Sunday May, 19 2024 02:18:26 PM

Koronadal couple slain in Maguindanao ambush

Mindanao Armed Conflict • 07:00 AM Mon Jun 19, 2023
1
By: 
DXMS Radyo Bida Cotabato
Ang mga labi ng nasawing lalaki habang ginagawa ng PNP ang imbestigasyon. (PNP photo)

PATAY ANG mag asawa matapos pagbabarilin sa national highway ng Barangay Tambunan I, Talayan, Maguindanao del Sur noong Sabado ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Ruel Pabrera Hilado, 40 taong gulang at asawa nitong si Mary Jane, 36 years old, pawang taga Purok Garcia Villa, Barangay Zone 1, Koronadal City.

Ayon kay Talayan PNP chief Major Zukarnain Kunakon, sakay ang mag asawa ng motorsiklo pauwi ng Koronadal nang bigla silang pagbabarilin ng mga suspek na sakay ng Toyota Vios.

Dead on the spot ang mister habang nadala pa sa pagamutan ang misis pero kalaunan ay namatay din. Lumabas sa police investigation na bumaba pa ang isa sa mga suspect at kinuha mula sa biktima ang dala nitong envelope.

Narekober sa crime scene ang limang mga empty shells ng caliber .45 pistol. Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon hinggil sa insidente ayon kay Major Kunakon.

Samantala, pumanaw na sa ospital kahapon si teacher Israel Paguital NG Datu Anggal Midtimbang Elementary School israel sampung araw matapos na siya ay ma-ambush noong June 8.

Ang pagpanaw ni Paguital na taga Datu Odin Sinsuat, Maguindanao Sur ay kinumpirma sa DXMS Radyo Bida ni Datu Anggal Midtimbang municipal police Major Jun Olis.

Granada pinasabog sa loob ng Roman Catholic chapel sa Cotabato City, 2 sugatan

COTABATO CITY - Hinagisan ng granada ng di pa nakilalang mga suspect ang isang kapilya ng Simbahang Romano Katoliko sa Barangay Rosary Heights 3 na...

Prayer rally vs charter change set outside Senate on May 22

Opponents of the proposed Charter change are bringing their message to the Senate. Church and civil society organizations have scheduled a prayer...

P108-M worth of shabu seized by PDEA-9 agents in Zamboanga City

COTABATO CITY - Agents of the Philippine Drug Enforcement Agency seized P108 million worth of shabu from a dealer entrapped in Barangay Canelar in...

Police rearrest 1 of 5 detainees who bolted Parang police lock-up cell

PARANG, Maguindanao del Norte  – Police authorities here have arrested one of the five fugitives who bolted the municipal police station...

Sulu Gov. Sakur Tan to seek BARMM office of chief minister

INANUNSYO ng Bangsamoro Grand Coalition o BGC ang kanilang pag-endorso kay Sulu Governor Abdusakur Tan na tumakbo bilang BARMM Chief Minister sa May...