MIPA BARMM mid-level official shot dead in Cotabato City
KINILALA ang nasawing biktima na si Jocelyn Samar Palao, division chief ng Ministry of Indigenous People’s Affairs o MIPA BARMM na taga Timanan, South Upi, Maguindanao.
Ayon kay Police Precinct 2 Commander Major Amil Andungan Jr, naganap ang pamamaril sa bahagi ng San Pablo Village, Barangay Rosary Heights 11, Cotabato City mag-aalas 6:00 ng gabi araw ng Martes.
Hindi naman natamaan ang dalawang kasama ng biktima na si Jimmy Benito na taga Timanan, South Upi at Nurudin Zacaria na residente ng San Pablo Subdivision, Rosary Heights XI, Cotabato City.
Ayon sa ulat, sakay ang tatlo sa puting Suzuki Vanette habang binabaybay ang pinangyarihan ng krimen nang pagbabarilin ang mga ito ng mga di pa tukoy na mga suspek na tumakas din sakay ng motorsiklo.
Patuloy pang inaalam ang motibo ng krimen.