Sunday May, 19 2024 12:11:07 AM

Maguindanao Sur head teacher, patay sa pamamaril

Peace and Order • 16:30 PM Mon Jan 22, 2024
498
By: 
Drema Q. Bravo/DXMS
Photo from FB page of Sálípúdíñ Pàgàgàò Ãyõb

MAMASAPANO, Maguindanao del Sur - NASAWI on the spot ang teacher-in-charge ng Datu Tecson Elementary School ng Sultan Sa Barongis sa Maguindanao del Sur sa ambush na naganap sa Barangay Manungkaling dito pasado ala 1:00 ng hapon kanina.

Kinilala ni Mamasapano town Police Chief Lt. Lou Christian Villoñes ang biktima na si Mamadatu Dalandas, nasa hustong gulang na taga Barangay Papakan, Sultan Sa Barongis.

Ayon kay Villoñes, minamaneho ng biktima ang kaniyang Honda Click motorcycle mula Rajah Buayan patungo sanang Mamasapano Elementary School nang pagsapit sa Barangay Manungkaling ay pinagbabaril ito ng di pa tukoy na suspek.

Kinondena naman ng Sultan sa Barongis LGU ang pagpatay kay Dalandas na anila ay isang masipag at tapat sa serbisyo bilang guro na may malaking ambag sa iba’t-ibang parangal na naabot ng kanilang paaralan.

Nagpaabot din ito ng pakikiramay sa pamilya ng guro at hiniling ang pagkamit ng agarang hustisya.

Siya ang ikalawang head teacher na binaril at napatay sa Datu Salibo-Mamasapano-Sultan sa Barongis-Lambayong national highway sa nakalipas na tatlong buwan.

Noong Nov. 15, binaril at napatay din ang nakamotorsiklo na si Hermielex Kapusan, 40, head teacher of Tukanakuden Elementary School ng Sultan sa Barongis, habang ito ay pauwi sa kanyang lugar sa Lambayong, Sultan Kudarat.

P108-M worth of shabu seized by PDEA-9 agents in Zamboanga City

COTABATO CITY - Agents of the Philippine Drug Enforcement Agency seized P108 million worth of shabu from a dealer entrapped in Barangay Canelar in...

Police rearrest 1 of 5 detainees who bolted Parang police lock-up cell

PARANG, Maguindanao del Norte  – Police authorities here have arrested one of the five fugitives who bolted the municipal police station...

Sulu Gov. Sakur Tan to seek BARMM office of chief minister

INANUNSYO ng Bangsamoro Grand Coalition o BGC ang kanilang pag-endorso kay Sulu Governor Abdusakur Tan na tumakbo bilang BARMM Chief Minister sa May...

5 preso nakatakas sa Parang detention facility, tulong ng publiko hiniling ng PNP

Nanawagan ang mga otoridad sa Parang, Maguindano del Norte na makipagtulungan sa kanila kung sakaling may mga nakakita sa mga lalaking nasa larawan...

NGCP scheduled power interruption for May 19 cancelled

What: CANCELLED NOTICE OF National Grid Corporation of the Philippines POWER INTERRUPTION When: Sunday, May 19, 2024 | 7:00 - 8:00 AM | 5:00...