Babaeng kawani ng Maguindanao Norte provincial social welfare office, patay sa ambush, kasama sugatan
DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao Norte - Patay ang isang babaeng kawani ng Municipal Social Welfare Office o MSWO ng Datu Odin habang sugatan ang kanyang kasamang babae din nang sila ay ambusin sa Barangay Semba alas 6 ng gabi kanina.
Sa impormasyong nakalap ng DXMS Radyo Bida, minamaneho ng biktima ang kaniyang sasakyan na Toyota Veloz nang bigla itong paputukan ng di pa nakikilalang mga suspect.
Bagama't wala pang ulat mula sa PNP, kinilala ang biktima ng mga kaibigan at katrabaho nito na si Christhia Angela Aragoncillio, Logistics Management Officer ng Maguindanao Provincial Social Welfare Office na ang tanggapan sa nasa Barangay Semba, Datu Odin Sinsuat.
Sugatan naman ang kasama nitong babae rin.
Inaasahang magpapalabas ng opisyal na pahayag ang DOS PNP sa bagay na ito.
Nagpalabas agad ng official statement ang MSSD-BARMM.