Sunday May, 19 2024 07:50:23 AM

Ilang governor sa BARMM, nag-petisyon sa Supreme Court na ideklarang “unconstitutional” ang BLGC

BANGSAMORO NEWS UPDATES • 15:15 PM Tue Feb 27, 2024
665
By: 
DXMS/Drema Quitayen Bravo
Ang mga petitioners na sina Lanao Sur Gov. Mamintal Adiong, Maguindanao Sur Gov. Mariam Mangudadatu at Sulu Gov. Abdusakur Tan.

COTABATO CITY - Ang petisyon ay inihain kahapon sa Supreme Court laban sa Bangsamoro Autonomy Act 49 o ang BARMM Local Governance Code o BLGC na nilagdaan ni Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim noong nakaraang taon.

Petitioners sina Lanao Sur Gov. Mamintal Adiong, Sulu Gov. Sakur Tan at Maguidnanao Sur Gov. Mariam Mangudadatu, kasama ang mayors league, councilors leage at liga ng barangay ng Maugindanao Sur at Lanao Sur.

Anila, may probisyon ang BLGC na laban sa constitution, local government code, Bangsamoro organic law at sa local autonomy ng mga LGUs.

Nais nila na magpalabas ang Supreme Court ng “status quo ante order, temporary restraining order and writ of preliminary injunction” upang pigilan ang pagpapatupad ng nasabing batas.

Sa ilalim ng Konstitusyon, sinabi ng petitioners na ang BLGC at iba pang regional laws ng BARMM ay dapat naaayon sa konstitusyon at national laws.

Malinaw anila na merong “grave abuse of discretion” si Chief Minister Ebrahim dahil nasa kanya ang kapangyarihang mag-appoint ng nabakanteng elective positions sa mga LGUS, isang kapangyarihan na nasa kamay ng pangulo at sa DILG.

Giit ng mga petitioner na tanging ang Kongreso lang ang may kapangyarihan upang magtakda at ipagbawal ang political dynasties.

Sinabi ni Lanao Sur Governor Mamintal Adiong na ang kanilang petisyon ay naglalayong linawin ang mga kapangyarihan ng national, regional at local governments sa rehiyon.

P108-M worth of shabu seized by PDEA-9 agents in Zamboanga City

COTABATO CITY - Agents of the Philippine Drug Enforcement Agency seized P108 million worth of shabu from a dealer entrapped in Barangay Canelar in...

Police rearrest 1 of 5 detainees who bolted Parang police lock-up cell

PARANG, Maguindanao del Norte  – Police authorities here have arrested one of the five fugitives who bolted the municipal police station...

Sulu Gov. Sakur Tan to seek BARMM office of chief minister

INANUNSYO ng Bangsamoro Grand Coalition o BGC ang kanilang pag-endorso kay Sulu Governor Abdusakur Tan na tumakbo bilang BARMM Chief Minister sa May...

5 preso nakatakas sa Parang detention facility, tulong ng publiko hiniling ng PNP

Nanawagan ang mga otoridad sa Parang, Maguindano del Norte na makipagtulungan sa kanila kung sakaling may mga nakakita sa mga lalaking nasa larawan...

NGCP scheduled power interruption for May 19 cancelled

What: CANCELLED NOTICE OF National Grid Corporation of the Philippines POWER INTERRUPTION When: Sunday, May 19, 2024 | 7:00 - 8:00 AM | 5:00...