COTABATO CITY - TATLO ANG PATAY, dalawa ang ang sugatan sa naganap na pamamaril sa Barangay RH-12, Cotabato City kagabi.
May 12 katao naman ang inaresto at ngayon ay nasa custody ng Police Station 1.
Mahigpit na kinundina ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao ang pangyayari kasabay ng kanyang panawagan sa lahat na maging mahinahon.
Hiniling din niya ang impartial investigation sa pangyayari at papanagutin sa batas ang mga may sala.
Sinuspende rin ni Matabalao ang klase sa mga paaralan malapit sa lugar kung saan nangyari ang barilan.