Wednesday Jul, 28 2021 10:01:31 AM

Magpet vice mayor to act as mayor pero naka "work from home"

Local News • 11:00 AM Tue Jun 15, 2021
186
By: 
DXND radyo Bida

KIDAPAWAN CITY - Hanggat wala pang official order o letter mula sa National or Regional DILG Office sa uupong caretaker ng Magpet, Cotabato, mananatiling acting mayor si Vice-mayor Bebot Maranon.

Nabatid na wala pang instruction mula sa DILG na uupo bilang caretaker si MLGO Officer Ivy Cervantes matapos na ma-quarantine ang lahat ng miyembro ng Sangguniang Bayan.

Kahit naka quarantine ay tuloy ang pagiging acting mayor ni Maranon kaya walang pagbabago sa normal na operasyon ng munisipyo.

Samantala, kahapon ay inanunsyo na ni Magpet Mayor Florenito Gonzaga na siya ay positibo sa virus at patuloy na nagpapagaling sa ospital.

Sa naunang panayam kay MLGO Officer Cervantes na uupo lamang itong caretaker oras na lalabas ang official order mula sa DILG.

Bilang caretaker ng munisipyo, limitado lamang ang saklaw nitong kapangyarihan ngunit tiniyak ang patuloy na pagbibigay serbisyo sa mga mamamayan ng bayan.

Kabilang na dito ang pagsiguro na hindi nahahadlangan ang basic services sa mga tutungo sa municipal hall ng bayan dahil mayroon namang mga department heads.

Isa rin sa magiging papel na gagampanan ni Cervantes bilang caretaker ay ang pag-apruba para sa disbursement ng pambayad sa kuryente, tubig, telecommunication services at iba pa, kabilang na rin ang payroll ng mga empleyado.

Sa ngayon hindi pa tiyak ni Cervantes kung kailan makakabalik ang mga opisyal na una nang pinayuhan ng Municipal Epidemiology Surveillance Unit o MESU na hindi muna sila maaaring makalabas matapos ma-expose sa COVID-19.

11 BIFF yield to Army in Maguindanao

AMPATUAN, Maguindanao  – Eleven outlawed Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) have separately surrendered voluntarily on separate...

Former 6th ID commander, ex-board member, pumanaw na

KORONADAL CITY - Itinuturing na isang malaking kawalan para sa lungsod ng Koronadal ang pagpanaw ng isa sa mga nirerespetong opisyal ng City Anti-...

Cook, huli sa anti-dug operation sa Koronadal

KORONADAL CITY - Balik kulungan ang isang drug surrenderee na under probation at nakinabang sa plea bargaining agreement ng korte matapos...

BARMM has 192 new peacekeeper cops

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao  - A total of 192 new graduates of police courses are now added to the forces in the Bangsamoro Region in Muslim...

2 die in South Cotabato highway mishap

KORONADAL CITY - Patay ang dalawang katao matapos masangkot sa aksidente sa national highway ng Barangay Palian, Tupi, South Cotabato....