Drug peddler, naaresto ng PNP sa Lanao del Sur
TIMRA Reports • 09:45 AM Wed Jul 6, 2022
442
By:
DXMS RADYO BIDA
CAMP SK PENDATUN, Maguindanao - HULI SA IKINASANG ANTI-DRUG operation ng Lanao del Sur PNP ang isang lalaking nagbebenta ng shabu sa bayan ng Tugaya.
Sinabi ni Lanao Sur police director Colonel Jibin Bongcayao na di na nakapalag si Hamsa Dilabayan matapos na siya ay arestuhin ng PNP at Army.
Nakuha sa kanya ang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P13,000 at marijuana.
Siya ay nakatakdang kasuhan ngayong araw.