Sunday Apr, 28 2024 01:18:32 PM

NDBC BIDA BALITA DEC. 28, 2015

Breaking News • 19:17 PM Mon Dec 28, 2015
1,567
By: 
NDBC NEWS AND CURRENT AFFAIRS

NDBC BIDA BALITA

DECEMBER 28,
2015 (MONDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. BIFF nagbanta ng muling pangaatake
sa Central Mindanao, Army at PNP, nakaalerto2. Isa sa mga tower ng NGCP na
pinasabugan sa kasagsagan ng pagdiriwang ng pasko, nakumpuni na

3. Koronadal City Treasurer’s Office
umapela sa mga real property owners na bayaran ang kanilang buwis, kasabay ng
pagtatapos ng taon.4. Dahil sa panununog ng mga NPA sa construction equipment, South CotabatoGov. Fuentes nagbabalang itigil na ang road project

AT NGAYON SA DETALYE...

Local………………..

MATAPOS ang sunod sunod na pangaatake
ng mga armadong grupo na Bangsamor Islamic Freedom fighters sa probinsya ng
Sultan Kudarat, Maguindanao at North Cotabato noong nakaraang linggo, muling
itong nagbanta nang tuloy-tuloy na pangaatake sa mga sundalo.

Una nang inamin ni BIFF spokesperson
Abu Misry Mama na sila ang responsable sa pangaatake noong Christmas Eve at
mismong araw ng pasko sa mga bayan Datu Abdullah Sangki, Maguindanao Pigcawayn
North Cotabato at maging sa bayan ng Esperanza, Sultan Kudarat.

Ayon kay Abu Misry, pinaghahanda nila
ang mga sundalo dahil patuloy silang aatake sa mga government forces lalo na sa
kanilang mag kampo sa oras na hindi nila inaasahan.

Ang mga unang pangaatake ay nagresulta
sa pagkamatay ng 11 katao kabilang ang mga inosenteng magsasaka at ilang
miyembro ng armadong grupo.

Maliban rito, libo libo ring mga
residente ang nagsalikas dahil sa takot na madamay sa naturang bakbakan sa
pagitan ng mga rebelde at militar.

Samantala, Ayon naman kay 6th Infantry
Division Philipinne Army Public affairs office Chief Capt. Joan Petinglay,
nakalagap na sila ng report patungkol sa pangaatake ng BIFF kung kaya't
naka-alerto na sila bago pa lang ang araw ng pasko.

Aniya, aabot sa 200 mga miyembro ng
BIFF ang responsable sa mga sunod-sunod na panghaharass ang pangaatake sa mga
nasabing lugar.

Kasalukuyan namang naka full alert ang
mga pulis at militar sa Central Mindanao.

0-0 Local …………………

RIDO ang
tinuturong dahilan ng sagupaan ng dalawang grupo sa Brgy. Mudsing, Midsayap,
North Cotabato.

Ayon kay
Midsayap Chief of Police Supt. Gilbert Tuzon, pasado alas-4 ng hapon nang
mangyari ang palitan ng putok sa pagitan ng grupo nina Kumander Timbulilong at
Kumander fredi Mangansa.

Agad namang
rumisponde ang mga pulis sa erya matapos nilang matanggap ang impormasyon.

Ayon kay
Tuzon, una nilang tiniyak ang seguridad ng mga residente na hindi madamay sa
naturang bakbakan.

Sumunod naman
ang dalawang grupo nang pakiusapang itigil na ang bakbakan.

Nilinaw naman
ni Tuzon na kontrolado na at wala nang palitan ng putok sa lugar, bagama't
nananatili parin ang mga residente sa evacuation areas sa lugar.

Bagama't may
sinasabing dalawang sugatan sa naturang insidente, base sa imbestigasyon ng PNP
ay wala namang makakapagkompirma rito.

SAMANTALA,
huli naman ng Midsayap PNP ang dalawang lalake na may dala-dalang
pinaniniwalaang shabu sa isinagawang checkpoint ng 45th IB sa Brgy. kapilpilan,
Midsayap.

Ayon kay
Tuzon, kasabay ng kanilang pagimplimenta ng alert-level sa bayan ay akto namang
nahuli ang dalawang suspek.

Sa report,
inilagay ang naturang shabu sa isang muslim delicacy na dudol. Narekober rin
ang dalawang cellular phone at pera.

Kasalukuyan
namang nakakulong ang dalawang suspek sa Midsayap PNP lock up cell. Local…………………….

PINAGLALAMAYAN
na ngayon ang isang lalake na biktima ng vehicular accident sa Brgy. Landasan,
Parang Maguindanao noong nakaraang linggo.

Kinilala
ang biktima na si Xerxes Samanegra Kiray, may trabaho at anak ng isang kagawad
sa barangay.

Ayon
sa report ng Sultan Kudarat PNP Chief Insp. Bangon Mamaco, patungo ang biktima
sa Cotabato City sakay sa kanyang suzuki raider 150 motorcycle nang mangyari
ang insidente sa Brgy. Dalumangcob.

Mabilis
umano ang pagpapatakbo ng biktima habang binababay nito ang kalsada.

SAMANTALA,
nananawagan naman si Chief Insp. Mamaco sa publiko kung may kamaganak silang
hindi pa nakakauwi sa kanilang bahay na may bangkay ng lalake na narekober sa
Brgy. Senditan, Sultan KUdarat, Maguindanao noong December 24.

Ayon kay
Mamaco, natagpuang nakalutang ang bangkay sa simuay river ng naturang barangay.

Sa
paglalarawan, ang naturang bangkay ang nakasuot ng dilaw na tshirt, blue shorts
nasa 5'4 ang height, pantay ang kulay ng balat at may tama ng bala sa ulo.

Local……………….

NAKATAKDANG magsagawa ng
relief operations ang ARMM human emergency action response team o ARMM HEART sa
mga bayan sa Maguindanao na naapektuhan ng pangaatake ng grupong Bangsamoro
Islamic freedom fighters o BIFF ngayong araw.

Libo libong residente ang
makikinabang sa naturang aktibidad kasama ang Department of Social welfare and
development o DSWD ARMM.

Ayon kay ARMM HEART Focal
person Jo Henry, maliban sa relief operations magsasagawa sila ng casual
analysis at medical mission para sa mga naapektuhang pamilya.Magpapaabot rin sila ng
tulong at pampalibing ng mga residenteng namatay at nadamay sa naturang
bakbakan.

Patuloy namang nangangalap
ng impormasyon ang ARMM HEART upang matukoy ang bilang ng mga residenteng
direktang naapektuhan ng sabaysabay na pangaatake ng BIFF sa Maguindanao at
maging ng ibang armadong grupo sa Al-barka, Basilan.

Local…………………..

KAHIT HINDI PA man nagsisimula
ang campaign period, sinimulan na ng Commission on Elections o COMELEC na
ipa-recall ang mga pulis at sundalong nakatalaga bilang escorts sa mga politiko
sa Maguindanao.

Ayon kay Maguindanao Provincial
Election Officer Udtog Tago, oras na para sa mga politiko na kumuha ng escorts
sa mga private security agencies.

Inihayag naman ni Maguindanao
Provincial Police Office Director Sr. Supt. Nickson Muksan na ang pulis at mga
sundalo ay direktang susunod sa mga direktiba ng COMELEC sa panahon ng election
period.

Pinaalala naman ng COMELEC sa
lahat na magsisimula na ang gunban sa January 10.

Nabatid na regular na
nagpupulong ang COMELEC, PNP at miltar para pag-usapan ang mga lugar na
ituturing hot spots sa panahon ng eleksyon.

Local...Bayaran ang buwis sa tamang oras.
Ito ang panawagan ni Marloun Gumbao, ang City Treasurer ng Koronadal sa mga real property owners sa lungsod.
Ayon kay Gumbao magbibigay ng dalawampung porsyentong discount ang city treasurers office sa sinumang makapagbayad ng kanilang real property tax o RPT bago pa man o sa araw mismo ng deadline.
Inihayag ni Gumbao na ang huling araw ng pagbibigay ng diskwento sa RPT ay sa Disyembre a biente nuebe.
Binigyan diin ng city treasurer na makikinabang sa discount ang mga tax paper na nasa kanilang tanggapan sa nabanggit na araw.
Maging ang mga mamamayan na nasa loob na ng city treasurer’s office paglagbas ng alas singko ng hapon sa December 29 ayon kay Gumbao ay maari pa ring tatanggapin ng kanilang mga kawani.
Matatandaan ang mga ari arian na may arrears sa buwis ay ipinasusubasta ng lokal na pamahalaan ng Koronadal. Local...Dinala na sa Koronadal City ang mga construction equipment ng Gemma Construction na sinunog umano ng rebeldeng grupo sa Lake Sebu, South Cotabato noong nakaraang linggo.
Kaugnay nito, ipinahayag naman ni South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes na dahil sa insidente, nagdadalawang isip ngayon ang provincial government kung magpapadala pa ng mga equipment at tauhan sa lugar.
Ito ay para maipagpatuloy ang road construction project na apektado ng panunog ng naturang mga equipment.
Kaugnay nito, umapela din si Fuentes sa rebeldeng grupo na pabayaan na lamang ang mga driver at mga tauhan ng provincial government kung sakali mang ipadadala ang mga ito sa lugar.
Binigyan diin ng gobernador na dahil sa ginawang panghaharass ng rebeldeng grupo, naantala ang pagtatapos sa konstruksyon ng daan sa mga liblib na barangay ng Lake sebu.
Ito ayon kay Fuentes ay malaking tulong sana para mas madaling madala sa mga pamilihan ang kanilang mga produkto.
Mariin naman pinabulaanan ni Ka Efren ang spokesperson ng CPP-NDF Far South Mindanao na may kinalaman ang kanilang grupo sa insidente.
Local...Nasawi matapos maaaksidente sa minamaneho nitong motorsiklo ang isang lolo sa Tupi, South Cotabato.
Kinilala ng Tupi PNP ang biktima na si Nemesio Pradilla, sitenta’y tres anyos at residente ng MSU Compound, Fatima, General Santos City.
Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis na ang biktima ay nabangga ng isang Toyota Hi-Ace Van na may temporary license plate 120110 habang tumatawid sa highway.
Naganap ang aksidente sa national highway, particular sa harap ng Tupi Gallera, dakong alas tres ng hapon kamakalawa.
Ang biktimang si Pradilla ay nagtamo ng matinding mga sugat dahil sa lakas ng pagkakabangga sa kanya.
Siya ay dead on arrival nang dalhin ng mga kasapi ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council o MDRRMC sa Tupi Municipal Hospital.
Ang Toyoto Hi-Ace Van na nakabangga umano sa kanya at driver nitong si Ryalin Caspillo, trenta’y sais anyos, residente ng Crossing Curva, Dajay, Surallah, South Cotabato ay inilagay sa custody ng Tupi PNP.
Ito ay habang nagpapatuloy pa ang kanilang imbistigasyon sa insidente. Local...Pinasabog mismo ng Explosive Ordinance Division o EOD team ang isang granada na natagpuan sa Sitio Datal Banate, Barangay Upper Sepaka, Surallah, South Cotabato.
Ayon sa Surallah PNP ang granda ay natuklasan ng isang Triphena Ellaga, magsasaka kwarenta’y nuebe anyos sa labas ng kanilang bodega.
Sa salaysay ni Ellaga sa mga pulis ipinahayag nito na sila ng kanyang mister ay nakarinig ng mga putok ng baril dakong als onse ng gabi noong Disyembre a biente singko.
Ayon kay Ellaga, inaakala nilang tinamaan ng bala ang bubong ng kanilang bodega matapos makarining ng malakas na tunog .
Agad namang ininspeksyon ng magasawa ang paligid ng kanilang bahay para maghanap ng mga ebedinsya madaling araw kamakalawa.
Ito ayon kay Ellaga ay nagresulta sa pagkakatuklas nila ng hindi sumabog na granada.
Inaalam pa ng pulisiya kung sino ang mga responsable at ano ang motibo ng mga ito sa pagpapaputok at panghahagis ng granda sa compound ng magasawang Ellaga.Local...Unahin ang kaligtasan ng pamilya.
Ito ang hiniling ni Senior Fire Inspector Reginald Legaste ang City Fire Marshall ng Koronadal sa mga mamamayan na nagbabalak magpaputok sa bagong taon.
Binigyan diin ni Legaste na para iwas disgrasya, mas makabubuting huwang nang magpaputok.
Pinayuhan din ni Legaste ang mga magulang na huwag hahayaang humawak ng mga firecrackers at pyrotechnics ang kanilang mga anak.
Ayon kay Legaste dapat salubungin ang bagong taon ng ligtas sa kapahamakan .
Maliban sa mga fire cracker related injuries na kadalasan na nagiging biktima ay mga bata, dapat ding mag-ingat sa sunog ang mga mamamayan.
Para sa mas ligtas na pagsalubong sa bagong taon, magkakaroon naman ng new year’s countdown ang lokal na pamahalaan ng Koronadal sa kauna unahang pagkakataon.
Ayon kay City Mayor Peter Miguel, ito ay gaganapin sa rotonda area o mas kilala sa tawag na round ball.
Tampok din nito ang live band performance na magsisimula dalawang oras bago magpalit ang taon.
Ang news year’s countdown ay live na mapapakinggan sa 91.7 Happy FM. Local...Nakakulong ngayon sa Kidapawan City PNP lock up cell ang tatlo katao matapos mahuli sa isinagawang drug buy bust operation ng PNP sa Purok 7, Mendoza Subd. Kidapawan City,Sabado ng hapon.Kinilala ng City PNP ang mga nahuli na sina Renato Orate Solidap, 37,
laborer, taga Purok 2, Magsaysay, Kidapawan Poseto Gamporano Escalante, 36, driver, taga Matan-ao Davao del Sur, at isang
Antony Balwit, 38, residente ng Magsaysay Davao Del Sur.Nakuha mula sa tatlong mga suspek ang abot sa sampung sachet ng pinaniniwalaang shabu.Huli rin sa akto ang tatlo na nagpo-pot session sa kanilang inuupahangkwarto sa nabanggit na lugar.Maliban dito ibat-ibang drug parahernalia, marked money at isang caliber 20 pistol rin ang nakula mula sa kanila.Sa imbestigasyon ng pulisya ilang kaso na rin ng pagnanakaw ng hayop nasangkot ang suspek na si Solidap sa brgy. Balindog ng lungsod.Nanatili ang mga suspek sa City PNP loack up cell habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanila. Local...Nakabalik na sa serbisyo ala 1:30 ng hapon kahapon ang tower #95 na matatagpuan sa bisinidad ng brgy. Aroman, Carmen, North Cotabato ng National ng Grid Corporation of the Philippines o NGCP, isa sa mga tore na binomba ng pinaniniwalaang lawless group ilang oras bago ang pasko.Ayon kay NGCP Corporate and Branding Officer for Mindanao Milfrance Capulong mabuti na lamang at hindi nagkaroon ng matinding pinsala ang nasabing pagpapasabog makaraang mabigong maparalisa nila ang steel tower sa Taverdo, sa bayan ng Buluan, Maguindanao.Umapela naman si Capulong sa mga residente na malapit sa NGCP tower na kung maaari ay agad na makipag-ugnayan sa mga otoridad upang maagapan ang tangkang pagpapasabog muli ng nasabing mga grupo na tanging layunin ay upang iparalisa ang serbisyo ng kuryente sa buong Central Mindanao.Posible umanong extortion ang isa sa mga motibo sa naturang pagpapasabog kaya naman nagpasaklolo ang pamunuan ng NGCP sa mga lokal na opisyal kasama na ang pulisya at militar na paigtingin pa ang pagbabantay sa mga vital installation ng pamahalaan para maiwasan ang kaparehong insidente.Ito na ang panlabing limang pagpapasabog sa tore ng NGCP ngayong taon. lOCAL...Mas magiging madali na ngayon para sa mga residente ng limang mga barangay mula sa Matalam at Kabacan sa North Cotabato dahil sa road project na isinagawa ng pamahalaan.Ito matapos matanggap ang itinuturing na magadang regalo na abot sa 14 million pesos na halaga ng proyekto mula sa Cotabato Provincial Government para sa kanilang mga lugar.Kabilang na rito ang Water System sa brgy. Latagan, Matalam, at Covered Court Project naman para Kilada Elementary School, brgy. Kilada at Barangay Central Malamote, Matalam.Habang Road concreting projects naman sa brgy. Katidtuan at sa brgy. upper Paatan ng Kabcan North Cotabato kung saan mas mabilis na para sa mga magsasaka at negosyante na madala ang kanilang mga produkto sa merkado.Mismong si Cotabato Governor Emylou Mendoza ang nanguna sa turn over ng mga nabanggit na proyekto.Nagpapasalamat naman ang mga barangay Officials sa lugar dahil malaki ang maitutulong ng naturang mga proyekto lalo na sa mga magsasaka at mag-aaral sa lugar. Local...Wala nang buhay ng madatnan ng kanyang ina ang anak nito matapos magpatiwakal sa loob ng kanilang kwarto sa brgy. Sudapin, Kidapawan City, alas tres ng madaling araw kanina.Kinilala ni Brgy. Sudapin Chairperson John Carl Sibug ang biktima na si Dodo Tamus.Una rito, ayon pa kay Sibug, sinundo nito kagabi ang kanyang asawa sa tinatrabahuan nito pero ayaw umanong umuwi kaya pagbalik niya sa kanilang bahay ay naglasing at dito na rin siya nag-amok.
Problema naman sa pamilya ang posibleng motibo sa pagpapakamatay ng biktima.Una na ring tinangkang sunugin ng biktima ang kanilang bahay dahil rin sa problema sa kanyang asawa na pinaniniwalaang may iba nang kinakasama. Local...Sinimulan na ng Makilala LGU ang konstruksyon ng Senior Citizens building na matatagpuan sa Municipal Compound ng Makilala, North Cotabato.Sinabi ni Office of the Senior Citizens Affairs Head Marcos Disto, ang naturang proyekto ay pinaglaanan ng loakl na pamahalaan ng abot sa 1.9 million pesos mula sa Gender Fund ng LGU.Sinabi ni Disto, malaking tulong ang nabanggit na gusali para sa kanilang grupo para sa mas maayos at mas mabilis na paghahatid ng serbisyo para sa mga Senior Citizen ng bayan.Sa kasalukuyan nasa first phase na ang nabanggit na proyekto at inaasahang matapos ang pagpapatayo nito sa unang quarter ng taong 2016.

Miss Unverse PH in float parade in Sultan Kudarat

ISULAN, Sultan Kudarat - The 2024 Miss Universe Philippines candidates during float parade from Tacurong City to Isulan town. ...

DSWD advises 4Ps cash grants beneficiaries to use ATM cards wisely

MANILA - Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) eligible beneficiaries may now claim their cash grants from select Land Bank of the Philippines...

New political party in BARMM inducts new officers, members in Cotabato City

COTABATO CITY - Mass oath taking of officers and members and general assembly ng "Serbisyong Inklosibo Alyansang Progresibo" o SIAP Party na...

Leaders fuse ranks for peaceful 2025 BARMM elections 

COTABATO CITY - Three provincial governors and the congressional representative of Basilan have agreed to help each other ensure a peaceful and...

Pregnant, companion arrested in DOS drug buy bust

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao del Norte - Kinilala ng PNP ang buntis na drug suspek na si Fatima Bagundang Esmail, 32-anyos at si Hamid Dalama...