Sunday May, 19 2024 06:15:05 PM

2 kasapi ng BIFF, patay sa engkwentro sa Maguindanao Sur

Mindanao Armed Conflict • 06:00 AM Sun Mar 10, 2024
1
By: 
6th ID news release

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte - Dalawang mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nasawi matapos na makasagupa ang mga operating troops ng 1st Brigade Combat Team (1BCT) sa inilatag na decisive military operations sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del sur, mag-aalas 5:00 kahapon ng umaga (March 9, 2024).

Ayon kay Brigadier General Jose Vladimir Caraga PA, Commander ng 1BCT na dalawalang bangkay ng mga BIFF ang narekober ng kanyang mga tropa na patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan.

Agad namang tumakas ang mga armadong pangkat makaraang di nakayanan ang pwersa ng militar. Dahil dito nagsagawa ng clearing operation ang tropa ng kasundaluhan sa pinangyarihan ng engkwentro sa Brgy. Kitango kungsaan narekober ang isang M16 rifle at mga bala, isang Cal. 50 Homemade Barret; at 2 IEDs (PVC pipe bomb).

Sa ngayon patuloy na tinutugis ng militar ang nasa 20 bilang ng mga BIFF sa ilalim ng Karialan Faction na tumakas makaraang makasagupa ang mga operating troops ng 1BCT kasama ang iba pang unit ng militar.

Pinuri ni Major General Alex S Rillera PA, Commander ng 6ID/ JTFC ang tropa ng pamahalaan sa matagumpay na military operations. “Patuloy ang ating panawagan sa mga miyembro ng BIFF na magbalik loob na sa pamahalaan, dahil hindi kami mangingiming pulbusin kayo kung patuloy pa rin kayong lalaban sa ating gobyerno. Ang mga narekober nating mga baril at pampasabog ay indikasyon lamang sa mga masasamang balakin nila na nahadlangan ng ating mg kasundaluhan”, pahayag ni Maj. Gen. Rillera.

Iginiit pa ng Division Commander na kahit saan pa magtago ang mga kalaban ay kaya silang lipulin ng tropa ng militar dahil sa mga makabagong teknolohiya ng hukbo sa pakikidigma, bagay na hinihikayat ni Maj. Gen. Rillera ang mga BIFF, Daulah Islamiya at iba pang mga ekstremistang grupo na sumuko at magbalik loob sa pamahalaan.

Granada pinasabog sa loob ng Roman Catholic chapel sa Cotabato City, 2 sugatan

COTABATO CITY - Hinagisan ng granada ng di pa nakilalang mga suspect ang isang kapilya ng Simbahang Romano Katoliko sa Barangay Rosary Heights 3 na...

Prayer rally vs charter change set outside Senate on May 22

Opponents of the proposed Charter change are bringing their message to the Senate. Church and civil society organizations have scheduled a prayer...

P108-M worth of shabu seized by PDEA-9 agents in Zamboanga City

COTABATO CITY - Agents of the Philippine Drug Enforcement Agency seized P108 million worth of shabu from a dealer entrapped in Barangay Canelar in...

Police rearrest 1 of 5 detainees who bolted Parang police lock-up cell

PARANG, Maguindanao del Norte  – Police authorities here have arrested one of the five fugitives who bolted the municipal police station...

Sulu Gov. Sakur Tan to seek BARMM office of chief minister

INANUNSYO ng Bangsamoro Grand Coalition o BGC ang kanilang pag-endorso kay Sulu Governor Abdusakur Tan na tumakbo bilang BARMM Chief Minister sa May...