Monday May, 20 2024 03:38:06 AM

Mangingisda, naaresto ng Coast Guard dahil sa dynamite fishing

Breaking News • 07:00 AM Fri Nov 10, 2023
461
By: 
DXMS NDBC
Ang mga dinamita na gamit ng suspect na si Joharto Sulaiman. (Mga larawan mula sa IATFK)

COTABATO CITY - KINILALA ng Inter-Agency Task Force Kutawato (IATFK) sa pamumuno ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao ang operator ng bangka, na si Joharto Sulaiman Dawan ng Purok 4, Mother Barangay Kalanganan sa lungsod.

Sa ulat ng IATFK, si Dawan ay naaktuhang gumagamit ng dinamita kasama ang dalawang menor de edad alas dyes ng umaga kamakalawa sa karagatang malapit sa Kalanganan 2.

Sa pagsisiyasat, natagpuan sa motorized boat ng suspek ang mga pampasabog pati na ang mga isdang hinihinalang nahuli gamit ang dinamita.

Ang operasyon ay magkatuwang na inilunsad ng Maguindanao/Cotabato Maritime Police Station at ng Philippine Coast Guard - Maguindanao.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa section 92(b) ng Republic Act 10654 na nagbabawal sa ganitong uri ng pangingisda.

Nasa custodial facility na ng City PNP si Dawan habang nasa pangangalaga na ng DSWD ang mga menor de edad na suspek.

May be an image of lighter

May be an image of 3 people, people boat racing, sailboat and sail

May be an image of 3 people, people fishing and kayak

Granada pinasabog sa loob ng Roman Catholic chapel sa Cotabato City, 2 sugatan

COTABATO CITY - Hinagisan ng granada ng di pa nakilalang mga suspect ang isang kapilya ng Simbahang Romano Katoliko sa Barangay Rosary Heights 3 na...

Prayer rally vs charter change set outside Senate on May 22

Opponents of the proposed Charter change are bringing their message to the Senate. Church and civil society organizations have scheduled a prayer...

P108-M worth of shabu seized by PDEA-9 agents in Zamboanga City

COTABATO CITY - Agents of the Philippine Drug Enforcement Agency seized P108 million worth of shabu from a dealer entrapped in Barangay Canelar in...

Police rearrest 1 of 5 detainees who bolted Parang police lock-up cell

PARANG, Maguindanao del Norte  – Police authorities here have arrested one of the five fugitives who bolted the municipal police station...