Saturday Jun, 22 2024 06:51:19 PM

NDBC BIDA BALITA (12.17.16)

 • 21:57 PM Sat Dec 17, 2016
798
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

DECEMBER 17, 2016 (SAT)
7and00 AM

HEADLINESand

1. ARMM Governor Hataman, nanawagan ng
pagtutulungan kasabay ng ARMM Day of Prayer and Solidarity kahapon

2. Magbabakal, patay matapos makuryente
sa Kidapawan City

3. PNP South Cotabato naghigpit ng
seguridad ngayong holiday season

4. 4 preso na nagtakang tumakas, nabisto ng Koronadal City Nilinaw ni Ismael Sarip ng National Commission for Muslim Filipinos na hindi kabilang ang probinsiya ng North Cotabato sa Legal Holiday sa December 19, araw ng lunes.Ayon kay Sarip, tanging ang Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM, Cotabato City ang nagdeklara ng Special Holiday at hindi kasali dito ang mga probinsya sa labas ng nasabing Lugar.Sa Cotabato City at Maguindanao, ay tradisyunal nang isiniselebra ang Shariff Kabunsuan Festival tuwing December 19.Ito ay base na rin sa Batas Pampook Number 14 enacted on September 24, 1981.Tampok din sa naturang selebrasyon ang iba't ibang mga katibidad. Sinuspinde ng pulisiya ang dalaw sa mga preso ng Koronadal City Police Station lock up cell.Ito ayon kay City PNP Chief of Police, Superintendent Barney Condes ay matapos mabisto ang tangkang pagtakas kaninang umaga ng apat na mga preso. Kinilala ni Condes ang mga tatakas sana na sina Rex Valeriano, 29 anyos Lyndon Calanza, 29 anyos Alex Mangudadatu, 23 anyos at ang 18 anyos na si Rodelo Moliji.Ayon kay Condes ang mga presong nagtangkang pumuga ay pawang sangkot sa iligal na droga.Suspek din ang mga ito sa serye ng nakawan sa Koronadal City.Sinabi ni Condes sa Radyo Bida, na nabisto ang balak ng apat na preso matapos itong isumbong sa mga pulis ng kanila mismong mga kasama.Ito ayon kay Condes ay resulta ng magandang pakikitungo ng mga pulis sa kanilang mga detainee.Narekober ng mga pulis sa mga suspek ang anim na kutsara, kawayan at isang 5 inches na pako na ginamit ng mga ito sa pagtibag sa pader ng selda.Nilinaw naman ni Condes na hindi ipinagbabawal ang pagdala ng kutsara sa loob ng lock cell.Ayon sa police official ang pako na narekober din sa mga ito ay posibleng bahagi din ng selda na unti unti nilang tinaggal.Ipinahayag ni Condes na dahil sa isidente, naghigpit pa lalo ng seguridad sa lock up cell ang Koronadal City PNP. HINILING ni Autonomous Region in Muslim
Mindanao o ARMM Gov. Mujiv Hataman sa lahat ng mga mamamayan sa rehiyon at sa
buong bansa na sama-samang manalangin at magtulungan para labanan ang takot at
mga karahasan nararanasan sa iba’t ibang panig ng bansa, lalo na sa Mindanao.

Kahapon sa ARMM Day of Prayer and
Solidarity, sinabi ni Hataman na panahon na para tumayo ang lahat laban sa
anumang uri ng pananakop at pang-aapi.

Aniya, anuman ang kasarian, lahi o
relihiyon, nagkakaisa ang lahat sa paghahanap ng tunay na kapayapaan at
katarungan.

Iginiit pa ng gubernador na hindi ito
ang panahon para sumuko sa laban kontra kasamaan, hindi lamang dito sa
Pilipinas kundi maging sa ibang bansa na madalas nakararanas ng terorismo gaya
ng Syria, Pakistan, at Myanmar.

Ayon kay Hataman, sa ganitong
pagkakataon mas kinakailangang maging matatag at matapang na harapin ang
anumang mga pagsubok.

NAGING MAKULAY, MASAYA AT
KAPANA-PANABIK ang pagtatapos kagabi ng Cultural Showdown ng limang mga
lalawigan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM.

Ito ay kaugnay pa rin ng
month-long ‘Pakaradjaan sa ARMM’, ang 27th anniversary celebration ng rehiyon.

Simula noong Lunes,
December 12, ay nagpakitang-gilas ang bawat probinsya ng ARMM sa pamamagitan ng
pagsayaw, pagkanta at pagsasadula para ipagmalaki ang mayaman at makulay na
kultura ng kani-kanilang lugar.

Unang nagtanghal ang lalawigan
ng Maguindanao noong Lunes. Sumunod naman ang Lanao del Sur nitong Martes na
sinundan ng Basilan kinabukasan.

Nitong Huwebes at
nagtanghal din ang Sulu at kagabi ay huling nagbigay ng magandang palabas ang
Tawi-Tawi.

Naging hurado sa naturang
patimpalak sina Jeff Mendez ng Notre Dame Broadcasting Corporation, Mel Ubag ng
Notre Dame RVM College of Cotabato, Thalasa Alava ng Mindanao State University
– Maguindanao at si Cotabato City Tourism Officer Gurlie Frondoza.

Samantala, inaabangan na
ang mananalo sa naturang patimpalak na i-aanunsyo ngayong Lunes, December 19 sa
Gabi ng Parangal na gaganapin sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex. IPINATUTUPAD
NA ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang na ang
Oplan Isnabero para siluin ang mga ‘choosy’ o isnaberong taxi drivers lalo na
ngayong pasko at bagong taon.

Mapa-rush
hour o patay na oras, pahirapan na ang pagsakay sa taxi lalo na sa mga
matataong lugar tulad ng malls at mga night market.

Kaya naman
ang LTFRB, nagpakalat na ng mga transportation inspectors sa lansangan at
nagposte na rin ng help desk sa mga taxi bays ng malls para umalalay sa mga
mananakay.

Sa ilalim ng
Oplan Isnabero, magbibigay ng complaint slip ang mga tauhan ng LTFRB sa mga
pasahero ng taxi para mas malaman kung maayos ang serbisyo ng mga tsuper.

Kapag aktong
tumanggi sa pagsakay ang isang taxi driver, agad itong iimbestigahan ng mga
transportation inspector at sasampahan ng reklamo sa LTFRB. Abot sa 107 mga estudyante ang nag martsa kahapon makaraang magtapos sila sa Nutrition school-

on-the air program sa ilalim ng National Nutrition Council o NNC Region 12.
Ang programa ng NNC katuwang ang NDBC Kidapawan ay naglalayung maihatid sa mga BIDA listeners

ang kaalaman tungkol sa wastong nutrisyon at maging ang malnutrisyon.
Nag-enrol ang mga estudyante sa pamamagitan ng pag momonitor lamang sa DXND Radyo Bida 747 kada

alas 7:30 ng gabi hanggang alas otso.
Ito ay nagsimula noong November 7 hanggang noong nakaraang linggo kung saan ibat ibang mga

lectures ang ginagawa kada gabi sa pamamgitan ng Program Host na si Malu Cadelina Manar.Nagsasagawa din sila ng quizzes pagkatapos ng lectures.

Binigyan diin ni Miss Mayeth Flores, nutrition officer ng NNC sa kanyang mensahe ang 10

Kumainments .
Nagmula pa sa ibat ibang bahagi ng North Cotabato ang mga estudyante na masayang kinuha ang

kanilang awards at certificate mula sa NNC 12.
Ngayong taon ikalawang beses ginawa ang nabanggit na programa na na asahan naman na isasagawa

sa susunod na taon para sa mga gustong maging nutrition advocates.

Sa ikalawang araw nang Misa de Gallo sa Kdiapawan City, libu-libong mananampalataya pa rin ang

nakiisa at dumalo.

Alas tres ng madaling araw ang unang misa habang alas 4:30 naman ang ikalawang misa.Sa naging Homily ni Bishop Jose Collin Bagaforo, hinikayat nito ang mga nagsimba na tapusin at

seryusin ang misa de gallo.

Naniniwala ang obispo na malaki at umaapaw na panalangin ang mararanasan ng sinuman sakaling

makumpleto nito ang siyam na araw ng simbang gabi.Sa kabilang dako, mananatili pa rin ang mahigpit na seguridad ang ipapatipad sa labas ng

Cathedral kung saan naka pwesto ang Security Forces na pinangunahan mismo ng Kidapawan city PNP
Nakastand by rin ang K9 units, patin na ang Traffic Management Unit na siyang nagmamando ng

trapiko sa lugar.Ginawang entrance papasok ng compound ng cathedral ang gilid ng IMUS cinema habang ginawa

namang exit ang harapan ng St. mary's academy na siya namang magiging daanan hanggang matapos

ang Simbang gabi.
Tinutugis na ngayon ang suspek sa nangyaring pananaksak sa Makilala, North Cotabato.

Ang biktima ay kinilalang si Gino Sason Ingay, 19, na taga Sto Nino Makilala.Nangyari ang insidente kahapon ng madaling araw.

Nabatid na magkasama ang biktima at isang Janrey Capuyan sa barangay Saguing Makilala, nang

lapitan umano sila ng grupo ng mga kalalakihan.Bigla raw tumakbo si Ingay na mabilis ding sinundan ng mga suspek at doon na siya pinagsasaksak

at agad ding tumakas.

Isinugod agad sa pagamutan ang biktima na ngayon ay patuloy na nagpapagaling.

Ang insidente ay iniimbestigahan pa ngayon ng Makilala PNP.
Patay ang isang lalaki matapos na makuryente sa isang abandonadong bahay sa Quezon Boulevard ng

National Highway partikular sa Kalye Limogmog, Kidapawan City City.

KInilala ang biktima na si Abdullah Maruhom Iellian, na residente rin ng nabanggit na lugar.
Ayon sa report alas kwatro ng hapon kahapon ng matagouan na lamang ang biktima na wala nang

buhay at may hawak umanong live wire.

Base naman sa nakasaksi sa pangyayari naghahanap lamang ng bote bakal ang biktima.Agad namang rumesponde ang mga personahe ng COTELCO at agad na pinutol ang naturang live wire.

Dinala naman kaagad sa St. Perters Funeral Parlor ang biktima para sa funeral services nito.

Samantala wala pang pahayag ang COTELCO kaugnay sa nasabing pangyayari.
Nagdagdag na ng pwersa ang sa mga matataong lugar ang South Cotabato Provincial Police Office.Ayon kay PNP South Cotabato Provincial Director, Senior Superintendent Franklin Alvero, kabilang sa kanilang tinututukan ang mga mall at resort.Inihayag ni Alvero ang mga lugar kasi na ito ang madalas dayuhin ng mga mamamayan na nakatanggap ng kanilang Christmas bonus para magsaya ngayong holiday season.
Tiniyak din ng police official na nakalatag na ang security plan ng PNP sa Paskoa t Bagong taon.Ayon kay Alvero inatasan na rin nito ang mga police chief sa South Cotabato na paigtingin ang monitoring sa kanilang areas of responsibility.
Iniutos din ni Alvero sa mga ito na magdagdag ng police visibility at tutukan ang mga kaso sa kanilang lugar na hindi pa nareresolba.
Humihiling ng tulong si South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes sa national government upang maresolba ang serye ng panununog ng mga bus sa lalawigan.
Ayon kay Fuentes idudulog nito ang problema sa CPP-NPA-NDF kina Department of the Interior and Local Government Secretary Mike Sueno,at Presidential Adviser on the Peace Process Jess Dureza.Ipinahayag ng gobernador na isasangguni din nito ang usapin kay Government Peace Panel Chairman Silvestre Bello III.
Ayon kay Fuentes tila lumalabas na hinayaan na lamang ngayon ng gobyerno ang panghaharass ng rebeldeng grupo.
Paliwanag ni Fuentes dahil kasi sa ceasefire, hindi maaring tugisin ng mga pulis at militar ang mga nagpakilalang NPA na nanunog ng mga bus sa South Cotabato.
Ayon kay Fuentes dahil sa kawalan ng proteksyon sa gobyerno maaring mapilitan na lamang ang ilang mga negosyante na magbigay ng revolutionary tax sa mga rebelde.
Nabatid na simula noong Nobyembre tatlong mga bus na ang sinunog ng mga umanoy NPA sa lalawigan, pinakahuli dito ay naganap sa Poblacion Sto. Nino, South Cotabato noong Martes ng gabi.
Ipinagutos na ni Police Regional Office 12 Director Chief Superintendent Cedric Train sa pulisiya na makipagugnayan sa mga kumpanya ng Bus.
Ayon kay PRO 12 Information Officer, Superintendent Romeo Galgo ito ay upang pagusapan ang mga dapat gawin upang matigil na ang panununog sa mga bus.Sinabi ni Galgo na plano ngayon ng PNP 12 na magtalaga ng mga pulis sa mga pampasaherong bus.
Ayon kay Galgo isinusulong ng PNP 12 ang paglalagay ng police marshall sa bawat police station.Ang mga ito ay sasakay ng bus hanggang sa makarating sa kabilang bayan kung saan naghihintay naman ang mga pulis na papalit sa kanila.
Sinabi ni Galgo na ang ganitong sistema ay tatagal hanggang sa manumbalik na sa normal ang operasyon ng mga bus sa Region 12.
Nabatid na simula noong November 13 abot na sa 10 arson incident o panunog ng nagpakilalang NPA ang naganap sa SOCCSKSARGEN Region.

Nagsasagawa ngayon ng maigting na monitoring ang mga Municipal Agriculturist sa mga barangay na sinalanta ng pesteng balang sa South Cotabato.Ito ay ayon kay South Cotabato Provincial Agriculture Officer Justina Navarete.
Kabilang sa mga lugar na inatake ng Balang na mas kilala rin sa tawag na Apan ang mga barangay ng Mongcayo at Maan sa T’boli at Lampari sa Banga.
Nilinaw naman ni Navarete na wala pang natanggap na danyos sa perwisyo ng Balang ang kanilang tanggapan.
Paliwanag ni Navarete katatapos lang din kasing umani ng kanilang mga produkto ang mamamayan sa mga apektadong barangay.
Sa katunayan ayon kay Navarete, mismong mga residente na ang yaw pumayag na mag-spray ng insecticide para mapigilan ang pagdami ng mga ito.
Ayon kay Navarete marami kasi sa mga mamamayan sa mga sinalantang barangay ay ginawa na ring kabuhayan ang pagbebenta ng Balang.
Ipinahayag ni Navarete na bagama’t ligtas kainin ang Balang, mahalaga pa rin na ma-organisa ang mga nanghuhuli ng mga ito.
Ito ay upang matiyak na ligtas sa kemikal ang mga lugar kung saan hinuhuli ang mga tinitindang Balang.
Nakapagimbak na ng maraming stocks ng noche Buena items ang mga negosyante sa lalawigan ng South Cotabato.
Ayon kay Department of Trade and Industry o DTI South Cotabato Provincial Director Flora Gabunales, ito ay batay naman sa pakikipag usap nila sa mga ito.
Kaya ayon kay Gabunales makaasa ng sapat na supply ng mga pang noche buena ang mga mamamayan ng South Cotabato ngayong holiday season.
Ipinahayag ni Gabunales na ito rin ang dahilan kung bakit karamihan sa mga noche Buena items sa South Cotabato ay mas mababa pa ang presyo sa suggested retail price o SRP ng DTI.
Ayon kay Gabunales, nakatutulong din sa stable na presyo ng ilang mga noche Buena products ang mga lokal na kompanya na gumagawa nito sa South Cotabato.
Sinabi din ni GAbunales na sa ngayon ay hindi pa masyadong marami ang mga mamamayan sa lalawigan ang bumibili ng kanilang pang-noche Buena sa Pasko.

Coast Guard member hurt in Basilan gun attack dies in hospital

COTABATO CITY - The 26-year-old Philippine Coast Guard member wounded in a gun attack in Lamitan City on Thursday afternoon died in a hospital in...

Lalaki, binaril sa loob ng Mosque sa Maguindanao Sur, suspect kilala na ng mga otoridad 

COTABATO CITY - KINILALA ang biktima na si Mohammad Bato Ampatuan alias "Mads", 43 years old, at residente ng Sitio Siawan, Barangay Tamontaka, Datu...

Cops seize smuggled cigarettes in Jolo and Tawi-Tawi

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte - About 1500 reams of smuggled cigarettes were recovered by troops from Jolo MPS together with augmented...

350 pamilya, apektado ng bakbakan ng 2 MILF groups sa MagSur

BATAY YAN sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO ng Datu Unsay na isinumete sa Provincial Disaster Office....

Hundreds displaced as 2 MILF groups clash in Maguindanao del Sur

COTABATO CITY - Some 200 villagers have fled to neutral grounds as two rival groups in the Moro Islamic Liberation Front clashed and reportedly...