Thursday May, 02 2024 01:01:35 PM

6 BIFF sumuko sa Tacurong City

Mindanao Peace Process • 08:15 AM Mon Jan 16, 2023
629
By: 
6th ID Public Affairs Office
A BIFF member hands over his rifle to Rep. Mohamad Tong Mangudadatu during surrender rites Sunday. (Army photo)

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Nagbalik-loob sa pamahalaan ang anim na mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF – Karialan Faction sa punong himpilan ng 1st Mechanized Brigade sa Camp Leono, Brgy Kalandagan, Tacurong City.

Ang anim na mga dating BIFF Combatants ay sumuko kay Lt. Col. Jayson Domingo, ang commanding officer ng 1st Mechanized Battalion.

Sabay din na isinuko ng anim ang bitbit nilang mga armas at pampasabog na kinabibilangan ng isang 60mm Mortar, isang M16A1 Rifle, isang Garand Rifle, isang Cal .30 Carbine Rifle, isang RPG at isang Improvised Explosive Device.

Alas-10:30 ng umaga nitong ika-15 ng Enero, 2023 ay iprenisinta ang dating mga BIFF combatants kay Brigadier General Pedro Balisi Jr, Commander, 1Mech Bde, Armor Div, PA kasama sina Cong. Mohamad “Tong” P Paglas, Representative, 2nd District Maguindanao Del Sur; Atty Cyrus E Torreña, Maguindanao Del Sur, Provincial Administrator; at Mr Roger D Dionisio, Agila Haven Focal Person sa Camp Leono sa isang simpleng programa.

Agad na binigyan ng financial na assistance ang mga sumuko at tumanggap din ng sako ng bigas bilang paunang tulong sa mga ito.

“We are overjoyed to learn that local government entities and the public in the Joint Task Force Central area are committed to playing an active part in the effort to completely exterminate extremist groups. Indeed, our efforts to resolve local terrorism pave the way through the support of our local government units from Maguindanao”, Brig. Gen. Balisi said.

Giit ng mga sumuko na hindi na nila makaya ang gutom at hirap sa pagtakbo at pag-iwas sa tropa ng pamahalaan bukod pa sa nabalitaan nila ang mas pinalakas na armas pandigma ng sundalo na gagamitin laban sa kanila.

“Nais na naming magbagong buhay. Nakikita namin ang panibagong buhay ng mga dating kasamahan namin na una ng nagbalik-loob sa ating gobyerno na mas tahimik at maayos na ang kanilang pamumuhay”, pahayag ng isa sa mga dating ekstremistang grupo.

Ikinagalak naman ni Major General Roy M Galido, Commander ng 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central ang pagsuko ng anim. Kasabay nito nananawagan naman ang Heneral sa ilan pang kasapi ng BIFF na magbalik-loob na sa gobyerno at yakapin ang inaalok na kapayapaan ng pamahalaan. “Biktima lamang kayo ng panlilinlang at maling impormasyon, kaya nga nandito ang inyung kasundaluhan at ang ating gobyerno para kayo ay tulungan at maibalik sa tamang landas”, pahayag ni Maj. Gen. Galido.

Police captain patay sa pamamaril sa Parang public market

PATAY on the spot si Police Captain Roland Moralde matapos makipagbarilan sa isang lalaking may dala-dalang armas sa public market ng Parang,...

State of Calamity, idineklara na sa buong BARMM dahil sa matinding epekto ng El Niño

COTABATO CITY - IDINEKLARA na ang State of Calamity sa buong Bangsamoro Region batay sa inilabas na Proclamation No. 002 s. 2024 ng Office of the...

Marawi anti-drug op nets P6.8-M shabu, suspect arrested

MARAWI CITY - In the battle against illegal drug trafficking, joint operatives from PDEA LDS (lead unit); Marawi City Police Station, CDEU, PDEU/PSOG...

PDEA-BARMM buy bust nets 3 drug peddlers, P6.8-M shabu

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao Norte - Abot sa P6.8 million na halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong mga drug suspects sa drug buy bust...

3 militiamen slain, 3 hurt in Lanao Sur ambush

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte  – Three militiamen were killed while three others were injured in an ambush by still unidentified gunmen in...