Monday May, 20 2024 04:19:44 AM

Dating opisyal ng ARMM, patay sa pamamaril sa Cotabato City

Peace and Order • 05:15 AM Mon Jan 29, 2024
577
By: 
DXMS NDBC
Ang sasakyan ng biktima sa harap ng Shell gas station sa kanto ng Sinsuat at Ramon Rabago Avenue, Cotabato City. (DXMS photo)

COTABATO CITY - BINARIL at napatay kagabi ng di pa nakilalang mga suspect si Engr. Ramil Masukat na nagsilbi bilang director ng binuwag na humanitarian arm ng Bangsamoro region.

Si Masukat ay nagmamaneho ng kanyang kulay pulang Toyota Innova nang paputukan ng mga suspect na nakamotor sa Ramon Rabago Avenue, malapit sa Shell Gas Station.

Nagawa pa niyang imaneho ng kanyang driver ang sasakyan hanggang sa gasoline station sa tapat ng police station No. 2.

Sa initial report ng Police Station 2, nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan si Masukat at siya ay binawian ng buhay habang ginagamot sa Cotabato Regional and Medical Center.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon hinggil sa nangyaring pamamaril.

Noong November 2022, si Masukat na noon ay Rajah Buayan Municipal Planning and Development Officer ay inambus at nakaligtas.

Granada pinasabog sa loob ng Roman Catholic chapel sa Cotabato City, 2 sugatan

COTABATO CITY - Hinagisan ng granada ng di pa nakilalang mga suspect ang isang kapilya ng Simbahang Romano Katoliko sa Barangay Rosary Heights 3 na...

Prayer rally vs charter change set outside Senate on May 22

Opponents of the proposed Charter change are bringing their message to the Senate. Church and civil society organizations have scheduled a prayer...

P108-M worth of shabu seized by PDEA-9 agents in Zamboanga City

COTABATO CITY - Agents of the Philippine Drug Enforcement Agency seized P108 million worth of shabu from a dealer entrapped in Barangay Canelar in...

Police rearrest 1 of 5 detainees who bolted Parang police lock-up cell

PARANG, Maguindanao del Norte  – Police authorities here have arrested one of the five fugitives who bolted the municipal police station...