARMM sa Barnagay East Kili-Kili, Wao Lanao del Sur na nakuhanan ng P408 libong halaga ng shabu.

Sinabi ni BARMM Police Regional Director Brig. Gen. Prexy Tanggawohn na nakuha sa suspect ang 50 gramo ng shabu at marked money.

Sa Bongao, Tawi-Tawi, huli din ang isang dating may kasong pagtutulak ng shabu, nakulong pero bumalik sa dating gawi.

Kinilala ni PDEA BARMM Director Gil Cesario Castro ang nadakip na si Sibal Sampang na nakuhanan ng P340 libong pisong halaga ng shabu.

Kusang sumuko sa PDEA si Sampang nang mapansin na napaligiran siya ng mga tauhan ng pulisya sa Barangay Poblacion, Bongao.

-0-

DAHIL SA MALAKAS na buhos ng ulan kagabi sa Cotabato City, binaha ang ilang low laying areas habang umapaw ang tubig sa kanal.

Kabilang sa mga binaha nang bumuhos ang ulan alas 5:30 ng hapon ang harap at paligid ng Cotabato City Hall o Peoples Palace.

Binaha din ang iba pang low lying areas ng lungsod.

Humupa din ang baha makalipas na tumigil ang ulan.

-0-

Lalaking kukuha lang sana ng police clearance sa Midsayap police station, inaresto matapos mabistong wanted pala sa kasong rape.

KINILALA ni Midsayap town chief Police Lieutenant Colonel Realan Mamon ang suspek na si alyas “Warren”, 26-anyos, may asawa at taga ng Barangay Patindeguen, Midsayap.

Kukuha sana ng police clearance si Warrren pero lumabas ang kanyang pangalan sa e-warrant system ng PNP na siya pala ay may outstanding warrant of arrest.

Nabatid na wanted ang suspek ay nahaharap sa kasong rape batay sa warrant na ipinalabas ng National Capital Region o NCR Judicial Region, Regional Trial Court Branch 70, Taguig City na may petsang January 31, 2023.

-0-

Cardiac arrest, dahilan umano ng pagkasawi ng babaeng natagpuang walang buhay sa lodging house sa Koronadal, ayon sa PNP

Walang nakikitang foul play ang Koronadal PNP sa pagkamatay ng isang 46 anyos na babae sa loob ng isang lodging house sa lungsod.

Ito ang kinumpirma ni Koronadal PNP chief of police Lieutenant Colonel Hoover Antonio sa panayam ng Radyo BIDA.

Ayon kay PLt. Col. Antonio, lumalabas sa autopsy report na posibleng inatake sa puso ang biktimang si alyas Marie na residente ng Banga, South Cotabato, matapos mag-check in sa naturang lodging house kasama ang isa pang lalaki.

Dagdag ng opisyal, kilala din umano ng pamilya ng biktima ang lalaki at hinihintay pa nila ang hakbang ng mga ito kung magsasampa ng kaso.

Matatandaang idineklarang dead on arrival si alyas Marie makaraang isinugod sa ospital noong May 7 matapos hindi na nagising sa loob ng kwarto sa lodging house.

-0-

Problema sa tuko na madalas sanhi ng power interruption sa service area ng COTELCO, binigyang solusyon

AMINADO si Cotelco General Manager na malaki ang problema nila sa mga tuko dahil maliban sa sanga ng mga punonng kahoy ay ito ang nagiging dahilan ng power interruptions sa mga power lines nila.

Nakakatawa man aniyang isipin sa karamihan pero malaking perwisyo ang naidudulot nito hindi lang sa Cotelco kundi lalong lalo na s amga member-consumers.

Ang lahat kasing sumasabit kasi sa linya ng kuryente ng Cotelco ay awtomatikong nagdudulot ng pagkawala ng kuryente.

Sa pagharap nito sa question hour sa Regular Session ng Sangguniang Panlungsod ng Kidapawan ay isa ito nabigyang pansin.

Isa sa mga paghahanap ng solusyon na maiwasan itong muling mangyari ay ang mungkahing ipresrba din ang buhay ng mga para sa balanseng ecosystem.

Kaya naman, ang remedyo ng Cotelco ay ang paglalagay ng PVC pipe sa bracket ng top pole insulators na madalas inaakyat ng mga tuko na sanhi ng power outage.

Ginawa ito sa iilang bahagi palang ng service area ng bahagi ng Singao road, Magsaysay at Poblacion area na aasahang lalawak pa sa ilang mga lugar sa lalawigan.

-0-

National Highway at suplay ng tubig apektado dahil sa malaking landslide sa Banisilan, North Cotabato

PAHIRAPAN sa ngayon hindi lang sa mga motoristang dumaraan sa National Highway ng Poblacion 2, Banisilan, Cotabato dahil sa malakingg landslide na naitalaa kamakailan.

Apektado rin ang mga water concessionaires ng Poblacion 1 at Poblacion 2 ng nasabing bayan matapos masira ang isa sa dalawang tubo ng kanilang water system.

Ayon kay MDRRM Officer Nestor Bernio, sa mga water wells o balon ang alternatibong source ng mga mamamayan na hindi nasiserbisyohan sa ngayon ng tubig.

Nabatid na apektado ang isa sa apat na lane ng kalsada matapos bumagsak ang bahagi ng pangpang bunsod ng malakas na ulan sa magkasunod na mga araw sa bayan nakaraang Linggo.

Marami naman ang nanghinayang dahil nagiging popular na sana ang nasabing kalsada dahil sa magdang sunset view sa lugar.

-0-

Dahil sa nararanasang flactuation sa suplay ng kuryente at faulty wiring, sunog naitala sa public Market ng Pikit, North Cotabato

DAHIL sa panay na fluctuation o patay sinding  suplay ng kuryente sa Pikit, Cotabato kamakailan rason para masunog ang bahagi ng ukay-ukayan sa Pikit Public Market,  Dandan Street. Poblacion, Pikit nakaraang araw.

Ayon kay BFP Pikit Investigator, SFO1  Juhilhamil SAPAL dahil dito nagkaroon ng electrical wiring issue na naging sanhi ng sunog.

Nagsimula ang sunog partikular sa comfort room o palikuran ng nasabing lugar.

Nabatid na may mga highly combustible material malapit sa comfort room.

Agad namang nakapagtawag ng bombero kaya agad ito naapula.

Wala namang nasaktan  sa insidente.

-0-

Job Order employee ng PDEA-12, nasawi za pamamaril sa Tulunan, Cotabato

NAGPAPATULOY sa ngayon ang imbestigasyon ng PNP at PDEA sa pagpatay sa kanilang empleyado.

Kinilala ang biktimang si Peter P. Estelloso, 39 na taobg gulang  na taga Purok 1, Brgy. Poblacion, Tulunan, Cotabato.

Nabatid na habang nasa harap ng kanyang bahay ang biktima nang bigla itong pinagbabaril bandang alas 3:00 ng madaling araw noong May 11.

Nagtamo ito ng tama ng bala sa kanyang ulo na ikinasawi nito.

Paglilinaw naman ng PDEA-12, na isang job order employee ng Philippine Drug Enforcement Agency 12 ang biktima at hindi agent.

Taliwas sa mga lumabas sa social media.

Dagdga pa ng PDEA-12 regional office na ang biktima ay isang office staff, at hindi isang agent na sumasama sa mga anti drug operations.

Hindi pa sa ngayon malaman kung may kinalaman sa trabaho o personal grudge ang motibo sa pagpatay dahil wala pang basihan ang pulisya.

-0-

MNLF political party na Bangsamoro Party, handing makipagalyansa sa United Bangsamoro Justice Party ng MILF.

YAN ANG sinabi ni Bangsamoro Party o BAPA President at MNLF Chair Muslimin Sema sa kanilang ginawang general assembly noong Sabado sa Cotabato City.

Aniya, handa ang BAPA na makipagtulungan sa iba pang political party sa rehiyon bilang paghahanda na rin sa nalalapit na 2025 parliamentary at midterm elections.

Ang general assembly ay dinaluhan ng higit 20k katao na nagmula pa sa BASULTA o Basilan, Sulu at Tawi-Tawi, SGA-BARMM, Zamboanga, Bukidnon, Lanao del Sur, Cotabato City at Maguindanao provinces.

Present sa assembly sina MP Romeo Sema, MP Adzfar Usman, MP Hatimil Hassan, Deputy Speaker Atty. Omar Yasser Sema, MTIT Minister Abuamri Taddik, Former Congressman Bai Sandra Sema at iba pa.

Samantala, sa naging inspirational message ni MP Omar Yasser Sema, sinabi nito na bukod sa struggle na pinagdaanan ng MILF, isa rin ang MNLF sa nagbuwis buhay upang makamit ang kapayapaan sa rehiyon.

Bagamat may nagsasabi na humihina na ang MNLF, iginiit ni Sema na malakas pa rin sila at handa silang lumaban ng patas para sa kapakanan ng mga mamamayan ng BARMM.

-0-

MGA PAGPATAY sa lungsod na ang mga labi ay itinapon sa Rio Grande de Mindanao, hindi magkaugnay.

ITO ang sinabi sa DXMS Radyo Bida ni Cotabato City PNP Maritime Chief Major Fritze James Madrid.

Matatandaang nitong weekend, abot sa tatlong mga bangkay ang narekober sa Rio Grande de Mindanao sa Cotabato City at Maguindanao del Norte.

Sinabi ni Madrid na mula Enero, nasa apat na bangkay na ang kanilang narekober sa AOR na sakop lang ng Cotabato City Maritime Police.

Aminado ito na lahat ng mga kasong ito ay nananatiling unresolved dahil walang kaanak ang interesadong magsampa ng reklamo o kaso..

Pero batay sa kanilang inisyal na imbestigasyon, magkaiba ang posibleng dahilan kung saan karamihan ay biktima ng summary execution.

Posibleng third party at posibleng may kinalaman din sa iligal na droga.

Nananawagan din ito sa publiko na magbigay ng impormasyon kung may alam sila sa mga kasong ng mga itinapong bangkay.

Cops seize smuggled cigarettes in Jolo and Tawi-Tawi

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte - About 1500 reams of smuggled cigarettes were recovered by troops from Jolo MPS together with augmented...

350 pamilya, apektado ng bakbakan ng 2 MILF groups sa MagSur

BATAY YAN sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO ng Datu Unsay na isinumete sa Provincial Disaster Office....

Hundreds displaced as 2 MILF groups clash in Maguindanao del Sur

COTABATO CITY - Some 200 villagers have fled to neutral grounds as two rival groups in the Moro Islamic Liberation Front clashed and reportedly...

Dinna Harbi, NDU nursing student, is Mutya ng Kutawato 2024

Itinanghal na Mutya ng Kutawato 2024 si Dinna Harbi. Ito beauty and brain contest ay pinakatampok sa 65th Araw ng Kutawato celebration 2024....

Marcos accepts Sara's resignation as DepEd secretary

MANILA – Vice President Sara Duterte stepped down as education secretary and vice chairperson of the government’s anti-communist task force,...