Sunday May, 19 2024 12:30:56 PM

Planong pambobomba sa NGCP Tower, napigilan ng militar sa Pikit, SGA-BARMM

Peace and Order • 21:00 PM Mon Jun 12, 2023
1
By: 
6th ID news release
Army bomb experts safely deactivate three improvised bombs in Pikit, North Cotabato. (6th ID photo)

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Agad na napigilan ng mga elemento ng militar at pulisya ang tangkang pagpapasabog sana sa tower ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa Sitio Punol, Batulawan, Pikit na sakop ng Special Geographic Area ng BARMM.

Ayon kay Lt. Col. Rowel Gavilanes, ang Commanding Officer ng 90th Infantry (Bigkis-Lahi) Battalion, agad na ‘disarmed’ ng EOD ng militar katuwang ng PNP ang tatlong mga IEDs o anti-personnel mine na tangkang pasabugin sa NGCP tower No. 39 sa nasabing lugar.

Una rito ay tinungo ng mga elemento ng 90IB kasama ang pulisya ang nabanggit na sitio matapos maiulat ng mga sibilyan ang nangyaring pagsabog dakong alas-8:30 ng umaga kanina dahilan para matagpuan ng mga kasundaluhan ang tatlong iba pang mga anti-personnel mine.

“Dahil dito nananatiling naka-alerto ang ating mga kasundaluhan at kapulisan sa posibleng diversionary tactics ng mga kalaban”, wika naman ni Brigadier General Donald Gumiran, Brigade Commander ng 602nd Brigade.

Sinabi pa ng Brigade Commander na maliban sa tatlong mga APM na natagpuan kaninang umaga ay isa ding Unexploded Ordnance (UXO) na gawa sa isang 81mm High Explosive (HE) ang natagpuan ng mga residente ng Barangay Kadigasan, Midsayap, Cotabato, kahapon.

Ipinahayag naman ni Major General Alex S. Rillera, pinuno ng 6ID at Joint Task Force Central na hindi magbababa ng alerto ang kasundaluhan kasama na ang iba pang mga security forces para matiyak lamang ang seguridad ng mamamayan. Binigyang diin pa nito na kung hindi napigilan ng militar at pulisya ang pagsabog ay posibleng maapektuhan ang suplay ng kuryente at apektado rin ang ekonomiya sa lugar. “Kaya ang inyong kasundaluhan ay patuloy na nagbabantay sa mga vital installation ng gobyerno at pribadong sektor na nagbibigay sigla sa ekonomiya habang ‘di natin isinasantabi ang kaligtasan ng ating mamamayan.”

“Ang ganitong mga gawain ay tahasang paglabag sa batas na nagdadala ng banta sa buhay at kaligtasan ng mga tao. Kaya, kami sa 6ID katuwang ang ibang security forces ay hindi mangingiming tugisin ang mga masasamang elemento na responsable sa paghahasik ng mga karahasan at sumisira sa kapayapaan at patuloy na pag-unlad ng ekonomiya ng Central at South Central Mindanao”, matapang na pahayag ni Maj. Gen. Rillera.

Prayer rally vs charter change set outside Senate on May 22

Opponents of the proposed Charter change are bringing their message to the Senate. Church and civil society organizations have scheduled a prayer...

P108-M worth of shabu seized by PDEA-9 agents in Zamboanga City

COTABATO CITY - Agents of the Philippine Drug Enforcement Agency seized P108 million worth of shabu from a dealer entrapped in Barangay Canelar in...

Police rearrest 1 of 5 detainees who bolted Parang police lock-up cell

PARANG, Maguindanao del Norte  – Police authorities here have arrested one of the five fugitives who bolted the municipal police station...

Sulu Gov. Sakur Tan to seek BARMM office of chief minister

INANUNSYO ng Bangsamoro Grand Coalition o BGC ang kanilang pag-endorso kay Sulu Governor Abdusakur Tan na tumakbo bilang BARMM Chief Minister sa May...

5 preso nakatakas sa Parang detention facility, tulong ng publiko hiniling ng PNP

Nanawagan ang mga otoridad sa Parang, Maguindano del Norte na makipagtulungan sa kanila kung sakaling may mga nakakita sa mga lalaking nasa larawan...