BSKE 2023 sa Region 12 generally peaceful ayon sa PNP
KORONADAL CITY - Matiwasay pa rin sa pangkahalatan ang katatapos lang Barangay ang Sangguniang Kabataan Elections o BSKE 2023 sa Region 12.
Ayon kay PRO 12 Regional Director Brig. General Jimili Macaraeg, napanatili ng rehiyon ang pagiginig ehemplo nito ng participatory democracy.
Ipinapakita din nito ayon kay Macaraeg na totoo sa kanilang pangako para sa pagpapanatili ng katiwasayan at pagkakaisa ang mga mamamayan sa rehiyon.
Kaugnay nito pinuri naman ni Macaraeg ang mga voter, election officials, security personnel, mga kandidato at iba pang stakeholders.
Ayon sa nasabing police official dahil sa pagkakaisa ng mga ito naging Generally Peaceful ang eleksyon sa rehiyon.
Kaya ayon kay Macaraeg aasahan din ng mga mamamayan ng SOCCSKSARGEN ang mas magandang bukas sa pamumuno ng kanilang mga bagong lider.