Monday May, 20 2024 05:27:50 AM

UPDATE: Lady doctor, sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur, 3 sibilyan sugatan

Local News • 07:00 AM Sun Feb 4, 2024
942
By: 
DXMS NDBC
Larawan ng sasakyan ng biktima sa Buluan, Maguindanao del Sur. (Larawan kaloob ni Susana Adil ng Buluan)

Inambush ng di pa nakikilalang mga suspect ang isang babaeng doktor habang nagmamaneho ng kanyang sasakyan sa national highway ng Buluan, Maguindanao del Sur kagabi.

Kinilala ni Bulaun municipal police station chief Lt. Cemafranco Cemacio ang biktima na si Dr. Sharmaine Ceballos Baroquillo, 28 taong gulang, may-asawa at nagmamaneho ng itim na Toyota Swift (MAN-1705) nakatira sa Esposoda Village Cannery site, Polomolok, South Cotabato at nagtatrabaho sa isang government hospital.

Patungong Tacurong City ang biktima nang mapansin niyang may sumusunod sa kanyang naka motorsiklo. Pagsapit sa bahagi ng Paking 3 area ng Buluan ay pinaputukan dakong alas 7:30 ng gabi nitong sabado.

Ang ambush site ay ilang metro lang ang layo sa Buluan District Hospital kung saan siya isinugod ng mga nagrespondeng mga sibilyan sa lugar.

Bagaman at tinamaan na, nagawa pang i-maneho ni Baroquillo ang sasakyan sa mataong lugar pero nabangga niya ang isang tricycle at isang bahay.

Dinala siya ng mga sibilyan sa Buluan District Hospital kung saan siya ay ginagamot hanggang sinusulat ang balitang ito.

Samantala, sugatan din ang tatlo katao na sakay ng nakaparadang tricycle na nabanggap ng Wigo. 

Ang tatlo ay miembro ng pamilya ni Nek Gaguil.

Granada pinasabog sa loob ng Roman Catholic chapel sa Cotabato City, 2 sugatan

COTABATO CITY - Hinagisan ng granada ng di pa nakilalang mga suspect ang isang kapilya ng Simbahang Romano Katoliko sa Barangay Rosary Heights 3 na...

Prayer rally vs charter change set outside Senate on May 22

Opponents of the proposed Charter change are bringing their message to the Senate. Church and civil society organizations have scheduled a prayer...

P108-M worth of shabu seized by PDEA-9 agents in Zamboanga City

COTABATO CITY - Agents of the Philippine Drug Enforcement Agency seized P108 million worth of shabu from a dealer entrapped in Barangay Canelar in...

Police rearrest 1 of 5 detainees who bolted Parang police lock-up cell

PARANG, Maguindanao del Norte  – Police authorities here have arrested one of the five fugitives who bolted the municipal police station...