Monday May, 06 2024 01:56:47 PM

Pagpatay sa 13=-year-old junior high student sa Pikit, kinundina ni DILG Sec. Abalos

Mindanao Armed Conflict • 11:30 AM Thu Feb 16, 2023
711
By: 
DILG news release

Opisyal na pahayag ng Kagawaran sa pamamaril sa Pikit, Cotabato noong Pebrero 14, 2023

Benjamin Abalos, Jr.

DILG Secretary

Kinokondena ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang walang saysay na pamamaril sa Pikit, Cotabato kahapon, Pebrero 14, 2023, na bumiktima sa mga inosenteng mag-aaral ng Pikit National High School.

Kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang Kagawaran kay National Security Adviser Eduardo M. Año at Department of National Defense Secretary Carlito Galvez, Jr. upang tukuyin at masukol ang mga suspek sa likod ng nasabing pamamaslang. Hindi tayo titigil hanggang hindi nagkakaroon ng hustisya ang mga naging biktima at kanilang mga pamilya. Walang puwang ang mga mamamatay-tao sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. lalo na ang kumikitil ng buhay ng mga bata.

Inatasan ko din si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. na pangunahan ang imbestigasyon sa naganap na pamamaril katuwang ang ating mga kasama sa DILG at PNP regional offices. Our resolve on these heinous crimes will not dwindle as we continue to fulfill our mandate to protect the Filipinos.

Sa ngalan ng lahat ng mga kawani ng DILG at mga attached agencies nito, buong puso po kaming nakikiramay sa mga nabiktima ng walang habas na pamamaril na ito na patuloy na nagdudulot ng pagkatakot at pagkabalisa sa mga mamamayan ng Pikit, Cotabato. Asahan n’yo pong kami ay makakasama ninyo sa tuluyang pagresolba sa krimeng ito kalakip ang aming pagsusumikap tungo sa pagpapaigting ng kapayapaan sa Mindanao.

PRO-BAR chief Tanggawohn bestowed posthumous award to Capt. Moralde

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte - The Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region bestowed posthumous award to late PCPT ROLAND ARNOLD...

Suspected gunrunners huli, mga armas nakumpiska sa kanila sa Alamada

COTABATO CITY - KULONG na ngayon ang dalawang mga gunrunners matapos mahuli ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG BARMM sa isang...

High value drug peddler falls, yields 150 grams of shabu in Lanao Sur

MARAWI CITY - Lanao del Sur PPO's Provincial Drug Enforcement Unit/Provincial Special Operations Group, 1st Provincial Mobile Force Company, Marawi...

6 armed villagers wounded in Basilan ambush incident

COTABATO CITY - Ambushers seriously wounded six men in a rival group in an attack early Saturday in Sitio Lessem, Barangay Bato-Bato, Akbar...

DA: Price freeze needed only in areas under state of calamity

MANILA – The Department of Agriculture (DA) on Friday said that a price freeze of rice and other basic commodities should only be implemented in...