Wednesday Jun, 26 2024 08:26:13 PM

Army recover high powered guns in MagNor

Local News • 23:15 PM Sat Apr 6, 2024
368
By: 
6th infantry Division news release

CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao del Norte – Nasamsam ng mga elemento ng 2nd Mechanized Infantry “Makasag" Battalion ang apat na matataas na kalibre ng armas sa Brgy Kakar, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte, kahapon ng umaga (April 5, 2024).

Ayon kay Lt. Col. Jerome D. Peñalosa, ang battalion commander ng nasabing yunit na habang nagsasagawa ang kanyang tropa ng clearing operations sa Sitio Meto sa nabanggit na lugar namataan nila ang mga armadong grupo. “Habang papalapit ang ating tropa, mabilis na nagpulasan ang sampu katao at naiwan ang mga kagamitang pandigma nila,” wika ni Lt. Col. Peñalosa.

Kabilang sa mga nasabat na armas ay isang 30 Cal. Machine Gun; dalawang M16 A1; isang 40mm M79 Grenade Launcher, mga magasin at iba’t-ibang uri ng mga bala.

Nabatid na isa ang barangay Kakar sa tatlong mga barangay sa Datu Odin Sinsuat ang pinasok ng mga armadong pangkat nitong mga nakaraang araw dahilan para lumikas ang libu-libong mga pamilya.

Ayon kay Major General Alex S. Rillera PA, Commander ng 6ID/JTFC malaking bagay ang pagkakakumpiska natin nitong mga kagamitang pandigma at makuha sa kamay ng mga hindi awtorisadong tao na magdala ng mga baril. “Katumbas ito ng pagsasalba ng buhay ng mga inosenteng sibilyan,” pahayag pa ni Maj. Gen. Rillera.

Cotelco announces June 30 power service interruption in Kabacan, Carmen

Entire Kabacan & part of Carmen town. TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO): KIDAPAWAN CITY - The Cotabato Electric Cooperative (...

Cotabato Light announces power interruption sked for June 28

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) today announced a scheduled power interruption affecting Dimapatoy, Datu Odin...

436 Moro boys circumcised in outreach mission

Health workers have circumcised 436 children from marginalized Moro families and treated more than a thousand others afflicted with common ailments...

Rouge Moro group harasses village, prevent relief mission for residents

COTABATO CITY - Moro gunmen on Tuesday fired assault rifles at a barangay hall in Bialong in Shariff Aguak, Maguindanao del Sur and prevented...

50 school administrators, students in Maguindanao provinces attend child protection orientation

COTABATO CITY  – Fifty school administrators and student leaders in Maguindanao provinces recently underwent a one-day orientation here on Child...