Tuesday May, 28 2024 11:58:39 AM

Mayor Bruce offers P500K for info on killers of "Choco" Marquez

Local News • 09:00 AM Sat Mar 9, 2024
297
By: 
Mark Anthony Tayco

COTABATO CITY - INANUNSYO ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalo na magbibigay ang city government ng kalahating milyong piso sa sinumang makapagtuturo sa pumatay kay Jose Raymond “Choco” Marquez.

Ginawa ni Matabalao ang alok kasabay ng necrological service ng City LGU para kay Marquez sa city hall bago ang kanyang libing kahapon.

Si Marquez ay operations officer ng Cotabato City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO)

Sinabi ng alkalde na maaring lumapit sa PNP ang sinumang may alam para ituro ang suspek kasabay ng pagtiyak na ligtas ang informant at mananatiling confidential ang kanyang pagkakilanlan.

Kasabay ng paglibing kay Choco kahapon ay sinabi ng alkalde na hindi maibabaon sa limot ang hustisya para sa kanya at tiniyak niya rin sa pamilya nito na may mananagot sa krimen.

Si Marquez ay binaril noong March 1 ng gabi habang sakay ng motor sa kanto ng Sinsuat Avenue at Gen. Luna Street.

Naulila niya ang kanyang maybahay at dalawang mga anak.

No description available.

Babae nahagip at napatay ng Mindanao Star Bus na patungong Cotabato City

DIGOS CITY, Davao Del Sur - Patay ang isang 51 taong gulang na matandang babae makaraang siya ay mahabig ng Mindanao Star Bus sa Purok Mangga,...

4 patay, 1 sugatan sa pamamaril sa Tantangan, South Cotabato

KORONADAL CITY - Patay ang apat na magkakamaganak habang sugatan naman ang isa pa nilang kasama matapos mabiktima ng pamamaril sa barangay Dumadalig...

Veteran director Carlo J. Caparas dies; 80

MANILA – Veteran director and comic strip creator Carlo J. Caparas, who was best known for putting life into iconic Filipino superheroes and...

Indigents, IPs get housing units from MSSD

AMPATUAN, Maguindanao del Sur - Indigenous Peoples and Moro indigents are now enjoying living in the comforts of their own homes provided for them by...

Army neutralizes a BIFF, captures IEDs and firearm in MagSur clash

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Operating troops of the Joint Task Force Central were conducting military operations in Butilen, Datu...