Friday Jun, 21 2024 01:53:09 PM

NDBC BIDA BALITA (June 12, 2024)

NDBC BALITA • 09:00 AM Wed Jun 12, 2024
299
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

1   MGA SUSPECT na nang-ambush sa convoy ng isang kapitan sa Cotabato City, kilala at kakasuhan ng mga biktima, ayon sa PNP

2   LOCAL Tax collection ng Cotabato City Government halos kalahati na, real property taxes collection, pinalalakas

3   INDEPENDENCE Day, regular holiday sa iba, pero ilang taga North Cotabato, nagpaalala sa kahalagahan nito

4   PUBLIKO binalaan ng DSWD 12 sa online scam sa educational assistance

5   NEGOSYANTE na may higit sa 1,000 reams ng smuggled cigarette inaresto ng PNP sa South Cotabato

6   SUSPECT sa pagpatay sa prosecutor sa Digos City naaresto, siya ay kapatid ng biktima

SA ATING PAMBUNGAD NA BALITA…

NGAYON AY Independence Day o araw ng Kalayaan para sa bansa at isang national holiday.

Ito ay taunang ginagawa tuwing ika-12 ng Hunyo kung saan inaalala ang pagdeklara ng Kalayaan ng bansa mula sa kuko ng Espanya noong 1898.

Ang bayaning si Emilio Aguinaldo, miembro ng Katipunan, ang nagdeklara ng kalaayaan ng bansa matapos na ideklara ng Amerika ang giyera laban sa Espanya.

Si Aguinaldo ay naging kauna-unahang pangulo ng isang malayang Pilipinas.

Mula noong 1978, ang June 12 ay isa nang national holiday sa bansa.

-0-

Ceremonial burning ng lumang mga watawat tampok sa 126th Independence Day Celebration sa Koronadal

Natatangi ang ika 126th Independence Day Celebration sa Koronadal ngayong araw.

Ayon kay Mayor Eliordo Ogena, tampok kasi dito ang ceremonial burning ng mga luma at kupas nang Philippine Flags na unang gagawin sa lungsod.

Isinagawa ito kanina sa Rizal Park sa pangunguna ng LGU at Regional Development Council o RDC 12.

Ang pagsusunog sa mga lumang watawat ay wastong tradisyon sa disposal ng pambansang simbolo.

Ayon pa sa alkalde inaatas ito ng Flag and Heraldic Code of the Philippines.

Naniniwala rin si Ogena na bagamat nakawala sa kolinisasyon, hindi pa rin tuluyang nakakalaya sa impluwenya ng mga dayuhan ang Pilipinas.

Patunay dito ayon pa kay Ogena ang ginagawang pambu-bully ng China sa mga Pinoy sa West Philippine Sea.

Tampok din sa Independence Day Celebration ngayong Araw ang Kalayaan Job Fair ng DOLE 12 sa Robinsons Place sa General Santos City.

-0-

UPANG MAPALAKAS ang pag-uunawaan at kapayapaan sa mga kasapi ng ibat ibang religious communities sa Bangsamoro Autonomous Region, isinagawa ng Bangsamoro Darul Ifta ang isang inter-faith dialogue sa Cotabato City.

Dumalo sa pulong ang mga kinatawan ng ibat ibang religious congregation sa lungsod at sa BARMM na parehong nagkasundong kailangan ang ganitong uri ng pagpupulong.

Host ng pagtitipon si Islamic Jurist Dr. Muhammad Nadzir Ebil ng Bangsamoro Darul Ifta. Aniya, kailangang mabura ang mga maling pananaw sa usapin ng kapayapaan at mahalaga na merong inter-faith understanding.

Dumalo ang mga kinatawan ng Roman Catholic Church, Islam, Episcopal Church, Evangelical Church at iba pa.

Pinakalayunin nito na magkaroon ng mutual understanding sa isyu ng kapayapaan kahit na magkaiba ang relihiyon na pinaniniwalaan.

-0-

ISA KATAO ANG NAARESTO AT ABOT sa P450,000 na halaga ng smuggled cigarettes ang nakumpiska mula sa kanya ng Sultan Mastura municipal police personnel sa Barangay Simuay Seashore, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte.

Nadiskubre ito ng mga pulis isang araw makaraang makumpiska rin ng PNP sa Barangay Ungap, sa katabing bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao Norte ang P180,000 na halaga ng smuggled cigarettes.

Sa Sultan Mastura, isang confidential informant ang nagbigay imporamsyon sa PNP na may darating na smuggled cigarettes sa Barangay Simuay Seashore mula sa Bongo island.

Pagdating ng pumpboat sa Barangay Simuay seashore, agad na inaresto ang suspect at kinumpiska ang mahigit isang libong ream ng sigarilyo mula sa Inbdonesia o Malaysia.

-0-

Dalawampu't siyam na pares ang pinag-isang dibdib ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao kahapon sa pamamagitan ng civil marriage rites kaugnay ng 65th founding anniversary ng lungsod.

Ang kasalang bayan ay ginawa sa People’s Palace Lobby, Rosary Heights 10.

Sa kanyang mensahe, pinaalalahanan ng alkalde ang mga ikinasal na maging loyal at faithful sa kanilang asawa.

Ang mga ikinasal ay isinailalim sa libreng pre-marriage counseling ng local civil registry office.

Ayon kay Matabalao, malaking tulong ang naturang programa para sa mga matagal nang nagsasama pero hindi pa kasal.

-0-

Mga armas at gamit natuklasan ng army sa inabandonang kuta ng mga rebelde sa liblib na barangay ng Tboli, South Cotabato

Nakakumpiska ng mga armas at iba pang mga gamit ang mga sundalo abadonadong kuta ng New Peoples Army o NPA sa Tboli, South Cotabato.

Kabilang sa mga ito ang M-16 Magazine, M-16 rifle, firing pin, trigger mechanism, tatlong cellular phone, medical paraphernalia, binocular at iba pang mga gamit.

Ayon kay Army Western Mindanao Command o Wesmincom Chief Lt. Gen. William Gonzales, ang NPA hideout ay natuklasan ng mga nagpapatrolyang kasapi ng 5th Special Forces Batallion sa liblib na Sitio ng Demamis Barangay Laconon sa nasabing bayan.

Dagdag pa ng nasabing army official ang inabandona ay posibleng kuta ng isang alyas Macmac na target ng operasyon ng militar.

Nauna nang kinumpirma ni Tboli Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer Ro-Ann May Guille na ang sagupaan sa pagitan ng militar at rebeldeng grupo ay naging dahilan ng paglikas ng 35 mga pamilya.

Ang mga ito ayon pa kay Guille ay nananatili pa rin sa Demamis Integrated School mula pa noong Sabado.

Sa ngayon ayon kay Guille ay di pa tiyak kung kelan makakauwi ang mga bakwit.

Pero ang tiyak aniya ay may sapat na ayuda para sa kanila ang municipal government.

Nagpadala na rin ng ayuda para sa mga internally displaced persons ang provincial disaster risk reduction and management office ng South Cotabato

-0-

Publiko binalaan ng DSWD 12 sa online scams sa educational assistance

Magingat sa online scams sa educational assistance at iba pang mga programa ng DSWD.

Ito ang babala ni DSWD 12 Regional Director Loreto Cabaya Jr. sa mga mamamayan ng rehiyon.

Payo pa ni Cabaya sa publiko, para hindi mabiktima ng mga scammer, personal na bumisita sa DSWD 12 office sa Koronadal at huwaf umasa sa mga hindi otorisadong facebook pages.

Tiniyak ni Cabaya na hindi rin nangongolekta ng personal information on line ang ahensya.

Ipinahayag ito ni Cabaya matapos kumpirmahin na abot na sa 1,500 na mga estudyante sa rehiyon ang nakinabang sa Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services o KALAHI-CIDSS Cash-for-Work program ng DSWD.

Ayon kay Cabaya, mula ang mga ito sa Sultan Kudarat State University sa Isulan, University of Southern Mindanao sa Kabacan, Cotabato; at Mindanao State University sa General Santos City.

Layon ng nasabing programa ayon kay Cabaya na matulungan sa kanilang pinansyal na pangangailangan  ang mga mahihirap na estudyante.

-0-

Negosyante na may higit sa P1 million  na smuggled cigarettes inaresto ng PNP sa Sto. Niño, South Cotabato

Inihahanda na ng PNP ng paglabag sa Custom Modernization and Tariff Act ang isang negosyante na naaktuhan nilang nagbebenta ng smuggled na sigarilyo sa Sto. Niño, South Cotabato.

Kinilala ni Sto. Niño Chief of Police Major Raymon Faba ang suspek na si alyas Richard, 38 anyos.

Siya ay inaresto sa Barangay San Isidro sa nasabing bayan matapos magbenta ng smuggled cigarette sa pulis na nagkunwaring buyer.

Ayon kay Faba nakumpiska ng mga pulis sa suspek ang 22 karton na naglalaman ng higit sa 1,000 ream ng YS Filter Cigarette.

Ang mga ito ayon pa kay Faba ay nagkakahalaga ng higit sa P1 million.

Nabawi rin ng mga pulis mula sa suspek ang P300 marked money na ginamit sa kanilang buy bust operation at isang ream ng  buy-bust item na sigarilyo.

Ang nakumpiskang smuggled na sigarilyo ay  ibinigay naman ng PNP sa Bureau of Customs o BOC.

-0-

Mga nagbabenta ng kanilang ayuda binalaan ng DA 12

Mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta ng mga ayuda mula sa pamahalaan.

Ito ang paalala ng DA 12 sa mga magsasaka at mangingisda sa rehiyon o sinumang kuwalipikadong mga indibidwal o grupo na nabigyan nila ng ayuda.

Ayon sa DA 12 na pinamumunuan ni Regional Executive Director Roberto Perales, may nakarating kasi sa kanilang larawan  na ibinebenta sa isang Facebook group ang dalawang sako ng binhi ng mais na may nakatatak na DA-RFO XII.

Panawagan pa ng ahensya sa publiko ireport sa pinakamalapit na agriculture office o DA 12 Office sa Koronadal ang sinumang gumagawa nito.

Ito ay upang mapatawan ng kaukulang parusa.

-0-

MGA SUSPECT sa ambush sa isang barangay Kapitan sa Cotabato City, tukoy na at kakasuhan ng mga biktima.

NAKATAKDANG magsampa ng kaso ang mga biktima ng ambush sa Cotabato City noong Biyernes ng gabi kung saan isa ang namatay habang abot sa 12 biktima ang nadamay.

Ito ang sinabi sa DXMS ni Cotabato City PNP Director Col. Querubin Manalang Jr.

Ayon sa isa sa mga nakaligtas, hindi aniya bababa sa limang mga suspek ang nang-ambush sa kanila.

Target noon ng mga suspek si Kalanganan 2 Chairman Edris Ayunan pero hindi ito tinamaan. Naniniwala sila na politika ang motibo ng ambush.

Nananawagan naman ang pamilyang Ayunan-Pasawiran sa PNP na bilisan ang imbestigasyon sa krimen.

Pinoproseso na ng PNP ang mga narekober na ebidensya upang masampahan ng pormal na kaso ang mga suspek.

-0-

Halos 50 law violators, naaresto sa region wide operation ng PNP sa BARMM

ANG MGA NAARESTO ay kinabibilangan ng mga wanted persons, drug personalities, illegal loggers at mga sangkot sa iligal na sugal.

Sa weekly accomplishment ng PRO-BAR sa pangunguna ni Regional Director BGEN Prexy Tanggawohn, umabot sa 49 law breakers sa Bangsamoro Region ang naaresto.

Sa nasabing bilang, 25 drug suspek ang naaresto kung saan nakuha sa mga ito ang shabu na nagkakahalaga ng P7.3 million.

14 wanted person naman na may ibat ibang kinakaharap na kaso naaresto sa kanilang mahigpit na manhunt operation.

Sa kampanya naman ng PNP laban sa loose firearms, dalawa katao ang naaresto habang 25 baril ang nakumiska.

Samantala, dalawang illegal gamblers ang nadakip at anim naman ang lumabag sa checkpoint operation.

Pinuri ni General Tanggawohn ang lahat ng operating units dahil sa matagumpay na operasyon.

-0-

Local Tax collection ng Cotabato City Government nangangalahati na, condonation program nakatakdang paaprubahan sa City Council

ABOT na sa P147 million ang kabuuang local tax collection o 46.7 percent ang nakolekta ng Cotabato City Treasurers Office mula January hanggang May 2024.

Sinabi ni City Treasurer Teddy Yu Inta, pinakamalaki sa kanilang nakolekta ay mula sa business and other taxes na abot sa mahigit P131 million.

Sinundan ng Economic Enterprise na mahigit P12 million at real property taxes na mahigit P3 million.

Dagdag ni Inta, hihilingin nila sa Sanggunian na maipasa ang condonation program para bigyang pagkakataon ang mga real property payers na makapagbayad ng walang penalidad.

Target ng City Treasury Office ngayong taon na maka-kolekta ng mahigit P300 million. Mula sa kabuang halaga, P170 million pa ang kanilang kokolektahin bago matapos ang 2024.

-0-

Kolehiyo ng dalawang criminology students na nasawi sa aksidente sa Malungon, Sarangani Province, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya; tulong pinansyal nakatkdang ipaabot

IPINAABOT ng pamunuan ng Central Mindanao Colleges ang kanilang pakikiramay at pakikisimpatya sa dinanas na pagluluksa at pagdadalamhati sa ngayon ng mga naulilang pamilya ng dalawang criminology students na nasawi sa aksidente sa Malungon, Sarangani Province kamakailan.

Sa mensahe ni CMC President Cynthia Asuncion, kahit outside of school activity ang dinaluhan ng mga estudyante nila ay may nangyaring pagpapa-alam at nailatag na mga requirements ang organizer ng Alpha Phi Omega (APO) Fraternity na accreditted naman ng paaralan nila.

Oriented din aniya ang mga kabataang sumali kaya tiwala sila sa organisasyon na nagsagawa ng Rover scouting sa Glan, Sarangani.

Nabatid na dalawa ang napatay na criminology student mula sa CMC at may tatlo pang schoolmates nila na sumama sa Rover scouting event ng APO kabilang ang driver ng van na nasa kustodiya ngayon ng PNP.

Sa ngayon ay plano nilang magpaabot ng tulong sa pamilya ng namatayan maging sa mga nasugatang estudyante nila.

Maliban pa sa group insurance mula sa paaralan na matatanggap nila.

Humingi din si Asuncion ng dasal para sa mga nasa ospital pa para sa kanilang agarang pagpapagaling.

-0-

Pamilya ng isa sa mga nasawing biktima ng aksidente na kinasangkutan ng mga miyembro fraternity sa Sarangani Province, nagdadalamhati sa sinapit ng kaanak nila

SA LUBHANG pagdadalamhati at maibsan ang kalungkutan na dinaranas nila ay pinili ng nanay at tatay ng isa sa mga biktima ng malagim na aksidente sa Sarangani na si Christian Mark Cordero na matulog sa inihandang paglalamayan ng mga labi ng anak nila.

Si Christian o mas kilalang si Mako ay pangalawa sa magkakapatid na kilalang palakaibigan, malambing at sweet sa mga magulang at mga kaanak nito.

Sa salaysay ng kaniyang pinsan na si June Patrick Cordero, kaka-birthday lang ng ni Christian noong June 04.

Sinariwa din nitong una ng binalaan si Mako na huwag ng tumuloy lalo pa't una ng na-cancel ang pagsama nila sa event pero gumawa pa rin aniya sila ng paraan para makama at nagbenta pa ng laptop ang kasamahan nito makasama lang.

Habang, ang paalam din nito ay sa Digos lang ang kanilang event lingid sa kaalaman ng magulang nito na sa Glan, Sarangani pala ang lakad nito.

Ang lamay ni Mako ay sa mismong bahay nila sa Barangay Pag-asa, M'lang, Cotabato.

-0-

DPWH, nanawagan sa mga motorista ngayon madalas ang pag-ulan at napipintong La Niña lalo na sa President Roxas-Arakan road.

"MAG-obserba at maghinay-hinay"

Ito ang payo ni DPWH Second District Engineering Office Head Eng. Eliseo Otoc sa mga motorista ngayong nararanasan ang tag-ulan, lalo na at napipinto ang La Niña sa lalawigan.

Partikular na tinukoy ni Eng. Otoc na delikadong kalsada sa lalawigan ang President Roxas - Arakan route bise bersa na napapalibutan ng mga bundok at madalas naka inclined, pababa at maraming paliko na madalas sanhi ng aksidente lalo na kung madulas ang kalsada.

Payo niya i-reduce ng mga sasakyan ang takbo ng kanilang mga sasakyan lalong lalo na sa mga truck na kargado kung pababa aniya ay gamitin ang second gear.

Matatandaangt sa nasabing ruta nasangkot sa vehicular crash ang truck na nabangga ang pampasaherong van na ikinasawi ng 17 mga motorista kasama ang driver ng van.

Paalala niya maging road worthy ang mga driver at tulungan sila sakaling may mga problema sa kalsada na banta sa mga travelling public agad na ipaalam sa kanila oa sa awtoridad upang mabigyan agad na aksyon.

-0-

Driver ng isa sa mga sasakyang nasangkot sa aksidente sa Makilala, Cotabato nasawi na sa ospital; driver ng van na tumakas, di pa rin nahahanap

WALA pang 24 oras na pakikipagpatintero kay kamatayan ay tuluyan ng pumanaw sa ospital ang driver ng pulang Toyota Avanza na nabangga ng van sa kasagsagan ng malakas na ulan at madulas na daan sa Purok  SunFlower, Brgy. Malasila, Makilala, Cotabato hapon kamakalawa.

Kinilala ang driver na si Jimmy Sumbad baturi, 43 years old, na taga Padada, Davao Del Sur.

Ito ang kinumpirma ni Makilala PNP town Chief Lt. Col. John Miridel Calinga, na sinabing ito ang pinaka malubhang nasugatan sa aksidente.

Kritikal naman ang 5 year old na anak nitong kasalulukuyang nasa Intensive Care Unit habang sugatan din ang dalawa pang kasamahan nila.

Habang ligtas na ang 5 pasahero ng nirentahang van na mga taga Cotabato City at driver ng motorsiklong nadamay sa insidente.

Pero hanggang sa ngayon ay pinaghahanap pa rin ang driver ng van.

Ayon sa hepe kilala na nila ito at nangako na rin ang may-ari ng van na makikipagtulungan sa imbestigasyon at ikakahuli ng driver.

Posible itong maharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide, Multiple Physical Injury at Damage to Property.

-0-

SA DIGOS CITY, naaresto ng PNP ang half-brother ni Davao Occidental Assistant Provincial Prosecutor Eleonor Dela Peña ilang oras matapos na ang lady prosecutor ay mabaril at mapatay sa Barangay Aplaya.

Sinabi ni Digos City police chief Lt. Col. Florante Retes na si Arnel Dela Peña, ay nadakip alas 9 ng gabi noong Lunes sa bahay nito sa Talas, Sulop, Davao del Sur makaraang ituro ng mga saksi na siyang bumaril sa biktima.

Pinaniniwalaang away sa lupa ang motibo ng krimen, ayon sa mga imbestigador.

Nakilala si Arnel base sa pahayag ng anak ng pinatay na prosecutor, sa kopya ng CCTV footage na nakuha ng pulis at sa description na ibinigay ng mga nakasaksi sa krimen.

Sinabi ng mga saksi na ang bumaril ay gumamit ng Honda Click motorcycle at helmet na may tatak na letrang “M” at blue hooded jacket. Yan ay nakuha ng mga pulis sa bahay ng suspect.

Nakuha rin ang 10 piraso ng 12-gauge shotgun shells, 5.56 MM live rounds, isang M16 rifle magazine at dalawang mobile phones.

Pauwi na sa kanyang bahay si Atty. dela Peña habang minameho ang kanyang puting Ford Raptor na may plaka na NGG-7966 nang pagbabarilin sa ulo at katawan.

 

Cops seize smuggled cigarettes in Jolo and Tawi-Tawi

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte - About 1500 reams of smuggled cigarettes were recovered by troops from Jolo MPS together with augmented...

350 pamilya, apektado ng bakbakan ng 2 MILF groups sa MagSur

BATAY YAN sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO ng Datu Unsay na isinumete sa Provincial Disaster Office....

Hundreds displaced as 2 MILF groups clash in Maguindanao del Sur

COTABATO CITY - Some 200 villagers have fled to neutral grounds as two rival groups in the Moro Islamic Liberation Front clashed and reportedly...

Dinna Harbi, NDU nursing student, is Mutya ng Kutawato 2024

Itinanghal na Mutya ng Kutawato 2024 si Dinna Harbi. Ito beauty and brain contest ay pinakatampok sa 65th Araw ng Kutawato celebration 2024....

Marcos accepts Sara's resignation as DepEd secretary

MANILA – Vice President Sara Duterte stepped down as education secretary and vice chairperson of the government’s anti-communist task force,...