Lockdown sa Marbel, hindi totoo sabi ni Mayor Ogena
KORONADAL CITY - Hindi magpapatupad muli ng lockdown o General Community Quarantine ang lokal na pamahalaan ng Koronadal City.
Ito ang nilinaw ni Koronadal City Mayor Eliordo Ogena sa kabila ng tumataas na naman na kaso ng COVID-19 sa lungsod. Sa ngayon ay umabot na sa 128 ang COVID-19 cases sa Koronadal na ayonsa alkalde ay mas mababa sa 145 bago siya na-quarantine.
Sinabi din nito na kung pagbabatayan ang statistics kontralado pa rin ang COVID-19 cases sa Koronadal. Paliwanag ni Ogena hindi pa kasi umaabot sa alarming level ang mga tinamaan ng COVID-19 sa Koronadal mula Marso noong nakaraang taon.
Dinagag din ni Ogena na dapat ipakita din ng mga mamamayan ang pagiging responsable ng mga ito at huwag maging kampante.
Ito ay matapos bawiin ng national government ang ilang COVID-19 restrictions.