Wednesday May, 22 2024 09:56:31 AM

MILG-BARMM community resiliency program, nakikitang paraan upang maiwasan ang karahasan sa Marawi

BANGSAMORO NEWS UPDATES • 20:15 PM Sun Dec 3, 2023
373
By: 
DXMS NDBC

Pagtuwid ng maling ideolohiya at maling turo ng relihiyon ang isa sa nakikitang solusyon ng BARMM government para hindi na maulit ang pagpapasabog sa MSU-Marawi City.

At dahil diyan, mas palalakasin pa ng Ministry of the Interior and Local Government o MILG-BARMM sa pamumuno ni Minister Atty. Naguib Sinarimbo ang pagsusulong ng community resiliency program.

Kasunod ito ng nangyaring pagpapasabog sa MSU-Marawi City.

Unang nabuo ang programa kasunod ng Marawi Siege.

Layon ng programa na ipa-intindi sa mga mamamayan ang maling ideolohiya at maling pagkakaintindi o turo ng relihiyon na hindi katanggap-tanggap sa kumunidad.

Ito ang nakikitang solusyon ni MILG BARMM minister Atty. Naguib Sinarimbo upang hindi na maulit ang insidente maliban sa pagpapalakas ng seguridad.

Dapat aniya alam din ng mamamayan ang masamang epekto ng violent extremism upang ang mga mamamayan mismo ang magbabantay sa kanilang kumunidad at magsusumbong sa mga otoridad.

Hindi kaya ng PNP ang problema sa maling ideolohiya kaya't malaki ang papel ng mga mamamayan sa pagsugpo ng karahasan sa rehiyon.

Naniniwala naman si BARMM chief Minister Murad Ibrahim na maliban sa pagbibigay solusyon sa problema sa ideolohiya dapat din aniya malaman ng mga violent extremists na wala na silang dpat ipaglaban dahil nandiyan na ang Bangsamoro Government na handang tumulong sa kanila.

OMI first profession of religious vows and acceptance to the OMI Novitiate

COTABATO CITY - LIMANG MGA OBLATE NOVICES ng nagsagawa ng kanilang first profession of vows sa Oblates of Mary Immaculate kahapon. Ito ay sina...

OPAPRU: Cotabato City chapel blast culprits to be punished

MANILA – The Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) on Tuesday deplored the grenade attack at a Catholic...

Cotabato Light announces NGCP scheduled power service interruption for May 26

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) announced today the National Grid Corporation of the Philippines (NGCP)...

Groups, BARMM officials condemn Cotabato City chapel bombing

COTABATO CITY - Various sectors condemned Sunday’s grenade attack on a small Catholic chapel in a residential area here that hurt two worshipers and...