Saturday May, 18 2024 10:11:42 PM

Tripolante ng 2 pumpboat mula Zamboanga Sibugay, pinaputukan, pinatalon malapit sa Bongo island

Local News • 06:15 AM Tue Feb 6, 2024
422
By: 
DXMS NDBC
Dalawa sa mga tripolante ng pumpboat na may dalang smuggled cigarettes. (shared photo)

NASA KUSTODIYA na ngayon ng Datu Blah Sinsuat PNP sa Maguindanao del Norte ang apat na kalalakihan matapos na pagbabarilin at inagawan ng kanilang sinasakyang mga pumpboat sa bahagi ng Bongo Island sa bayan ng Parang.

Dalawa sa kanila ay napadpad sa Barangay Pura, Datu Blah Sinsuat habang ang dalawa naman ay napunta sa karagatang sakop ng Barangay Tapian sa bayan naman Datu Odin Sinsuat.

Kinilala ni Datu Blah Sinsuat town police chief Captain Abdulbasit Kulod ang apat na sina Rasiden Asdali at TAwasil Jumadil, kapuwa taga Sulu, Yahya Hadjulani at Gajer Sampang, na parehong taga Recodo, Zamboanga City.

Sinabi ni Kulod na labing-isa umano silang lahat sakay ng dalawang pump boat mula Zamboanga Sibugay habang karga ang mga smuggled cigarettes.

Pero pagsapit sa Bongo Island ay pinagbabaril sila ng mga armadong kalalakihan sakay ng maliliit na bangka, tinangay ang kanilang mga kargamento at saka pinatalon sa dagat.

Hindi pa batid kung saan napadpad ang pito pang nilang mga kasamahan.

Nakatakda naman silang iuwi sa kani-kanilang mga bayan.

P108-M worth of shabu seized by PDEA-9 agents in Zamboanga City

COTABATO CITY - Agents of the Philippine Drug Enforcement Agency seized P108 million worth of shabu from a dealer entrapped in Barangay Canelar in...

Police rearrest 1 of 5 detainees who bolted Parang police lock-up cell

PARANG, Maguindanao del Norte  – Police authorities here have arrested one of the five fugitives who bolted the municipal police station...

Sulu Gov. Sakur Tan to seek BARMM office of chief minister

INANUNSYO ng Bangsamoro Grand Coalition o BGC ang kanilang pag-endorso kay Sulu Governor Abdusakur Tan na tumakbo bilang BARMM Chief Minister sa May...

5 preso nakatakas sa Parang detention facility, tulong ng publiko hiniling ng PNP

Nanawagan ang mga otoridad sa Parang, Maguindano del Norte na makipagtulungan sa kanila kung sakaling may mga nakakita sa mga lalaking nasa larawan...

NGCP scheduled power interruption for May 19 cancelled

What: CANCELLED NOTICE OF National Grid Corporation of the Philippines POWER INTERRUPTION When: Sunday, May 19, 2024 | 7:00 - 8:00 AM | 5:00...