Saturday Jun, 29 2024 10:04:39 AM

NDBC BIDA BALITA JUNE 24, 2024

NDBC BALITA • 10:00 AM Mon Jun 24, 2024
184
By: 
NDBC NCA

HEADLINES

1   BARANGAY KAPITAN sa Lanao del Sur na sangkot sa gun smuggling, napatay nang manlaban sa otoridad

2   11 Dawla Islamiya o local terrorist group, sumuko sa Army sa Maguidanao Sur

3   DALAWANG binata, patay sa pamamaril sa Pikit, North Cotabato

4   Kidapawan city health, nilinaw ang isyu na ang sakit na HIV ay makukuha sa nabibiling isda sa palengke

5   Tricycle driver na drug suspect, patay sa anti-illegal drug operation ng PDEA 12 at PNP sa Koronadal

6   Tatlong cigarette smuggler, huli sa operation ng PNP sa Koronadal

7   ADMIN officer ng malaking hotel sa Cotabato City, sugatan sa pamamaril

8   KARAMIHAN ng mga botante sa BARMM, hindi alam ang proseso ng halalan sa 2025 parliamentary elections, ayon sa isang NGO survey

-0-

KARAMIHAN SA MGA likely voters sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM ay walang sapat na kaalaman sa sestema ng kauna-unahang parliamentary elections sa susunod na taon.

Ayon ito sa survey na isinagawa ng Institute for Autonomy and Governance o IAG.

Labing isang buwan bago ang halalan sa rehiyon, napakahalaga ng resulta ng survey at ipinakita na kailangan talaga ang massive voter education, ayon sa IAG.

SA darating na eleksyon, pipili ang mga botante ng 80 members of parliament kung saan 32 dito ay parliamentary district representatives, 40 ang party representatives at walong sectoral representatives.

Ginawa ang survey mula April 29 hanggang May 14 ngayong taon sa lahat ng lalawigan at lungsod sa BARMM at Special Geographic Area.

Nasa 85 percent ng mga respondents ang wala o may kaunting kaalaman lang na ang BARMM chief minister ay pipiliin ng mga mahahalal na members of parliament at hindi na direkting iboboto ng mga registered voters.

Noong 2022 general elections, ang BARMM ay may 2.7 million registered voters at 2.1 million sa mga ito ang bumuto.

-0-

SUGATAN ang isang lalaki makaraang pagbabarilin sa loob ng Em Manor Compound, Barangay Rosary Heights 9, Cotabato City.

Kinilala ni Deputy Station 2 Commander PLT Jonathan Marciano ang biktima na si Jefferson Chua, 31-taong gulang, supervisor ng food and beverages ng Em Manor hotel at na taga Malagapas, Barangay Rosary Heights 10 ng lungsod.

Sa ulat ng PNP, nagpapakarga ng gasolina ng kanyang motor si Chua nang lapitan ng dalawang lalaki na sakay ng motor at siyay pinaputukan.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala sa tiyan ang nasabing biktma na ngayo’y nagpapagaling na sa pagamutan.

Mabilis ang pangyayari dahil agad ring nakatakas ang dalawang suspek matapos nilang maisagawa ang krimen.

Hindi pa batid ng PNP ang motibo at kung sino ang may gawa nito.

-0-

INAASAHANG IHAHAYAG na ni BARMM chief Minister Ahod Balawag Ebrahim sa susunod na mga araw, o bago magtapos ang buwang ito, ang mga napili niyang OIC mayor at OIC vice mayors ng walong bagong bayan sa Special Geographic Area.

Sinabi ni BARMM spokesperson at Cabinet Sec. Mohd Asnin Pendatun na nasa tanggapan na ni Chief Minister ang mga aplikante na kanilang na review at pumasa sa screening process.

Pero, nasa kay chief minister ang final decision at iyon ang hinihintay ng marami.

Ayon kay Pendatun, nasa 40 ang aplikante para maging OIC mayor at 39 naman ang gustong maging OIC vice mayor.

Ang gustong maging kasapi ng Sangguniang Bayan ay abot sa 288 applicants.

-0-

11 miembro ng Local Terrorist Group, sumuko sa Militar sa Datu Piang, Maguindanao del Sur

SILANG LAHAT ay mga miembro ng Daulah Islamiyah-Turaifie Group na sumuko sa 6th Infantry Battalion sa Barangay Buayan, Datu Piang, Maguindanao Del Sur.

Bitbit ng mga ito sa kanilang pagsuko ang matataas na kalibre ng baril tulad ng Bushmaster rifle, tatlong 40mm M79 grenade launcher, isang Cal. 30 Sniper rifle, isang 60mm Mortar, isang 7.62mm Sniper rifle, dalawang 9mm Uzi, at mga short firearms.

Ikinagalak naman ni 6th Infantry Division Commander Major General Alex Rillera ang desisyon ng mga terorista na magbalik loob sa gobyerno.

Aniya, sila ay kabilang na sa napakaraming dating miembro ng local terrorist group na naghahangad ng kapayapaan at kaunlaran sa kanilang lugar.

Hinimok din nito ang iba pang natitirang kasapi ng mga teroristang grupo na mamuhay ng ligtas at matiwasay kasama ang kanilang mga pamilya.

Samantala, ang mga sumuko ay makakabenepisyo sa AGILA-HAVEN Program ng Maguindanao del Sur Provincial Government kung saan mabibigyan sila ng pagkakataon na mabigyan ng trabaho at makapagsimulang muli.

Sila rin ay magiging bahagi ng Tulong ng Gobyernong Nagmamalasakit o TUGON Program ng Bangsamoro Government.

-0-

NAUWI sa palitan ng putok ang buy bust operation ng CIDG BARMM malapit sa isang gas station sa Barangay Upper Itil, Balabagan, Lanao del Sur, pasado 1:00 ng hapon nitong Sabado.

Ayon kay CIDG BARMM Regional Director Lt.Col. Ariel Huesca, dahil sa shootout ay nasugatan ang isa sa mga suspek na si Billy Jack Taroroc Ogca, Barangay Chairperson ng Poblacion, Balabagan, Lanao del Sur. Agad itong dinala sa ospital pero idineklarang dead on arrival.

Nakatakas naman ang mga kasamahan nitong sakay ng puting Toyota pick-up.

Kabilang na rito ang tatlong nakasuot ng military uniform at isang nakasuot ng pang-sibilyan. Nakatakas din ang driver ng isang motorsiklo at angkas nitong babae na nagsilbing middleman sa nasabing transaksyon.

Tumakas ang mga nabanggit nang maganap ang shootout at isang naka fatigue uniform ang pumasok sa Army detachment.  Nang sundan ng mga CIDG operatives, sinabi ng soldiers on duty na wala silang napansing may nagtago sa kanilang detachment.

Narekober naman sa crime scene ang puting Toyota pick-up, tatlong M-16 rifles, caliber 7.62, isang caliber 45 pistol, daan-daang mga bala at mga magazines.

Nakuha naman kay Chairman Ogca ang isang caliber 45, magazine at mga bala.

Samantala, habang pinoproseso naman ng Soco ang crime scene ay pinaputukan ang mga ito ng mga armadong kalalakihan sa di kalayuan. Wala naman nasugatan sa mga Soco operatives.

-0-

MGA empleyado ng BARMM Government na maaapektuhan ng anumang kalamidad, pwede nang maghain ng special emergency leave

ITO ay kung magiging batas ang panukalang iniharap ni Member of Parliament Dr. Hashemi Dilangalen.

BUKOD sa regular vacation at sick leave, pwede na ring maghain ng special emergency leave ang mga kawani ng Bangsamroo Government lalo na ang mga maapektohan ng anumang kalamidad.

Laman ito ng Parliament bill 306 o ang Bangsamoro Special Emergency Leave Act of 2024 na akda MP Dilangalen.

Partikular na makakabenepisyo nito ang mga empleyadong mahigit isang taon nang nagsilbi, nasiraan ng bahay at nag-evacuate lalo na ngayong nararanasan na ang pag-ulan at pagbaha sa ilang bahagi ng rehiyon.

Nakasaad din sa panukala na walang ikakaltas sa sahod at benepisyong matatanggap ng isang empleyado kung kwalipikado sa nasabing emergency leave.

Batid ng mga mambabatas na bukod sa mga IDPs, kailangan din sigurudhin ang kapakanan at agarang tulong sa mga empleyadong apektado ng anumang kalamidad.

Ang Ministry of Labor and Employemnt ang siyang naatasan sa ilalim ng panukala na magsagawa ng validition at verification sa mga qualified employee para sa nasabing leave benefits.

-0-

LGU Kidapawan at PNP nanawagan na huwag tangkilikin ang kaduda-dudang online seller ng mga motorparts, dahil posibleng mula ito sa mga nakaw na motorsiklo

HINDI na lingid sa kaalaman ng nakakarami na china-chop-chop saka binebenta online ang mga motor parts ng mga nakaw na motorsiklo sa Kidapawan at ibang mga bayan.

Ito ang siste ng suspek noon na nahuli sa Kidapawan na isang ring drug suspect na nakuha sa bahay nito ang mga chop-chop na mga motorsiklo na binebenta online sa murang halaga.

Ayon kay Mayor Jose paolo Evangelista, huwag tangkilikin ang ganitong mga produkto online kung bagsak presyo at kahinahinala upang hindi rin sila maingganyong magnakaw.

Isa aniya itong joint effort ng mamamayan at awtoridad.

Samantala, nanawagan naman ang PNP na sa kanilang himpilan ireport ang mga nakaw na motorsiklo at hindi lang sa anumang facebook page at online platform.

Kung makakatulong man aniya ang pag post sa social media ay mas makakabuti kung ireport din ito sa tanggapan nila.

-0-

Mga alternatibong paraan para labanan ang Dengue, isinasagawa ng ilang residente sa Makilala

MALIBAN sa 'Oplan Kulob' at paglilinis sa mga kabahayan at paligid na interbensyon ng mga taga Golden Gate sa Barangay Saguing, Makilala para labanan ang Dengue Fever.

Namimigay din ang opisyal ng purok nila ng libreng bukong ng niyog para magamit nila sa sabayang pag-papausok tuwing pagsapit hapon sa kampanya nila sa 4'oclock habit.

Nakipag-ugnayan na rin sila sa Barangay para mag request ng regular na fogging sa lugar pero wala aniyang equipment ang Barangay kaya nagrequest na sila sa Rural Health Unit para bigyan ito ng interbensyon at tugunan ang kanilang hiling.

Lalong lalo na ang pagpapausok sa 50 mga abandonadong bahay na nasira noong 2019 na lindol na madalas pinagmumulan ng mga lamok sa ngayon dahil sa mga naiwang gamit at basura.

Gumawa na rin sila ng Group Chat para panawagan sa mga residente ang pagtutulungan na masawata ang sakit na Dengue.

Matatandaang nagdeklarea ng state of emergency ang Barangay kasunod ng naitalang sunod-sunod na 15 kaso ng Dengue Fever sa Barangay.

-0-

Dalawang NPA officials at isa nilang myembro sumuko sa PNP sa Bagumbayan, Sultan Kudarat

Nagbunga ang patuloy na kampanya kontra insurhensya ng Regional Mobile Force Batallion o RMFB 12 nang mapasuko ng matiwasay ang dalawang opisyal at isang myembro ng New Peoples Army sa Barangay Kabulanan, Bagumbayan, Sultan Kudarat.

Kinilala ni RMFB 12 Commander Lt. Col. Roy Romualdo ang mga sumuko na sina alyas Jelay, Medic/Political Instructor/Finance Committee ng Southern Regional Command, MUSA ng far South Mindanao Region ng NPA at alyas Jeb-jeb, na Commander naman ng Platoon Samsung ng nasabing grupo.

Kasama  na sumuko ang myembro nilang si alyas Joey.

Sila ayon pa kay Romualdo ay pawang mga taga Magsaysay, Davao  Del Sur.

Ayon pa kay Romualdo dala din ng mga surrenderee sa pagsuko ang dalawang mga M14 rifle, Improvise Explosive Device,  granada, mga bala at subersibong mga dokumento.

Ang dating mga rebelde ay itinurn over ng RMFB 12 sa 1202nd Manuever Company. Ito ay habang inihahanda pa ang paglakip sa kanila sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-clip ng pamahalaan.

-0-

Tatlong umanong cigarette smuggler inaresto ng PNP sa Koronadal

Kakasuhan ng PNP ng paglabag sa Customs Modernization and Tarrif Act ang tatlong mga umanoy smuggler ng sigarilyo na naharang nila sa Koronadal.

Kinilala ni Koronadal Chief of Police Lt. Col. Hoover Antonio ang mga suspek na sina Warren Manampad, 26 anyos; Noruhsain Abdul, 29 anyos pawang mga taga General Santos City at Mary Ann Delos Reyes, 36 anyos na taga Polomolok, South Cotabato.

Ayon pa kay Antonio agad na ikinasa ng mga pulis ang operasyon laban sa mga suspek matapos makatanggap ng tip nang tangkang pagpuslit ng smuggled cigarettes sakay ng gray na kotse.

Naharang naman ng mga pulis ang mga suspek sa General Santos Drive.

Nakumpiska ng PNP sa mga suspected smuggler ang 225 reams ng New Berlin cigarettes.

Inaalam pa ng PNP ang halaga ng mga ito at kung papaano napuslit sa  lungsod posible mula sa Indonesia.

Inaresto ang tatlong mga suspek sa Koronadal kasunod ng  pagkaaresto rin sa negosyante na may higit P1 million sumuggled  cigarette sa bayan ng Sto. Niño at Laborer sa Banga na nakumpiskahan ng may P250,000 na smuggled din na sigarilyo noong nakaraang lingo.

-0-

Paniningil kapalit  ng binhi mula sa gobyerno hindi maaring gawin ng mga farmer  cooperative, ayon sa city agriculture office ng Koronadal

Pinatigil na ng city agriculture office ang isang farmer cooperative sa Koronadal na naniningil umano ng P1,000 sa mga magsasaka na kukuha ng binhi na bigay ng gobyerno.

Ipinahayag ito ni City Agriculture Office Supervising Administrative Officer Reynold Biñas.

Binigyan diin ni Biñas na libre ang mga binhi.

Gayunpaman ayon kay Biñas pinapayagan ang pangongolekta ng mga dues at fees na napagkasunduan ng bawat farmer cooperative.

Ito ayon pa kay Biñas ay mariin din nilang minomonitor para matiyak na hindi lalabag sa batas.

Sinabi ni Binas na para hindi na maulit pa ang insidente, sumulat na sila sa DA.

Ito ay upang hilingin na sa halip na sa mga farmer cooperative ang pbibigay ng mga binhi ay pamamahalaan na lang ng city agriculture office.

-0-

Mutya ng South Cotabato 2024  pina-level-up kasabay ng silver Tnalak Festival

Handa na hindi lang para rumampa kungdi pati na sa question and answer ang mga kandidata sa Mutya ng South Cotabato Cotabato 2024.

Tiniyak ito ni Mutya Committee Chair at South Cotabato provincial Treasurer Alvin Batol.

Sinabi ni Batol na dahil natoon sa silver Tnalak Festival at 58th Foounding Anniversary ng lalawigan,aasahan ng publiko ang mas magarbong pageant night ngayon.

Sa katunayan ayon kay Batol mula sa nakasayan nang 15 kandidata, 18 mga nagagandahang dilag mula sa mga LGU at mga sektor na kinakatawan ang rarampa ngayong taon.

Sinabi ni Batol  na umuo na rin para mag-host sa pageant sina Miss World 2013 Maegan Young at Mister nitong aktor at model na si Mikael Daez.

Kumpirmado na rin na kabilang sa magiging hurado sinMiss Philippines Earth 2024 Irha Mel Alfeche na taga Matanao, Davao del Sur.

Makaksama nito Miss World Philippines 2023 Gwendolyne Furniol at  ang sikat na cebu-based fashion designer na si Cary Santiago

Ganapin ang pageant sa South Cotabato Gym sa July na online ding mapapanood.

-0-

Grupo ng mga magsasaka pinaalahanan ng DA 12 na magpa-register din sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture para maging lehitimo

Magparegister sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture o RSBSA  bilang patunay na legit o totoo ang kanilang grupo oras na humingi ng tulong sa DA.

Ito ang paalala sa mga grupo ng magsasaka ni DA 12 Regional Technical Director for Operations Dr. John Pascual.

Dagdag pa ni Pascual ang mga farmer group na rehistrado sa  RSBSA ay mabibigyan din ng CSO accreditation bilang patunay na lehitimo  ang kanilang grupo.

Ayon pa kay Pascual maliban sa mga requirement na isusumite kailangan din ng mga farmer cooperative na magpapatala sa RSBSA na sumailalim sa field evauation at validation.

Binigyan diin din ito na ang registration ay makatutulong sa ahensya sa paghahanda ng mga kinakailangang agricultural assistance para tumaas ang produksyon ng mga magsasaka.

Sa ngayon ayon pa kay Pascual ang region 12 ay mayroon nang 83 aktibong accredited na civil society organization o CSOs.

-0-

Mga alternatibong paraan para labanan ang Dengue, isinasagawa ng ilang residente sa Makilala

MALIBAN sa 'Oplan Kulob' at paglilinis sa mga kabahayan at paligid na interbensyon ng mga taga Golden Gate sa Barangay Saguing, Makilala para labanan ang Dengue Fever.

Namimigay din ang opisyal ng purok nila ng libreng bukong ng niyog para magamit nila sa sabayang pag-papausok tuwing pagsapit hapon sa kampanya nila sa 4'oclock habit.

Nakipag-ugnayan na rin sila sa Barangay para mag request ng regular na fogging sa lugar pero wala aniyang equipment ang Barangay kaya nagrequest na sila sa Rural Health Unit para bigyan ito ng interbensyon at tugunan ang kanilang hiling.

Lalong lalo na ang pagpapausok sa 50 mga abandonadong bahay na nasira noong 2019 na lindol na madalas pinagmumulan ng mga lamok sa ngayon dahil sa mga naiwang gamit at basura.

Gumawa na rin sila ng Group Chat para panawagan sa mga residente ang pagtutulungan na masawata ang sakit na Dengue.

Matatandaang nagdeklarea ng state of emergency ang Barangay kasunod ng naitalang sunod-sunod na 15 kaso ng Dengue Fever sa Barangay.

-0-

Kidapawan City Health nanawagan sa mamamayan na sabayan ng clean up drive ang isinasagawa nilang fogging operation

HINDI mapupuksa ang lamok kung fogging o fumigation lang ang gagawin sa mga komunidad.

Ito ipinaalala ni Dengue Coordinator, Jasna Isla Sucol sa mamamyan, na hinikayat ang mamamayan na sabayan ng paglilinis o clean up drive ang kanilang aktibidad upang tuluyang mapuksa o mapigilan man lang ang pagdami ng lamok.

Malimit aniyang napapatay sa mga fogging ang mga malalaki ng lamok at hindi ang mga kiti-kiti na mabilis ding nagiging lamok.

Pinaka importante aniya ang oplan kulob sa mga naka pondo o naka imbak kung saan naninirahan ang sanhi ng nsabing sakit.

Sa tuwing nagsasawa sila ng fogging at clean up drive ay itinataon naman aniya nila sa weekends o holidays na hindi abala ang mga residente lalong-lalo na sa urban areas upang makalahok sila sa aktibidad.

Sa ngayon, nasa may pinakamataas na datus ng sakit ang mga Barangay ng Poblacion, Amas, Singao, Lanao, Sudapin na mga highly populated areas.

MOH-BARMM intensifies drive vs. smoking, e-cigar & partners with NDU

COTABATO CITY - Ang Ministry of Health sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (MOH-BARMM), patuloy ang paghikayat sa mamamayan na...

Army's 603rd brigade condemns murder of CAFGU by NPAs in Kalamansig

The 603rd Infantry Brigade strongly condemns the brutal murder of CAFGU Active Auxilliary (CAA) member and former NPA Leader Danilo Englatera by...

Floods, landslides hit Sultan Kudarat upland village, affect 6 families

ISULAN, Sultan Kudarat  – The municipal disaster responders in Bagumbayan, Sultan Kudarat have evacuated six families following flash floods and...

OCD-BAR capacitates BARMM LGUs on emergency response

COTABATO CITY - The Office of Civil Defense-Bangsamoro Autonomous Region has started capacitating emergency responders in cities and provinces under...

Cotelco announces power interruption in Kabacan

  TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO) in Kabacan area: This is to inform you that we will have a SCHEDULED power interruption on...